Chapter 29

1386 Words

Alam ni Clarita na gustong malaman ni Kristoff bakit siya tumatakbo kanina. Pero nagpapasalamat na rin siya na hindi siya nito pinilit na pagsalitain. Kahit sinabihan siya ng tito niya na dapat niya ipaalam kay Kian ang ginagawa ay nagdadalawang-isip pa rin siya. Kakatapos lang ng operasyon ni Kian at ayaw niyang ma-stress ito. At ayaw niya rin idamay ang pamilya ni Kian sa gulo niya. Alam niyang may point ang tito niya noong sabihin nito na ipaalam kay Kian pero siguro ay saka na lang. Pagpasok nila ay ang nakangiting mukha ni Blair ang bumungad sa kanila. Ito lang ang kasama ni Kian na lumiwanag ang mukha nang makita siya. Sinalubong agad siya ng ginang at niyakap nang mahigpit saka nakipagbeso-beso sa kanya. Kahit noon ay damang-dama niya ang mainit na pagtanggap ng ginang sa kanya. 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD