"Paabot naman ng tubig Ellifard.." Bulong ni Romeliza sa katabi. Awkward sa pakiramdam na ngayon ay kaharap na ng pamilya niya si Ellifard, kaninang pagdating ng binata ay masama na agad ang tingin ng papa niya. "Ipakilala mo ang sarili mo samin, background mo, pamilya mo o kahit na anong bagay na magiging interesado ako." Malamig na tanong ng ama niya. 'Si papa kala mo interviewer...' Tumaas ang sulok ng labi ni Ellifard. "Isang italyano ang ama ko at Pilipina ang ina ko. I'm graduating in Criminology at the age of 20, may dalawa akong kapatid na babae. Hindi naman ganon ka-interesado ang bagay na meron ako Mr. Tan." Napangisi ang ama niya. "No, actually that's interesting. Graduating ka pala ng Criminology at mayaman kapa. How ironic huh.." "Appa..." Saway niya sa ama. Kaunti lang a

