Chapter 1

1020 Words
Joanna's POV RINGGGGGGGG (Alarm po to) Agad akong naalimpungatan sa tunog ng aking alarm. Kahit na tinatamad pa akong bumangon, tumayo pa rin ako at inayos na aking higaan dahil paniguradong tatalakan ako ni Mommy pag hindi agad ako bumangon. Pagkatapos kong mag-ayos ng higaan, agad kong kinuha ang aking towel at dumiretso sa aking banyo. Nang ako'y matapos ay nagbihis kaagad ako at bumaba na. Nakita ko si Mommy na patapos na maghanda ng aming almusal. Nang makita niya ako ay agad niya akong binati. "Good Morning Princess," nakangiting bati ni Mommy. "Good Morning din Mommy," ani ko at agad humalik sa kanyang pisnge. Nakita ko rin si Daddy na palabas sa kanilang kwarto kung kaya't binati at hinalikan ko rin siya. "Good Morning Daddy," ani ko pagkatapos ay humalik din sa kanyang pisngi. "Morning din 'nak," ani niya. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Joanna Santos. Isang normal na tao (charrr). Wala naman kasing espesyal sa akin. I'm just an ordinary person with a happy family. Pagkatapos naming mag-almusal ay agad kong pinuntahan ang aking kuya sa taas. Paniguradong tulog pa rin iyon. Babad kasi sa online games ehh. Hindi na siya sinusuway dahil kahit anong pangaral sa kanya, matigas pa rin yung ulo niya. Nang makapasok ako sa kanyang kwarto, agad kong hinawi ang kurtina niya at binati siya. "Good Morning Kuya!" ani ko habang inaalis ang kanyang kumot. "Princess mamaya mo na 'ko gisingin, gusto ko pang matulog," ani niya saka nagtalukbong. Hindi ko pa pala napapakilala ang kuya ko. Siya nga pala si Jayden Santos. Ang pinakamabait at pinakasweet na kuya sa buong mundo!! Kahit na matigas ang kanyang ulo, siya pa rin ang pinakadabest na Kuya. "Ano ba kuya, malalate na tayo sa school," ani ko habang hinihila ang kanyang kumot. Hindi niya sinagot ang aking sinabi at nagpatuloy sa pagtulog. Dahil doon, agad akong pumunta sa kanyang banyo at kumuha ng balde na may tubig. Agad ko itong inilabas at ibinuhos sa kanya. "Ano ba Princess!" sigaw niya habang nagmumukhang basang sisiw. "Hindi ka kasi magising ehh. Yan tuloy nakuha mo," bumubungisngis kong ani saka dumila sa kanya. "Bilisan mo na dyan Kuya para tayo'y makapasok na. Dahil na naman sayo ako'y malalate," nakasimangot kong ani sa kanya. "Oo na, umalis ka na Princess at hintayin mo ko sa labas," ani niya habang inaalis ang nabasang kumot sa kanyang higaan. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad akong lumabas sa kanyang kwarto. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Kuya. Pagkatapos nun ay agad kaming nagpaalam kina Mommy at Daddy. "Bye My at Dy," ani namin pagkatapos humalik sa kanila. Pagkatapos naming magpaalam ay sumakay na kami sa aming service car. Gusto ko ngang magcommute pero hindi ako pinapayagan. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa school. Agad kaming dumiretso ni Kuya sa gate na may malaking tatak na Z.U na ang ibig sabihin ay Z University. Hindi ko nga alam bakit ganyan yung pangalan ng school. Nang makapasok ay agad akong tumakbo. Late na kasi ako. Si Kuya ba naman kasi. "Aghh kakainis ka, Kuya. Pag talaga ako'y nalate," naiinis na ani ko habang tumatakbo. Nang makita ko na ang aking room, agad kong tiningnan kung nandon na ba ang teacher namin. Nang wala akong makitang teacher ay agad akong pumasok at umupo sa'king upuan. Agad ko rin nakita ang aking bestfriend na nakikipagchismisan sa mga classmate namin. Kahit kailan talaga ay napakadaldal niya. "Joanna nandyan ka na pala," nakangiting ani niya. "Ay hindi hindi, kaluluwa ko lang to," nang-aasar kong ani habang inilalapag ko ang aking bag. "Kahit kailan talaga palagi mo'kong pinagtitripan," nakapout niyang ani saka naghalumbaba. Papout-pout pa siya. Kala niya naman cute siya tingnan eh nagmumukha lang siyang bibe. Siya nga pala si Kyla Reyes. Ang madaldal kong bestfriend. Kahit saan mo siya siguro ilalagay ay may magiging kadaldalan siya. Mag-aasaran pa sana kami pero dumating na kasi yung teacher namin kung kaya't hindi ito natuloy. "Good Morning class," ani ni Ma'am. "Good Morning Ma'am," ani naming saka umayos ng upo. "Meron palang transferee sa inyong klase. Sana ay kaibiganin at tulungan niyo siyang makaadjust," ani ni Ma'am habang nakatingin sa pintuan. Pagkatapos sabihin ni Ma'am iyon ay may pumasok na lalaki. Mataas, kayumanggi, at syempre gwapo. Agad namang nagtilian ang aking mga kaklaseng babae pati na rin si Kyla. Hay nako, hindi na ba sila nahiya. Parang yan lang eh. "Magpakilala ka na," ani ni Ma'am sa lalaki. Agad naman itong pumunta sa gitna at nagpakilala. "Ako nga pala si Tyrone Gonzales. Hope we could be friends," ani ni Tyrone at tipid na ngumiti. "Welcome Mr. Gonzales sa aking klase at maaari ka ng umupo," ani ni Ma'am kay Tyrone. Agad namang naghanap ng upuan si Tyrone. At sa kasamaang palad, ang katabi kong upuan nalang ang bakante. Hindi naman sa ayaw ko siyang katabi pero parang ganun na nga. Hindi naman ako pwede magreklamo dahil walang kwenta naman ang aking dahilan. Agad namang nagsimulang magturo si Ma'am. Hindi ko namalayan na ako'y natulala buong araw hanggang sa nagring na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Hindi na sumabay sa akin si Kyla umuwi sa kadahilanang may pupuntahan siya. Kaya naman agad akong nagligpit at aakma na sanang aalis nang tawagin ako ni Tyrone. "Miss sandali lang," ani niya saka humawak sa braso ko. Agad akong lumingon sa kanya. "Ano yon?" tanong ko habang mabilis na inalis ang kanyang kamay. "Naiwan mo kasi yung notebook mo," ani niya habang inaabot sa akin ang aking notebook. "Ahhh, salamat," nag-aalinlangan kong sabi. "Welcome," tipid niya sabi. Agad ko namang kinuha ang aking notebook at pinasok sa aking bag. Nang mapasok ko na ito sa bag, agad kong tiningnan si Tyrone na nakatitig sa akin. Nginitian ko siya nang mabilis at nagpaalam. "Sige, aalis na'ko. Salamat ulit," ani ko saka kumaway sa kanya. Naglakad ako kaagad at hindi na hinintay ang sasabihin niya. Hindi ko alam bakit pero naiilang ako kapag malapit siya sakin. Nagagawan niya ko ng epekto kahit na ngayon ko lang siya nakita. Sana naman hindi ito malala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD