"Naku sinasabi ko sayo Eonnie, cute 'yan si Taehyung pero matutuwa ka sa ka-inosentehan niya. He's one of a kind, siya nga 'yung bias wrecker ko saka si Suga pero siyempre loyal pa rin ako kay chimchim ko." Natatawang umiling si Danica sa kadaldalan niya. Gusto niya kasing ipakita dito kung ano ang nagustuhan niya sa bangtan niya. Nag-search pa siya ng ilang video compilation ng bangtan niya at ipinakita 'yon kay Danica. "Eto ang cute nila diyan ppali! Look at them." Excite na sabi niya kay Danica. "Tingin nga!" Natatawang sabi nito saka pinanood 'yon. "Sino nga uli 'to?" Tanong nito at tinuro ang monitor. Sumilip naman siya. "Si J-hope 'yan!" Natutuwang sabi niya habang sinasayaw ang mga paa sa kama. Nakadapa siya sa kama nito habang si Danica naman ay hawak ang laptop nito. "Para k

