KISHA “What do you mean?” Ngumisi lang si Kenzo pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Nakatingin lang siya sa akin at para bang may kung anong naglalaro sa utak niya. Hindi ako bobo pero hindi ko agad makuha ang ibig niyang sabihin. “You can't resign, Renzo will not agree..” Asar na sinalubong ko ang mga mata niya. “Why can't you decided? I don't want to be his bodyguard anymore.” “Then talk to him. Tell him your decision,” hamon niya sa akin. Pabagsak na naupo ako sa sofa dahil sa sinabi niya. Parang kahit si Kenzo, ang hirap niyang kausap. Tumingin ako sa kaniya. Kalmadong nakaupo lang siya. Walang ngiti sa mga labi niya at hindi ko mabasa ang iniisip niya. “But you are the one paying me.” “And I don't mind the money I pay for you as long as my brother wants you to guard him.

