KISHA'S POV Matalim na tumingin ako kay Renzo. Maayos na ang lagay niya. Pang-apat na raw na rin namin sa ospital at kagabi pa sinabi sa akin ng doctor na okay na siya. Tenest na rin siya kahapon at wala naman nang nakikitang posibleng delayed bleeding sa kaniya kaya maari na siyang lumabas ng ospital. Ang kaso, ayaw pa rin niyang lumabas. Dumadaing pa rin siyang masakit ang katawan niya gayong nagsisimula na ring mawala ang mga pasa niya. Halata namang nag-iinarte na lang siya. “Kisha, masakit pa talaga ang katawan ko. Apat ang bumugbog sa akin, pakiramdam ko nga may nabali akong buto sa may beywang. Baka sira iyong x-ray nila kaya hindi makita," reklamo pa rin niya sa akin. Pati equipment ng ospital, sisisihin niya huwag lang siyang lumabas. “Kailangan mo nang lumabas. Pwede namang s

