Renzo’s POV
‘Don't listen to your brother. Give her some meds, but make sure she eats first before you give her medicine. Avoid any physical activity for at least a week. Kisha is strong, but you tore her hymen. She needs time to heal. Btw, congrats’
Iyon ang nabasa kong mensahe ni Karen kaya sinunod ko ang utos niya. Mabuti pa siya matino. Kahit hindi ko diirektang sinabi sa kaniya ang nangyari, alam na alam agad niya. Pahamak lang talaga si Kenzo pero mas gusto ko rin ang suggestion niya. Excited na akong gamitin ang dila ko kaso mukhang mapapatay ako ni Kisha kapag ginawa ko iyon. Next time na lang.
Nagluto muna ako ng rice porridge para kay Kisha pero dahil hindi ako magaling magluto ay nanood pa ako sa tutorial online. Mukha namang madali lang pala magluto.
Inihanda ko ang lahat ng ingredients. Kailangang masarap ang luto ko para hindi itapon sa akin ni Kisha kung sakali. Sadista pa naman ang bebeloves ko.
Kung nasarapan siya sa ginawa ko kagabi, dapat masarapan din siya sa lulutuin ko para sa kaniya.
Malaki ang ngiti ko habang nagluluto ako. Sumisipol at kumakanta pa ako. Kahit muntik nang mabasag ang junior ko, parang energetic pa rin akong masyado. Nakapag-recharge kasi akong masyado kagabi.
Naaalala ko ang nangyari kagabi habang nagluluto ako. Bigla kong naramdaman ang pagkabuhay ng p*********i ko.
“Calm down, buddy,” bulong ko at tinapik ang tapat ng p*********i ko. ”Galit pa si Kumander kaya huwag ka munang sumaludo.”
Muli akong nag-focus sa pagluluto ko. Kailangang mapainom ko na ng gamot si Kisha dahil baka lumala pa ang lagay niya.
Kaso nang tikman ko naisuka ko sa lababo dahil sa alat. Isang kutsara lang naman nilagay ko pero bakit ang alat? Kaya inulit ko ang pagluto. Pangalawa naman at matabang kaya hinabol ko na lang ang lasa hanggang sa ma-satisfied ako. Napangiti ako nang tikman ko ang lugaw at makuha ko na ang gusto kong lasa.
Kung the best way to man's heart is through his stomach, iyon din ang gagawin ko. Mas astig pa naman sa ibang lalaki si Kisha.
Naglagay na ako sa isang glass bowl saka ko iyon dinala kay Kisha.
Tulog pa siya nang bumalik ako sa kwarto pero kailangan niyang uminom ng gamot kaya ginising ko muna siya.
“You need to eat bago ka uminom ng gamot,” saad ko sa kaniya nang magmulat siya ng mga mata.
Kinuha ko ang kutsara para sana subuan siya pero inagaw niya.
“Ako na. Hindi naman ako baldado,” mataray na saad niya kaya napanguso na lang ako.
Alam ko naman na hindi siya baldado pero gusto ko lang naman siyang subuan.
“Hayaan mong subuan kita,” giit ko pero matalim niya akong tiningnan kaya nanahimik ako.
Tingin pa lang niya. Nakakatakot na. Baka kapag naasar siya, barilin na lang niya ako ulit.
“I want to take a bath.”
“Paliliguan kita,” excited na pagvo-volunteer ko habang malaki ang ngiti ko.
“Just prepare the bathtub. I want warm water to relax my muscles,” utos niya at mabilis naman akong tumayo para sundin siya.
Parang kahit anong iutos niya sa akin ngayon. Mabilis kong susundin.
Matapos niyang kumain ay uminom siya ng gamot. Inalalayan ko pa siya papuntang banyo dahil kita kong hirapan siyang lumakad pero tinabig niya ang kamay ko.
“Kaya ko.”
“Pero gusto kitang tulungan. Ako ang may kasalanan kung bakit ka ganiyan ngayon.”
“Mabuti alam mo,” masungit na sagot niya at malakas na binagsak ang pinto sa mukha ko.
Napailing na lang ako. Paano ko ba papamuin ang tigreng ito?
Nagtungo na lang ako sa kabilang kwarto para kumuha ng damit niya.
Nakababad na siya sa bathtub nang sumilip ako.
“Get out,” saad niya kahit hindi siya lumilingon sa akin.
Ulo ko pa lang nga ang nakapasok.
“Are you sure, you don't need my help?”
“Just leave me alone,” malamig na saad niya kaya wala na akong nagawa.
“Okay, here is your clothes. Huwag kang magbabad masyado, baka mas mabinat ka,” saad ko bago sinarang muli ang pinto.
Hinintay ko na lang siyang matapos maligo. May lagnat siya tapos naligo pa kaya mas nag-aalala ako.
Pero nang lumabas siya ng bathroom ay hindi niya ako pinansin. Basta na lang siya muling humiga ng kama. Namumula pa ang mga pisngi niya, senyales na masama pa talaga ang pakiramdam niya.
Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa makatulog siya
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. She's mine now. Hindi niya ako kailangang tutukan ng baril para lang pakasalan ko siya. I am willing to marry her. Kahit anong pagsusungit ang gawin niya, akin na siya.
This feisty woman caught my attention. I really like how bold she is and how she speaks her mind without holding back. She's real, and what makes her even more attractive is her confidence, which makes her look even more beautiful.
Alam kong parang tigre na ulit siya kapag nagising siya kaya sasamantalahin ko munang pagmasdan siya.
Tumingin ako sa maganda niyang mukha. Damn, this is the first time, I got attractive to someone. Hindi ako magsasawang titigan siya. Habang tumatagal mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko.
“Calm down, buddy,” muling bulong ko sa sarili ko nang maramdaman kong nabubuhay na naman ang p*********i ko. Tangina, mula kagabi, parang kusa nang sumasaludo palagi ang p*********i ko kay Kisha.
Siguro kapag nalaman ng mga kaibigan ko ang nangyayari sa akin ngayon, aasarin nila ako. Lalo na at marami ang nag-iisip na pusong babae ako at lalaki ang gusto ko. Well, sinasadya ko naman talagang maging malambot sa harap ng iba, pero may dahilan ako.
I’m the opposite of my twin brother. We have the same face, but the people close to us can easily tell us apart. My brother has that bad boy aura, while I know I’m more of a pretty boy. He has lots of tattoos, and I don’t have a single one on my body. I may look soft and a bit feminine, but I know for a fact that I’m straight. I’ve never been attracted to the same s*x. Even though I’m an actor and have played roles in many boys’ love movies, that’s just my job.
Trabaho ko lang gumanap na malambot na lalaki sa mga pelikula pero sa totoo, alam ko kung ano at sino ang gusto ko. Ang bodyguard ko.
I stared at Kisha’s lips. They were slightly parted, and I had to control my urge to kiss those sexy lips of hers. Baka talagang bumabaon na ang bala sa katawan ko kapag ginawa ko iyon.
I know I already had her last night, that was because we were both drunk. But I’ll make sure that won’t be the last time.
KISHA'S POV
Tumingin ako sa buong paligid nang magising ako. Wala na si Renzo kaya mabilis akong bumangon. Wala na ang lagnat ko nang kapain ko ang ulo ko pero masakit pa rin ang pagitan ng mga hita ko.
Sanay ako sa nakakapagod na training. Kaya kong tumakbo ng ilang milya pero pakiramdam ko, nahati ang katawan ko dahil kagabi. Hindi ko inasahang lalagnatin ako.
Napasuklay ako sa buhok. My job is to watch and protect him, not to spread my legs for him. But it seems that because of one drunken night, because of that f*****g drug. I forgot everything about my duty and gave in to the pleasure he gave me.
Then I realized what I did this morning. I cursed under my breathe.
Renzo is my job. I should not pointed my gun at him and obliged him to marry me.
Wala pa ako sa tamang pag-iisip kaninang umaga kaya nagawa ko iyon.
Ang sabihing pakasalan ako ang pinakamaling bagay na nagawa ko.
“Are you feeling better now?” napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Renzo na malaki ang ngiti sa akin. Nakatayo siya sa pintuan.
“Yeah,” mahinang sagot ko at sinubukan kong tumayo mula sa kama.
This is not even my room. This is his room.
“Good, now, wear this.”
Inabot niya sa akin ang puting dress kaya nagtatakang tumingin ako sa kaniya.
“We will get married. Paparating na ang judge,” he said, still smiling.
“You must be kidding me,” hindi makapaniwalang saad ko.
Kumunot ang noo niya bago niya ako pinagtaasan ng kilay.
“I am serious. Huwag mong sabihing joke lang ang sinabi mo sa akin kanina. Tinutukan mo pa ako ng baril,” pagpapaalala niya.
“Nabigla lang ako. Hindiko sinasadya. Mali na pilitin kitang pakasalan ako dahil lang may nangyari sa atin kagabi.”
Napangisi ito sa sinabi ko.
“You are not forcing me. I want to marry you,” seryosong saad niya.
“Renzo, I am your bodyguard,” pagpapaalala ko sa kaniya. “We can just forget what happened last night. I am sorry about what I did this morning.”
“No.” Tumigas ang expression ng mukha niya. Nawala ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya na madalas kong makita. “You can't take back what you said. I will marry you.”
“Renzo. I—”
Napanganga na lang ako nang mabilis niyang kunin ang baril ko at itutok iyon sa akin.
“What are you doing?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
He smirked.
“You will marry me or I'll shoot you?”
Damn. He is insane!
Biglang nabaliktad ang sitwasyon namin ngayon. Siya naman ang tumututok ng baril sa akin para pakasalan ko.