CHAPTER 32: Pagyakap Sa Pagiging Iba WALA NA SI Arjay pagkababa ko ng hagdan. Luhaan ako na sari-sari ang nararamdaman. Masaya, dahil pareho pala kami nang nararamdaman na. Hindi pala hadlang na pareho kami ng kasarian. Sadya ngang mahiwaga ang pag-ibig. Malungkot, dahil hindi ko muna siya maaring lapitan. Kailangan muna naming manatili sa kanya-kanya naming madilim na lugar. May panghihinayang, dahil hindi ko siya pinakinggan. At may pagsisisi, dahil labis ko siyang nasasaktan. At pisikal ko pa siyang nasaktan. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya ngunit hindi ko maaring sabihin. Nawala na ang puwersa ng mga bampira, hindi ko na rin maramdaman si Troy. Ipinaglalaban ni Troy si Arjay, sila nang dalawa. Masamang magmahal si Troy, siya ang nakapatay kay Joana. Handa siyang kumitil para sa

