Ika-walong Kabanata

1175 Words
Nasa isang isla kami na may bundok at masukal na kagubatan. Kung di ako nagkakamali ito ang kinukuwento sakin ni Mama at Papa noong maliliit pa kami nina Kuya. Nakita ko ang hampas ng alon ng dagat. At tila nakakapaginhawa sa pakiramdam lalo na kapag nasa Syudad nakatira. Buong pamilya kaming pumunta sa Isla na ito dahil curious din sina kuya sa pupuntahan. Naglalakad kami sa loob ng masukal na kagubatan nararamdaman kong hindi ito ordinaryong isla dahil gumawa ng pananggalang sina Papa sa amin at inutos samin ni Mama na wag daw lilingon o makikinig sa mga maririnig, dahil marami raw espiritu at mga elemento ang nakatira dito. Eto ang ang isla Urba hindi ito basta basta napupuntahan at protektado ito ng gobyerno, sa tingin ko alam ko na kung bakit nila ito pinoprotektahan. Sa Islang ito ay maraming nakatira hindi mga tao, may mga aswang at mga espiritu. Napansin nga ni Kal na may mga engkantado rito, naramdaman nya, pero sabi ni Mama wag daw kaming makikinig sa mga maririnig namin dahil marami raw mapanlinlang na mga espiritu rito. At hindi lahat ng nakatira rito ay mabuti. Ang pupuntahan daw namin ay isang matanda na nakakakita ng hinaharap at nakakaalam sa mga iba't ibang mahika, halimaw, elemento at kung anu-anu raw. Dati na raw itong pinupuntahan ng mga ninuno namin ng pamilya. Napaisip ako ng mabuti, ang ibig sabihin ba nito ay mas matanda pa ito sa mga ninuno namin? Lalo akong nacurious kung sino man sya. Nasaan na kaya yun, Ferdie? Tanong ni mama kay papa at mukhang seryoso dahil binanggit nito ang pangalan ng aking papa Di ba dito na iyon sa lugar na ito.. Sagot naman ni Papa Ferdie pangalan ng aking ama. Manilyn naman ang pangalan ng aking ina .Naalala ko na naman na hindi ko pala sila totoong magulang. Napatingin sakin si Kal at inaalo ang likod at ngumiti. Napangiti naman ako. Tila sinasabi niya sakin na naiintindihan nya ko. Yan ang isa sa nagustuhan ko kay Kal. Malakas ang pakiramdam nya sakin lalo na kapag sa estado ng emosyon ko. Huminto sina Mama ng parang humangin ng malakas at tila nagkalat ang mga dahon sa paligid. Lumitaw ang isang Lalaking matipuno at parang puputok ang muscles sa laki ng katawan nya. Kalbo ito at gwapo. Mukha syang tao pero alam kong hindi sya tao. Kung hindi ako nagkakamali sa aking pagkakakilala, kayo ay galing sa pamilya ng mga Mahikero. Saad ng lalaki na nakaka intimidate ang dating. Gestar, kami ito si Manilyn at Ferdie. Tila nagulat sya sa sinabi ni Mama at Papa. Ngumiti siya at tila napatingin sa aming dalawa ni Kal. At ano ang kelangan ng isang Engkantado at ng isang to.. pagtukoy nito sakin.. na tila naguguluhan.. Lumapit ito at tila sinusuri akong mabuti. Hinawakan nito ang buhok ko at inamoy. Bata, kakaiba ang amoy mo at pakiramdam ko sayo. Anak namin sya pati na rin ang dalawang ito pagtukoy ni Mama sa aking mga kuya. At sya ay isang Engkantado pero hindi sya taga rito sa isla. Kasintahan sya ng  anak ko. At tila naintindihan niya. Siya ba yung bunso mong anak? Oo sya ang aming bunsong anak at ang pangalan nya ay Merlow. Pinakilala rin nya si Kal at ang aking mga Kuya. Kung ganoon. Halika kayo kanina pa kayo hinihintay ng aking asawa. Ibig sabihin alam nilang darating kami? Pagtataka ko. Oo alam kong darating kayo . Biglang may nagsalita na bigla namang nagpakita sa aming harapan. Humawak ito sa braso ni Gestar at tumingin isa isa sa amin. Nakita ko na itong mangyayari. Naalala mo ba yung sinabi ko sa inyo na may mahalaga kayong tungkulin na gagampanan sa parating na digmaan? Manilyn at Ferdie? Oo naalala namin iyon. Sagot nina papa at mama. Lalo akong nahiwagaan sa aking narinig. Hmmm.. Eto na pala ang mga anak nyo. Tama ako sa aking nakita. Tinitignan nyang mabuti sina kuya at lumapit ito sa harap nila na tila sinusuring mabuti. Si Gestar naman ay biglang hinila ang sumusuri sa amin. Ipagpatawad nyo ko at ako ay nabibighani sa inyong mga wangis. Tila para syang sinauna kung magsalita pero kapag titignan mo sya ay ang bata nya tignan. Biglang nagliwanag ang paligid at nagulat kami nasa isang bakuran kami ng isang lupain na malawak at sa gitna noon ay may kubo at isang farm na may gintong palayan at mga gulay at bulaklak. May sapa sa gilid at parang dumadaloy ito sa walang hanggan.. Tila isang paraiso kapag aking ilalarawan. Tumuloy kami sa kanilang tirahan. At sumunod lang kami kina mama sa ginagawa nila. Gusto nyo ba ng maiinom? Pwede ba yung Tsaa na binigay mo sa amin noon? Oo naman. Lumitaw bigla ang isang tsaa na may pulot na buo buo sa isang lalagyan lumitaw din ang biscuit at mga matatamis na pagkain. Nakakatakam pero nag tsaa nalang din kami kagaya nina mama. Nagpakilala bigla ang lalaki. Ako nga pala Si Isma. At ako ang namamahala ng isla Aruba. Napatingin ako kina Mama. Maaari ko bang malaman kung ano ang pinunta nyo rito? Ito ba ay tungkol sa kanya? Sabay tingin sa kin. Opo tama po kayo doon. Ang sinabi nyo kasi saking propesiya ay magkakaroon ako ng tatlong anak, pero hindi mo nilinaw na sa ganoong paraan pala akong magkakaroon ng ikatlong anak. Tama ka, hindi ko talaga sinabi dahil alam kong maapektuhan ang dapat na mangyayari kung sinabi ko sa iyo yun. Tila paglilinaw nito sa aking mga magulang Anu ba ang gusto nyong malaman? Alam kong nararamdaman mong hindi sya ordinaryong tao at alam kong naamoy nyong may kakaiba sa kanya. Ang gusto lang namin malaman ay kung paano nya maproproteksyunan ang sarili nya at kung maaari ay magising ang kapangyarihan nya at ang matutong ipagtanggol ang sarili nya. At ang mas kinakabahala ko ay kung bakit ito nangyayari sa kanya? Hindi ako makasunod sa usapan nila pero batid kong nag aalala sakin sina mama. Manilyn, ramdam kong nag aalala ka para sa kanya pero wag kang mag alala. Nakikita kong malakas sya.. Alam namin na marunong syang lumaban sa mga halimaw pero wala kasi kaming ideya kung paano nya magagamit ang kapangyarihan nya. Alam namin na ikaw lang ang nakakaalam nito kung meron mang iba ay ayaw namin syang ipagkatiwala. Napangiti naman Si Isma. Kung ilalarawan ko si Isma ay mukha itong nasa 18 anyos na taong gulang kung tutuusin parang ka edad ko lang pero nararamdaman kong makapangyarihan sya dahil iba talaga ang presensya nya. Naiintindihan ko ang pag aalala nyo. Wag kayong mag alala, tutulungan ko syang gisingin ang kapangyarihan nya pero kapag nagising na ito ng tuluyan. Kelangan nyang mag insayo para kontrolin ito. Napagkasunduan namin na manatali doon sa isla Urba. Sinabi ko kina mama na may klase ako kinabukasan ang sabi nya kapag daw pumasok kami sa dimensyon ng bahay ni Isma ay mah iiba raw daloy ng oras. Kung sa mundo namin ay ang isang buong linggo ay isang oras lamang dito sa dimensyon na ito. Ang una nyang pagsasanay sa akin ay ang pagdidisiplina sa sarili at tamang pagkontrol sa sarili. Pangalawa ang pagpapalakas nya sa aking katawan at habang ako ay nagsasanay kasama ko si Kal kapag tumatakbo kami. Pangatlo ay ang pag gising mismo sa aking nakatagong kapangyarihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD