Huli ko na naisip na wala ako sa bahay at hindi naman ako ang may-ari nitong tinutuluyan ko para umaktong prinsesa at tanghali na magising. May exception naman ngunit paano naman sa parte ni Manang? Walang alam iyong matanda, hindi niya naman alam kung ano ang nangyari sa'min ni Ulysses.
Akala ko pa naman, hindi ngayon iyon mangyayari. Ngunit sadyang hindi iyon pinagpaplanuhan, kaya nangyari sa hindi inaasahang oras at panahon.
Napangiwi nga ako pagkatapos kong umihi, mahapdi pa rin. Ngunit hindi naman nakamamatay. Nagkatitigan kami ni Ulysses nang nahuli ko siyang umiinom ng kape sa bar stool ng kusina. Nasa unahan naman si Manang at amoy ko ang niluluto niyang pananghalian namin.
Ngumiwi ako at tumabi kay Ulysses na inabutan ako ng heater at mugs, saka niya tinuro ang dalawang lalagyan.
Parang gusto niyang magsalita ngunit pinili ring manahimik. Minsan nahuhuli ko siyang nakatitig kay Manang bago muling tumitig sa akin.
"Sa labas tayo." Bulong niya, halos maglapat iyong labi niya sa puno ng tenga ko kaya napaatras ako.
Natatawa ito ngunit pinili na lang na manahimik. Siguro ay takot siyang marinig ni Manang.
"Manang, sa labas lang muna kami ni Nia."
Hindi na lumingon ang matanda at basta na lang tumango. Hinayaan ko naman si Ulysses na hawakan ako sa kamay, at hawak naman niya sa kabila iyong mugs na hinanda niya sa akin. Pinagtimpla niya muna ako ng gatas. Iyong kanya, siguro'y ubos na kaya hinayaan niya na lang doon sa counter.
"How do you feel now?" tanong niya, sa mahinang boses. Pakiramdam ko nahihiya siyang marinig ni Manang iyong tanong niya. Naiintindihan ko naman... at saka, nakakahiya nga naman pag narinig ni Manang na sa unang araw at gabi ko rito ay may nangyari na kaagad.
Kahit sabihin pang dinala nga ako ni Ulysses rito para asawahin ay hindi pa rin makatarungan. Kakakilala lang namin, at hindi ko pa lubusang kilala si Ulysses. Gano'n din siya sa akin. Kaya kung anuman man itong nangyayari sa amin... masyadong nang mabilis.
"O-okay naman... kinakaya ko."
Lumingon siya sa akin bago nilapag sa mesa iyong dala niyang mugs para sa akin. Saka siya nahiga sa lounge, sabay hila sa akin. Kaya ang labas ay parang nakadagan ako sa kanya. Nahihiyang napaiwas ako at tumitig sa swimming pool. Saka napabuntong hininga.
Kumislot naman siya at niyakap ang bewang ko. Saka hinapit pa lalo.
"I'm sorry if I wasn't as gentle as a must for your first time." Iling niya.
Napailing din ako nahihiyang nagtago sa ilalim ng kili-kili niya. Nahihiya akong sabihin na okay lang... na nag-enjoy naman ako. Kinaya ko naman di'ba? Hindi naman ako nagreklamo. Tinanggap ko ang lahat ng hapdi, ang sakit... at ibayong sarap. Kung naging marahas man siya sa akin... hindi naman ikinasama ng loob ko iyon.
"Next time, we'll take it slow. Pag okay na. Pag kaya mo na... saka natin ulit subukan." Ngiti niya.
Napailing ako pagkatapos tumingala sa kanya. Sa huli'y nagtago na ako sa likod niya. Suminghap din ako kalaunan at narinig ko rin ang maginoo niyang pagtawa. Siguro nga may nakakatawa. O hindi ko lang pansin kung ano iyon.
"May sasabihin ako, Nia." Sabi niya sa pagitan ng pagtawa.
Kumabog ang puso ko sa kaba. Para bang masusuka ako habang naghihintay sa sasabihin niya. Iyong kaisipan na baka may hindi siya nagugustuhan sa akin kaya kailangan niyang sabihin. Hindi ko alam kung magiging handa ba ako sa mangyayari o hindi... o handa ba ako sa maririnig o hindi.
"Hindi mabura sa isipan ko iyong reaksyon mo kaninang madaling araw... pasensya ka na kung magiging bastos pa ang iisipin ko tungkol sa'yo. Mas magiging bastos pa sa tuwing sumasagi sa isipan ko iyong ungol mo at ang reaksyon ng mukha mo."
Nagulat ako sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko ng umalis ako sa pagkakatago at sinilip siya. Na pumikit sandali at hinawakan na nang mahigpit ang kamay ko.
Naramdaman niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya dumilat siya at tumitig din sa akin. Saka siya napakagat labi.
Napanganga ako noong nilapit niya ang mukha. Iyong mga mata niya, kung makatitig para bang seryosong mantutunaw ng mga babae. Hindi ako nakakilos at natulala sa mukha niya. Iyong mga mata niya talaga... nakakahumaling. Bruskong pinoy, na hindi ko alam kung tunay ba talagang pinoy.
"Nia, you're too innocent." Kagat labing sabi niya at medyo umatras.
Nakaramdam ako ng disappointment. Akala ko pa naman kasi ay hahalikan niya ako ngayon. Hindi naman... gusto ko ulit maramdaman iyong halikan namin kagabi. Iyong para bang mapupugto ang hininga, iyong para bang mauubusan kami ng oras.
"Gusto kong mag-aral ka, Nia." Nag-iwas siya roon pagkatapos bitawan ang mga salitang iyon.
Hindi ko na naiwasan ang pagiging klaro ng pagkakabigla ko sa lahat. Namamangha na ako sa mga sinasabi ni Ulysses. G-gusto niya akong mag-aral? Paano naman ang responsibilidad ko sa kanya, sa anak niya? Alam ko na malaki ang utang namin sa kanya, kaya dapat lang din na suklian ko iyon. Hindi iyong dadagdagan ko na naman.
" P-pa'no ang utang namin sa'yo? P-pano ko babayaran? Di yata mas lalo kaming malulubog niyan."
Napailing siya at inakbayan ako saka inayos sa pagkakahiga roon.
"Nia, di naman kita inoobliga na bayaran ako. Nakalimutan mo na ba na ito lang ang hinihingi ko sa'yo? Kapalit ng pera ko?" manghang tanong niya.
Natahimik ako at napipilan. Nakalimutan ko na nga yata. Ngunit sapat na kabayaran na lang ba iyon?
"Nia, stop thinking... ikaw, para sa pera ay sapat na." iling niya.
Natahimik naman ako, para sa pera niya? Ano bang ibig sabihin noon?
Nag-usap-usap pa kami ng kung ano-ano noon sa tapat ng pool hanggang sa tinawag na kami ni Manang para sa sobrang late naming pananghalian. Nahiya naman ako kasi mukhang ako pa ang may kasalanan kung bakit ang pananghalian ay naging alas dos.
"Wala akong pasok mamaya..." paalam niya ng tumabi sa akin pagkatapos niyang pumasok sa silid naming pareho at maligo. Siya ang sumunod pagkatapos kong maligo. Si Manang naman ay lumabas at kinukulang na raw kami sa stocks.
Napatitig ako sa kanya noong inakbayan niya ako at pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko.
"Masakit pa rin ba?" tanong niya sa pagitan ng pagsilip sa akin.
Natigil ang panonood ko sa isang channel at nagtatakang tumitig sa kanya. Ngunit nang nakuha ang ibig niyang sabihin ay nagliwanag ang mukha ko na ikinatawa niya. Huli na para ma-realize ko na halata sa mukha ko iyong pagkasabik kaagad ni wala pang isang araw noong may nangyari sa amin.
"Nia..." tawa niya, at hinaplos ang leeg ko.
Nangilabot naman ako roon at hindi na nagsalita. Sa halip ay nanood na lamang ako ng palabas. Ngunit hindi kalaunan ay napansin ko ang pagiging iba ng mga haplos niya sa leeg o kaya'y balikat ko. O sadyang binibigyan ko lang ng ibang interpretasyon iyong mga hawak niya dahil nga sa nangyari kanina.
"Sa kwarto kaya muna tayo, Nia." Bulong niya.
Napaatras ako ng bahagya ngunit natigilan noong lumapat ang labi niya sa puno ng tenga ko pababa sa leeg. Napakislot ako at naalala lahat-lahat ng nangyari. Nanghihina ako noong hinila niya ako paakyat. Napatitig pa ako sa pintuan sa pag-aakalang maabutan kami ni Manang.
"Nia..." daing niya sa pagitan ng pagpapak ng aking dibdib habang umuulos sa itaas.
Napapikit ako at kagat labing kumapit sa balikat niya.
Nakatulog kaagad ako, at naramdaman ko siyang umalis sa kama at umalis sa kwarto ng narinig na may nagbo-voicemail sa gate. Pagod na naman ako kaya hindi ko na inisip kung sinuman iyon.
Simula nang tumira ako rito kay Ulysses, na isang araw at dalawang gabi pa lamang, naging abnormal na ang mga gising ko. Alas onse nang nakaramdam ako ng gutom kaya tumungo ako. Hindi ko nakita si Ulysses sa tabi ko noon, kaya inisip ko na baka gising pa ito. O kaya'y nanonood ng tv.
Nagulat nga ako noong nakita si Manang na nanonood ng tv. Sa halip na si Ulysses ang nando'n. Bumati ako kay Manang na nakatulog pala, nagulat nga ito sa pagsulpot ko at humingi na lamang ako ng pasensya.
"Hindi ba nakapagpaalam iyon?" kunot noong tanong niya.
Nagtatakang tumitig ako sa kanya, nakalimutan ko na gutom nga pala ako at kailangan kong kumain. Pinagod na naman ako ni Ulysses... na tama nga siya, at dinahan-dahan niya lang kagabi sa takot na baka masaktan niya ako.
"Mukhang hindi..." kumpirma niya.
Tumango ako, saka lumapit at tumabi sa kanya. Nahihiya naman akong magtanong kaya hinintay ko siyang magsalita muli.
"Sinundo niya na si Sapphire. Dapat bukas pa ang uwi ng batang yon kaso naghahasik na ng lagim doon. Pinapasakit ang mga ulo ng mga nag-aalaga." Natatawang sabi niya.
Naitikom ko naman ang bibig. Ito na ba? Ito na ba ang tunay na problema rito? Alam ko ang pagkakadisgusto noong bata sa akin. Simula pa lang noong una.
Pumikit ako sandali at nawala na ng tuluyan sa isip ko iyong gutom. Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Paano ko ba paaamuhin iyong taong ayaw sa akin? Sabi ni Ulysses, magugustuhan din naman ako ng anak niya, patience lang.
Nagpaalam naman si Manang na matutulog na, at dahil gabing-gabi na rin. Doon naman ako kumilos at nagdesisyon nang kumain kahit nakalimutan ko na ang gutom. Pagkatapos kong maglinis ay bumalik na ako sa pangalawang bahay at naghintay sa pag-uwi ni Ulysses. Madaling araw na yata nang naramdaman ko na may tumabi sa akin. Agad akong nagising at sumilip sa kanya na plakda sa tabi ko. Baka nga pagod, mula Maynila. Syempre nakakapagod din iyon. Baka nga nagdrive lang ito, hindi nag-commute.
"G-good morning." Garalgal na bati niya sa akin. Siguro naramdaman niyang nagising ako kaya sumilip muna siya para batiin ako.
"G-good morning." Balik bati ko. At umayos ng higa.
"S-si Sapphire?" kinakabahang tanong ko.
Naramdaman ko ang pagngiti niya. Saka niyakap ang bewang ko. Napanguso ako noong inihiga niya sa mismong tapat ng isang dibdib ko iyong mukha niya. Confident pa naman ako kanina na wag magsout ng bra. At heto ngayon... nakakaawkward kahit na ilang ulit na naman niyang nakita iyon. Siguro kasi, lahat para sa akin ay may malisya. Lalo na pagdating sa kanya.
"Nakatulog na habang nasa byahe kami. Don't worry... she's fine." Ngiti niya at hinigpitan pa ang pagyakap sa akin.
Napabuntong hininga ako at pumikit. Akala ko nga ay hindi ako makakatulog dahil sa pag-aalala. Kaso tinanghali na naman ako ng gising kinaumagahan.
Nagulat si Sapphire nang naabutan ko siyang naglalaro sa gitnang bahay. Sumama ang titig nito sa akin at siya namang titig niya sa kusina.
"Daddy!" parang nagsusumbong ang boses niya. Napapikit ako at dinasal na lang ang swerte na sana maging madali sa akin ang pag-aalaga sa batang 'to. Mas spoiled pa kay Clarisse.
Narinig ko ang tawa mula kay Ulysses nang nagmamadali itong lumabas mula sa huling bahay. Basa pa ang kamay at mukhang nagmamadali na lang sa pag-iwan sa gawain doon. Siguro nag-aalala... at kung makasigaw naman kasi si Sapphire parang may ginawa akong masama.
"Daddy... Sabi mo, akin ang parteng 'to! Pero bakit nandito siya?" naiiyak na tanong niya.
Mas lalong natawa si Ulysses at lumapit sa amin. Hinalikan niya ako sa noo na naging dahilan pa kung bakit mas lalong nag-alburuto si Sapphire.
Pumipikit na lamang ako kasi sumasakit ang ulo ko sa tinis ng boses niya. Hindi ko alam kung tulad ba no'ng una ay kakayanin ba ng pasensya ko. Masyadong malayo ang mga ugali nilang pareho ni Clarisse. Kahit papa'no, sumusunod at may respeto naman iyong kapatid ko sa akin.
"I don't want her!" dabog nito.
Umiling si Ulysses at kinurot ang pwet ko na siyang ikinalaki ng mga mata ko. Napatitig ako sa kanya na halata sa'king mukha ang pagtataka. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa iyon. Alam niya naman sigurong nandito ang anak niya, at unang araw pa lang namin sa iisang bubong ay mukhang magkakarambulan na.
"Sapphire, mabait si Nia... aalagaan niya."
"Hindi ko kailangan ng Nanny!" talikod nito.
Nalaglag ang panga ko. Umalis ito at lumabas. Sinilip ko naman si Ulysses na amuse na tumitig sa pinaglabasan ng sariling anak. Noon lang siya lumingon sa akin. At ibinaba niya ang mukha saka madiin akong hinalikan. Napanganga ako, lalo na nang lumagkit ang halik niya. Ramdam ko iyong dila niya.
"Good morning, Nia." Bati niya habang nangingiti.
Para naman akong lutang at kumabog ang puso bago bumati ng pabalik.
"M-morning..."
Sana nga swertihin ako at makasundo ko kaagad iyong anak niya. Ayaw talaga sa akin noong bata. Kulang na lang kaladkarin niya ako palabas.