KISHA Huminto ako sa tapat ng gate ng isang subdivision. Sa unang gate pa lang, dalawang armadong guwardiya na ang sumalubong sa sasakyan akin. Hindi sapat ang sticker o ID para makapasok sa loob. Kailangan naka-register ang plaka, naka-log ang pangalan, at ma-scan ang sasakyan sa ilalim at loob bago bumukas ang bakal na gate. Isang maling detalye lang, automatic lockdown ang buong perimeter. Nang ma-check ang identity at masigurong walang kakaiba ay saka lang ako pinayagang makapasok. Sa unang tingin, parang ordinaryong high-end subdivision lang ito. Moderno ang desinyo ng mga bahay. Ang mga normal na bahay sa gitna ng subdivision ay hindi talaga mga bahay. Ang isa, kung titignan mo mula sa labas, parang two-story contemporary home lang pero iyon pala ang main security hub, punong-pun

