"f**k! f**k!" Sapo ang ulo na umikot sa harap nila Ellifard si Grey, hindi maipinta ang mukha nito at hinihingal na tumingin sakanila. "I thought that organization has already gone!" Galit na sigaw nito. Na-sabotahe ang supplies na diniliver ni Delifico sa pangasinan. Ang nakakapagtaka lang ay kung panong nalaman ng mga ito destinasyon ng lugar na pagdadalhan nila. Pero sabi ni Delifico, nakilala nito ang nakalaban nito na galing sa isang grupong kalaban nila. "Pero ang alam ko nanahimik na silang lahat, hindi na nila pinakailaman ang grupo diba? Baka naman isang tao lang ang gumagawa non?" Sabat ni Serionifo. "Kung isa lang madali nating mapapatay ang taong 'yon pero masyadong mabilis ang mga miyembro nila, they're like a shadow, a trickster.." Sabi niya sa mga ito. Ang grupong 'yon n

