KISHA Aalisin ko sana ang braso ni Renzo sa balikat ko pero mas dumiin ang hawak niya sa balikat ko kaya tumingin ako sa kaniya. “What do you mean, yours?” tanong ng blonde na kasama nila. Tinuro pa niya kami ni Renzo. “I mean, she’s my—” “Body—” “She’s my friend,” saad ni Renzo bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Ngumiti siya sa akin na para bang sinasabi niyang sakyan ko na lang siya kaya hindi na ako kumontra pa. “Ohh, come! Let her sit,” yaya naman ng isang maiksi ang buhok. Apat ang kasama ni Renzo sa table at tatlo doon ay babaeng-babae na talaga kung titingnan. Pero halata pa rin sa mga boses nilang nakaipit na hindi sila orihinal na babae. Habang ang isa namang nakapanlalaki pa rin naman ng suot pero masyadong malantik ang hawak niya sa wine glass niya. Siya lang din ang hi

