19

2065 Words
Kinabukasan, maaga akong nagising at sinamahan sa paghahanda si Manang. Wala naman kasi akong magawa kundi ang mag-isip tungkol sa mangyayari. Alam ko na kakayanin namin ito. Marami kami, at sa kanila naman lumaki si Sapphire, may chance na sa kanila mapunta ang bata. Alam ko, konti na lang at makukuha na namin ang bata. Pagkatapos ng lahat ay siya namang pasok ni Ulysses na nakasando at boxer pagkatapos ay tumutulo pa iyong tubig mula sa buhok niya. Nakasandal sa corner ng pintuan kaya napamaang ako kaso napatikhim din ng nakita ko na papalapit na rin ang mga magulang niya. Nanginginig nga ang mga kamay ko nang ibinaba ang inihanda na almusal. Pakiramdam ko nga rin ay alam ni Ulysses na sandali akong natulala sa kanya. Kakaiba ang ngisi nito nang papalapit sa amin at inayos ang mga upuan. "Good morning po." Bati ng dalawang kambal at nagkukusot ng mga mata. Ngumiti ako at lumapit sa kanila para ayusin ang mga pantulog nila. Nanggigigil na naman ang mga matatanda, nalungkot nga lang ako ng narinig mula sa kanila na kung gaano na nila ka-miss si Sapphire kahit na hindi pa naman ito nagtatagal simula ang kunin si Rhea. "Kailan po uuwi si Sapphire?" inosenteng tanong ni Andolf. Natahimik kami. "Pag okay na nag lahat, apo." Ngiti ng matanda. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang gaan ng pakikitungo ng matanda sa akin o sa amin. Akala ko kasi tulad lang din ng iba ay mamaliitin na naman kami. Iyon ang hindi ko naman naramdaman. Napaka-open nilang mag asawa at talagang mababait din sa mga kapatid ko. Kaya lang kinahapunan ay nagpaalam naman sila na kailangan nilang umuwi ng Metro sandali at may aasikasuhin lang. Naiwan kami sa bahay ni Ulysses. Sinamahan ko rin ang mga kapatid ko sa swimming pool. At katabi ko naman si Ulysses na kausap ko tungkol sa kaso. "Sa ngayon hindi ko alam kung kailan ang susunod. Gusto ko na talagang bawiin si Sapphire. Miss ko na iyong anak ko." Malungkot na wika niya. Parang dinudurog naman ang puso ko habang nakatitig sa mukha niya. Halata ang panghihina niya, kahit na nandito naman kaming lahat. Kahit nga ako nalulungkot din habang iniisip si Sapphire. Hindi pa naman kami masyadong nagkakasundo no'ng bata ngunit alam ko sa puso ko na mabait iyon. Na mahal niya ang sariling ama. Walang question kaya ilalaban namin ito kahit saang dulo pa umabot. Mag alas 3 nang napagod ang mga bata kaya tumungo kami sa kusina at naghanda ng makakain. Since wala si Manang ay kaming dalawa ni Ulysses ang nagtutulungan. Minsan ngumingiti rin naman siya ngunit madalas na malalim ang iniisip niya. Ang bigat ang dibdib na makita siyang ganoon. Parang pati ako ay pinipiga ang puso. Ayaw ko mang aminin ngunit pakiramdam ko tama lang din na samahan namin siya. Gusto kong... pagaanin ang loob niya. Ngunit paano? Humihikab na si Andolf nang natapos kami sa Merienda. Ganoon din si Clarisse na parang nahawa na rin sa paghikab ni Anfdolf. Sinamahan ko naman ang dalawang bata para matulog sa silid na inilaan sa amin ni Ulysses. Saka naman ako bumalik sa sala kung saan nanonood siya ng tv. Napabuntong hininga ako at tumabi sa kanya. Saka ako sumandal sa kanya. Ngumiti siya ng kaonti at hinalikan ang ulo ko. "Salamat, Nia. Kung hindi dahil sa inyo, siguradong mababaliw ako sa kakaisip at kung paano ko mababawi si Sapphire. Thank you, Nia for letting the kids and yourself stay in here." Ngumiti lang ako at kinuha ang kamay niya sa saka pinaglalaruan ang mga daliri niya. Sino naman ang hindi mahuhulog sa kabaitan ni Ulysses. Alam ko na sobra-sobra itong kung magmahal. At napakaswerte ko na nakilala ko siya. Kahit na sandali lang ang lahat. Kahit na masyadong mabilis ang lahat. Kahit sino namang babae ay nanaising makasama si Ulysses. "Nia..." tawag niya kalaunan. Tumingala ako, hindi nagsasalita. Hinintay ko ang mga sasabihin niya at laking gulat ko nang naungkat iyong tungkol sa naiwang utang nina Papa. "P-paano?" "I have my ways, Nia." Iling niya at nagpipigil ng ngiti. Hindi ako nakaimik kaagad, alam ko naman iyon... may sarili siyang paraan. Ngunit sadyang nilihim ko iyon kasi masyado nang magulo. Lalo na ngayon na may kinakaharap siyang mas malaking problema. Ayaw ko... "Stop thinking about that Nia. Pera lang iyan at walang katumbas ang saya ng isang tao. I want you to be free from your family's debt. Alam mo kasi Nia..." putol niya sa sinabi. "Mahal na kita." Mas lalo akong nagulat. Hindi na nga ako nakapagsalita kung hindi niya lang hinalikan ng mga ilang segundo iyong labi ko. Napakurap ako at parang nagising sa isang magandang panaginip. "M-mahal mo ako?" turo ko sarili. Tumango-tango siya habang nakangiti. Iyong saya niya, parang biglang bumalik sa dati. At hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanyang hindi pa ako sigurado kung ilang porsyento na ba ng pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya. "Hindi man ito ang tamang panahon para umamin, pero Nia. I really love you. And I am very thankful that you stayed." Iling niya habang natatawa sa sinasabi. Hindi ko naman alam pero naiiyak ako. Ang swerte ko talaga kahit saang anggulong tingnan. Napakaswerte ko kasi kung noong iniisip ko na baka makalipas ang isang taon ay baka magbago na rin ang nararamdaman niya. Kaso ito nga, rinig na rinig ko, at gising na gising din, nang sinabi niyang mahal niya ako. "Lalaban ako, Ulysses. Lalaban tayo." Naiiyak na sabi ko saka niyakap ang bewang niya. Para naman akong bata na nagtatago sa dibdib niya. Ang bigat ng dibdib ko sa sobrang saya. Para bang kasalanan ito. Para bang kasalanan na maging masaya kahit papa'no. Kahit na may malaki kaming problema ngayon. Ilalaban ko naman ito ngayon. Hindi na tamang basta ko na lang siyang hayaan kahit na may problema pa ako. Sa tingin ko kailangan namin ang isa't isa. Lalo na sa panahon ngayon. Ang daming kailangang harapin, at sa panahon ngayon kailangan naming magpakatatag na kasama ang isa't isa. Walang iwanan. Kinabukasan ay siya namang pagkaalala ko nang lumabas kami ng mga kapatid ko ay nakita namin si Rhea na nakatayo malapit sa bungad ng bahay. Sadyang nagulat ako at kasama nito si Sapphire na namumugto ang mga mata habang nakahawak sa kamay ng tunay na ina. Nanlalaki nga ang mga mata ng bata no'ng nakita niya kami. Gusto niyang umalis doon, gusto niyang maglakad patungo rito ngunit sa nakikita ko mukhang wala namang balak si Rhea na hayaan itong umalis, humigpit pa nga ang pagkakahawak sa kamay no'ng isa. "Akala ko pa naman hindi kita madadatnan dito... Hm, kaya nga umuwi kami kasi akala ko may pag-asa na iyong proposal ko sa ama ni Sapphire. Kaso nga lang..." iiling-iling na sabi niya, habang nakangisi. Hindi ko alam kung natutuwa pa ba ito sa nakita. Ako nga e, hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang ipinaglalaban ni Rhea. Ito ba? Itong buhay ba na meron ako? Kung sana noon pa man ay ginawa niya na ang lahat, wala na sanang problema. Kung gusto niya bawiin ang mag-ama. Paano ako? "Rhea..." nagulat ako noong nakita si Ulysses na lumabas mula sa kusina. Kasama niya si Manang na nagulat din sa nakita. Mas lalong namula ang mukha ni Sapphire. Nagpipigil ng iyak. Kita ko kung paanong nagtutubig ang mga mata niya. Nasaktan ako lalo. Narinig ko pa na umangal ang mga kapatid ko ngunit sinabihan ko naman silang pumasok muna sa mga silid niya. "Ulysses, alam mo naman na nagsisisi na ako sa ginawa ko noon. Hindi pa ba sapat lahat ng isinakrapisyo ko para bumalik tayo sa dati?" iiling iling na sabi niya. Napalunok ako at namimigat ang mga mata ay napatitig ako kay Ulysses. Nasasaktan ako habang nakikinig sa mga sinasabi ni Rhea. Siya naman kasi ang nauna. Siya ang ina ng anak ni Ulysses. Ano bang laban ko? Pwede pang magbago ang isipan ni Ulysses. At pag nangyari yon. Maiiwan ako. "Rhea, let's stop this please. I'm already done with the past. Kailangan na nating magmature at lumalaki na si Sapphire." "Kaya nga!" hysterical na sigaw nito. Napaatras si Manang, ako nama'y nakatitig lang kay Ulysses na mukhang pagod. Pabalik-balik iyong pagkakatitig niya kay Sapphire at sa ina nito. Alam ko naman. Na kung pwede ay may madaling paraan para makasama niya si Sapphire, alam ko naman na gagawin niya ang lahat. Ang hindi ko lang matanggap ay kung sakaling piliin nito ang desisyon ni Rhea. Paano na ako? "Kaya nga Ulysses! Ginagawa ko na ang lahat para maging kompleto na tayo. Hindi pa ba mature iyong desisyon ko?!" nanlalaking matang sigaw niya. Pakiramdam ko anytime pwede na siyang manuntok sa sobrang frustration na nararamdaman. Natatakot ako para sa sitwasyon. At lalo na kay Ulysses. Paano nga kung sa huli ay piliin niya si Rhea para kay Sapphire? Para bang pinipiga na nang paunti-unti iyong puso ko. Parang ayaw ko nang huminga. Ang sakit marinig nito. Luging-lugi ako. "Rhea, please." Nanghihina sabi niya. Humakbang siya ng isang beses kaya napaatras si Rhea. Bumukal ang mga luha niya na naging dahilan kung bakit parang sumabog na iyong kaonti kong pag-asa. "Yul! I regretted everything! Kaya nga ginagawa ko ang lahat para makita mo ako. Para naman bigyan mo ako ng isang chance pa! Yul, para kay Sapphire." "Mom..." napaiyak na nang tuluyan iyong bata. Nakagat ko naman iyong pang-ibabang labi ko at napaiwas ng titigan sa dalawa. Ang sakit... kahit na sabihin pang mahal ako ni Ulysses. Ang sakit pa rin. Ganoon ba talaga ka-komplikado ng pag-ibig? Parang sa malabo at malinaw. Malinaw naman na mahal niya ako pero nagiging malabo dahil sa mga bagahe. "I'm sorry, Rhea. But I'm in---" "Ilalaban ko iyong full custody kay Sapphire! Sa tingin mo ba dahil ikaw ang nagpalaki sa kanya ay kaya mo nang gawin ang lahat?! Ako pa rin ang ina ni Sapphire, at nasa akin ang karapatan." Nasasaktang sabi niya at hinigit si Sapphire. "D-daddy!" iling ni Sapphire na lumingon pa para sa sariling ama. Doon naman nanlalaki ang mga mata ni Ulysses at sumunod palabas. Sumunod din kami, sa pag-aakalang okay na ang lahat. Kaso kamo hindi namin napaghandaan na may kasama pala si Rhea. Hindi pa man kami nakakalapit ay hinarangan na siya. Kaya nga lang dahil malaking tao si Ulysses at parang dahon lang na hinawi niya iyong dalawang tao. At sumunod sa mag-ina niya, saktong papasok na ang mga ito sa sasakyan. Nahila niya naman si Sapphire. At niyakap ng mahigpit. Nanlalaki ang mga mata si Rhea. Nagulat din ako sa nangyari kaya mabilis naman kaming lumapit ni Manang. Kaya lang hinarangan din kami. "D-daddy." Iyak ng iyak si Sapphire. "Don't worry, sweetheart. Kukunin kita." Pangako niya sa bata. Biglang naging matapang ang mukha ni Rhea at tinulak si Ulysses na tumayo rin at tinitigan si Rhea. Pansin ko ang pagdilim ng mukha niya. Para bang dudurugin niya si Rhea. Matangkad din naman si Rhea ngunit higit na mas matangkad si Ulysses. Payat si Rhea kaya walang panama sa bruskong katawan ni Ulysses. Pwede ngang sa isang iglap ay madurog ito. "Babawiin ko iyong karapatan ko sa bata, Rhea. And when that time comes, siguraduhin mo rin na maaawa ako sa'yo." Mariing wika niya bago tumalikod. Iyak pa rin ng iyak si Sapphire na nagpatianod na rin sa hila ng sariling ina. Ilang minuto nang nakaalis iyong sasakyan pero nandito pa rin kami, nakatayo at nakatanaw sa bukas na gate. Nagulat nga lang ako noong dumaosdos iyong kamay ni Ulysses sa bisig ko pababa sa kamay. Saka maghigpit na kumapit doon. "Papasok lang ako..." paalam ni Manang, naiwan na naman kaming dalawa roon. "Stay with me, please." Napatingala at napanganga ako sa sinabi niya. Rinig ko iyong takot niya sa boses. Tumango ako. Kahit ano pa, kahit na masaktan ako sa huli. Sisikapin ko na manatili sa tabi niya. "I love you so much, Antonia. So please, stay with me. No matter what, stay with me." Iling niya at mahigpit na niyakap ako bago hinaplos iyong ulo ko. Napaiyak na naman ako sa takot. Natatakot ako para sa nararamdaman ni Ulysses. Paano kung gawin niya nga iyong sinabi ni Rhea? Maiiwan ba ako? Paano ako? Alam ko kasi sa oras na mawala sa akin si Ulysses, mawawalan na rin ako. Mahal ko siya e... sobrang mahal. Na kahit mahirap ang sitwayon, ilalaban ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD