CHAPTER 12 Tinuro ko pa ang sarili ko para siguraduhin kung ako ba talaga ang tinutukoy niya. “Yes, Ligaya. Get inside,” Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Minsan, kapag nadadaanan ako ni Don Mariano ay sumasabay ako sa kanya dahil si Tatay naman ang driver ng sasakyan niya. Pero sa mga anak niya, never! Tapos itong panganay ay ihahatid pa ako? Umiling ako bago magsalita. “’Wag na po, may dadaan naman ditong sasakyan,” Ayaw ko ring makarinig ng issue sa mga tao. Ako na lang ang iiwas. Mahilig kasing gumawa ng mga kwento-kwento ang mga tao. Ginagawa pa ‘yong trabaho ng iba. Mas inuuna pa nila ang gumawa ng chismis kesa maglinis ng mga bahay nila. May sari-sarili rin naman silang mga kalat nila. Saktong may dumaang tricycle. Tinaas ko ang aking kamay upang pumara doon at m

