Chapter 4

1301 Words
Joanna's POV Pasukan na naman. Medyo napaaga lang ako ng gising. Siguro motivated dahil makikita ko si Ty--charot lang. Ano ba yan Joanna, magtigil ka. Okay back to the topic. So dahil nga may klase na naman, agad akong pumunta sa aking banyo at naligo. Nang matapos ay agad akong nag-ayos at lumabas na ng kwarto. Habang pababa ay nakita ko si Kuya na kumakain na. Himala at ang aga niyang gumising ngayon. "Good Morning Kuya," sabi ko at humalik sa kanya. "Good Morning din Cess," ani niya saka humalik sa noo ko. "Aga mo ata ngayon. May gagawin ka ba?" tanong ko saka umupo sa tabi niya. "Hindi pa pwedeng gusto ko lang pumasok nang maaga?" turan niya saka ipinagpatuloy ang pagkain. "Pftt sa tingin mo maniniwala ako? Imposible talaga," nakailing kong sabi. Agad namang umirap sa Kuya sa sinabi ko. Aba't umaattitude to ha. Agad rin akong umirap sa kanya. Akala niya siya lang pwede umattitude. Pwes kaya ko rin. "Tama na yan mga anak. Baka mauwi pa yan sa awayan," sita naman ni Mommy sa amin. "O sya bilisan niyo na diyang kumain. Baka malate pa kayo," singit naman ni Daddy. Makalipas ang ilang minuto ay natapos din kaming kumain. Agad kaming nagpaalam ni Kuya kila Mommy at Daddy at gumayak na papuntang sasakyan. Habang nasa sasakyan ay nakaramdam ako ng excitement. Hindi ko nga alam kung bakit. Siguro dahil makikita ko ulit si Tyrone. Hindi ko talaga inexpect na magiging close kami. Napangiti naman ako sa aking iniisip. "Pstt ano naman ang nginingiti-ngiti mo dyan? Parang kang baliw," sabi sakin ni Kuya. "Ano ba Kuya. Pabayaan mo nako. Mind your own business okay?" naiinis kong sabi. "Nagtatanong lang eh," turan niya. "Tumahimik ka na nga lang," nakasimangot kong sabi. Hindi ko alam pero ang bilis kong mainis ngayon. Dati naman hindi. Ipinagsawalang-bahala ko nalang ang aking naisip at tumingin sa aming tinatahak. Malapit na pala kami sa school. Pagkatapos ng sampung minuto ay nakarating na kami sa school. Agad naman kaming bumaba sa sasakyan at nagpaalam kay Manong Driver. Nang makaalis ng sasakyan ay agad kaming naglakad ni Kuya papunta sa gate. Tilian ng mga babae ang agad na bumungad sa amin. Agad namang akong napangiwi sa kanilang turan. Kesyo sana pakasalan kuno sila ni Kuya at kung ano-anong kabulastugan. Hay nakoo. Mabuti nalang hindi mahilig sa Kuya sa mga ganyan. Hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng aming classroom. Hindi ko rin namalayan na iniwan na pala ako ni Kuya. Ang sama niya. Kahit pagpaalam ay wala talaga. Lagot talaga siya sakin mamayang uwian. Agad naman akong pumasok sa room at iwinakli ang iniisip. Nakita ko naman kaagad si Kyla na may kachikahan at si Tyrone na nakangiti sa akin. Agad ko rin siya nginitian at kinawayan saka tumingin kay Kyla napalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Tyrone. Nang makaupo ay agad akong dinumog ng tanong ni Kyla. "Ano yon? Bakit kayo nagngitian ni Tyrone? Close ba kayo? Nililigawan ka ba niya? Anong namiss kong episode? Sabihin mo!" tuloy-tuloy niya sabi sa akin. Grabe naman tong babaitang to. Parang nagrarap kung makapagsalita. Isali ko kaya siya sa rap competition. Baka manalo siya. "Ano ba Kyla, hinay-hinay lang okay? Sasagutin ko yan mamayang break. Chill muna," sabi ko sa kanya. "Sabi mo yan ha. Yari ka sakin kapag tinakasan mo ko," nakaduro niya sabi. Sasagot na sana ako sa kanya nang dumating naman ang aming teacher. Agad kaming nag-ayos ng upo at nakinig na. Agad din namang natapos ang aming mga klase. Hindi ko nga namalayan sa bilis. Nang matapos kaming mag-ayos ay agad akong hinila ni Kyla papuntang canteen. Siguro atat na atat na siya malaman yung tungkol kay Tyrone. Natawa naman ako sa naisip. Nang makahanap ng upuan ay agad kaming umupo at tinanong agad ako ni Kyla. "So paano nga naging close kayo ni Tyrone? Eh dati naman iniiwasan mo siya," ani niya sakin. " Yun naman talaga yung dapat kong gagawin. Kaya nga lang nagbago dahil nagkita kami ni Tyrone sa mall. Inaya niya kong mag-usap kaya nag-usap kami. At dahil don, naging close kami," pagkukwento ko kay Kyla. "So hindi mo na siya iiwasan? Feeling ko talaga may gusto siya sayo," nang-aasar niya ani. "Ano ba Kyla. Hindi niya ko gusto okay? Gusto niya lang talagang makipagkaibigan sakin. Wag kang maissue diyan," nakairap kong ani. "Hindi, gusto ka niya talaga. Bakit kasi ayaw mong maniwala. Helloo, sa titig palang niya sayo, alam na alam na," sagot ni Kyla. "Ewan ko sayo. O siya umorder na tayo. Malapit ng matapos ang break," pagchachange topic ko. Nang makaorder ay agad naming nilantakan ito. Nagchikahan din kami. Habang kumakain ay nakita ko si Tyrone na naghahanap ng upuan. Agad ko siyang tinawag at pinaupo sa aming table. Wala namang problem kasi magkaibigan na naman kami. "Oy Tyrone, dito ka nalang umupo samin," nakangiti kong turan kay Tyrone. "Ahh sige, salamat ha. Kanina pa kasi ako naghahanap ng bakante," nahihiyang sagot niya habang kinakamot niya ang kanyang batok. "Cute," ani ko na ikinagulat ko din. "Ano yon?" ani ni Tyrone matapos makitang nagulat ako. "Ahh wala-wala. Sige kain ka na," ani ko. Nang dumapo ang tingin ko kay Kyla ay agad kong nakita ang mapang-asar niyang ngiti. Siguro narinig niya ang sinabi. Aghh bakit ko kasi nasabi yon. Dapat sa mind ko lang iyon eh. Sobrang traydor naman ng bibig ko. Dapat talaga dinaduct tape to eh. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain. Nagpaalam kami kay Tyrone na mauuna na sana. Nang palakad kami ni Kyla ay may yumakap sa akin sa likod. Agad naman akong napatuod ng maramdaman ko ang hininga ng taong yumayakap sa akin sa bandang tenga ko. "Uhmm Anna," ani ng nakayakap sa akin na si Tyrone pala. Agad namang nag-init ang mga pisngi ko. Kinilig din ako sa nickname na binigay niya sakin. Ano ba Joanna, maghunos-dili ka. Wag maging maupok okay? Itaas mo ang bandera natin. Wag kang mafall. "A-ano y-yon?" nauutal kong ani sa kanya. "Meron ka ba?" sagot niya naman sa akin habang nakayakap pa rin. "H-ha?" ani ko naman. Mas inilapit niya naman ang kanyang bibig sa aking tenga. Dahil doon, mas lalong namula ang aking mga pisngi. Nakita ko namang kinikilig si Kyla sa gilid. "May tagos ka kasi," ani niya habang may itinataling jacket sa aking beywang. Agad namang nagsink in sa akin ang kanyang sinabi. HIndi ko rin namalayan na tumatakbo na ako papalayo sa kanya. Ehh paano ba naman kasi, nakakahiya yon. Bakit ko ba kasi nakalimutan na ngayon yung araw na yon. Kaya pala nasungitan ko si Kuya kanina. Tinampal-tampal ko naman ang aking mukha habang iniisip yung nangyari. Agad din namang dumating si Kyla na hinihingal. "Ang bilis-bilis mo namang tumakbo girll. Iniwan mo pa talaga ko don ha. Ako nga dapat yung mang-iwan dahil nakipaglandian ka pa don kay Tyrone. Yieieieie kinilig ka noh?" ani niya. "Anong nakakakilig don? Ginawa niya naman yon dahil nga tinagosan ako at para hindi ako mapahiya," namumula kong ani. "Hindi ka pa kinikilig sa lagay mong yan? Eh halos maging kamatis ka na sa pula kanina nong binulungan ka niya eh," sagot niya naman. "Ehh basta. Uuwi nalang ako siguro. Pagkatapos ng pangyayaring iyon eh hindi ko na alam kung may mukha pa akong mahaharap sa kanya," sabi ko naman. "Gusto mo ba ihatid kita?" tanong ni Kyla. "Wag na, tatawagan ko nalang si Manong Driver," sagot ko naman. "Sige-sige, mag-ingat ka ha. Pupunta nakong room. Byeee," pagpapaalam ni Kyla. "Sige byeee, ani ko naman. Hay nako. Buset kasing period to. Dahil sayo, wala na akong mukhang ihaharap kay Tyrone. Agad ko rin namang kinalma ang sarili ko ng dumating na ang service car. Agad naman akong sumakay at inutusan si Manong Driver na dumiretso na sa bahay.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD