Nakahiga ako ngayong gabi sa kama at iniisip ko ang mga sinabi sakin ng aking Pamilya. Namimiss ko na si Kal. Kailan kaya sya babalik.
Kal kelangan ko ng kausap. Sabi ko.
Biglang may kumatok sa pinto.
Tinignan ko muna kung sino to. Pagtingin ko ay walang tao. Biglang may kumatok ulit at dalawang beses pagkatapos kong lumayo ng bahagya sa pinto. Sa takot ko ay kinuha ko ang magical coin purse na binigay sakin.
Baka may gustong mang trip sakin sabi ko sa sarili ko.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto pagkabukas ko ay ginulat ako ni Kal.
Bulaga.
Ay! sh*t sabi ko.
Tawa naman ng tawa si Kal at ako naman ay napasimangot.
Binatukan ko sya bigla.
Aray!
Buti nga sayo.
Sabay tawa naming dalawa.
Hinila nya ko papuntang room at sabay lock ng door.
Hinalikan nya ko ng paulit ulit at sinabing miss na miss nya ko.
Nagkwentuhan kaming dalawa habang nakahiga sa kama na magkayakap at sinabi ko sa kanya yung nangyari.
Buti dala mo yang magical item na yan kung hindi baka kung napaano ka na.
Hinawakan nya ang pisngi ko.
Sorry Baby ko sa nangyari. Dapat hindi nalang ako umuwi
Anu ka ba.. ako pa ba? Pagmamayabang ko na kuno.
Binatukan naman nya ko.
Simula ngayon hatid sundo na kita. At regarding dyan sa nadiskubre nilang may dugo kang demonyo ay tanggap ko iyon. Kahit maging berde pa yan.. Sabay tawa na parang nang aasar..
Berde naman talaga dugo mo di ba??
Che!! sabi ko sa kanya..
Nagbibiruan kami hanggang sa inantok kami at natulog ng gabing iyon.
Kinabukasan ay magkasama kami at hinatid nya ko sa room. Sa mga nakalipas na mga buwan ay nakilala ko ang iba sa mga klasmeyts ko at may mga naging friends naman ako. Isa na doon si Archie
naging kaclose ko sya noong may project kami at nagkataon naman na magkapartner kami. Nadiskubre ko rin na may tinatago palang kapangyarihan si Archie dahil dito ay mas naging open kami at naging magkaibigan kami. Isa syang kalahating sirena. Literal na may buntot at pinakita pa nya sakin ito. Pinag aaralan nya kasi ang dimensyon ng mga tao at kung ano ba ang pwede nyang matutunan mula rito kaya sya nag aaral. Sabi ko na galing ako sa mga may abilidad na pamilya, sa totoo daw nyan ay gusto raw nya kong kausapin noon pa, dahil nararamdaman nyang kakaiba ako.
Si Archie ay matangkad pero mas matangkad pa rin Kal. Matipuno ang katawan, gwapo, matalino at halos lahat ng kababaihan at binabae ay gusto syang kasama at nakikita. Minsan nga eh ang sama ng tingin sakin ng isa sa klasmeyt kong bading din. Si James pero ayaw nyang tawagin sya sa pangalan na iyon at Jam nalang daw, pero dahil medyo pormal ako kaya James pa rin tawag ko at inis na inis sya sakin. Hindi ko nga alam kung bakit.
Nasa klassroom kami at pinaparinggan ako ni James.
Hay nako, may malandi na naman akong nakita kanina.
Hindi ko nalang ito pinansin. At nag concentrate nalang ako sa pagbabasa ng notes.
Pinuntahan ako ni Archie sa table ko after ng class namin.
Merlow, kamusta ka?
Ayos lang naman ako Archie. Nakangiti sya sakin at bigla nalang may nagsalita sa isip ko. Si Archie nakikipag usap sakin via telepathy kaya nyang gawin ito, pero sabi nya sa akin before na may kundisyon na dapat mameet bago nya magamit ito sa ibang tao. Eh dahil naging mag close kami ay binigyan ko sya ng permiso para kausapin ako via telepathy.
Kamusta na kayo ni Kal?
Ayos naman. Ngiti ko. Ikaw kamust ka?
Ayos lang naman ako. Nabalitaan mo ba na may namatay na estudyante dito sa school noong weekends.
Huh? Laking gulat ko? Sino ? At anung nangyari?
Sabi ng kakilala ko na nagpakamatay daw ito. Pero sa pag iimbestiga raw nila ay hindi ito ordinaryong sanhi. Noong nakita nila ang katawan nito ay parang may bakas daw ng mahika. Nadiskubre daw nila na mahika ito na itim. At ang kakaiba raw dito ay noong nakita nila yung namatay ay dilat daw ito yung mga mata nito ay maitim. Napalunok naman ako.
Teka nga lang sabi ko via telepathy kasi nagtititigan kaming dalawa at walang sinasabi ng biglang sumabat si James.
Hoy! Bakla ka.. ang landi landi mo kelangan talaga makipagtitigan ka kay papa Archie. May jowa ka na nga..
Huh?! At sino naman ang may sabi na may jowa ako?
Ako pa ba.. ilang buwan na rin kitang tinitignan at palagi mong kasama si Kal na sikat din sa school. Wag nga ako!
Eh kung alam mo naman pala eh anu bang pakialam mo ?! Bulyaw ko rito..
Ang ayoko sa lahat ay bigla bigla nalang susugod at parang wala naman syang kinalaman at kung makapuna ay akala mo sya ang boss..
Anung pakialam ko ay yang kalandian mo, alam mo bang pinagtsitsismisan ka na rito sa school
Kung sinu-sino ang minemeet mong lalaki.. tapos may boyfriend ka na.. Wag ako!
Bigla namang sumabat si Archie
James.. Una sa lahat pwede bang umalis ka nalang nag uusap pa kami ni Merlow.
Anong magkausap eh nagtitigan lang kayo dyan parang maghahalikan na kaya kayo.
Nainis bigla si Archie.. Nakakatakot ang mga sireno na kagaya nya kapag nainis ay kaya nyang itraumatize ito sa utak sa pamamagitan ng telekinesis..
Bigla nalang natumba si James. Nagulat sya kasi naririnig nya sa ulo nya si Archie.. Sorry sorry..
Hindi ko alam kung anu ang sinabi nito kay James at nanakbo nalang ito..
Nilakihan ko ang mga mata ko at sinabi ko
Anung ginagawa mo?
Napabuntong hininga naman sya at nag sorry
Sorry sorry Merlow.. natawa sya pero parang hindi naman sya nagsosorry
Nagring na ang bell at 12 noon na. Kelangan ko ng puntahan si Kal sa area kung saan kami naglulunch.
Nagpaalam ako kay Archie at napaisip ako kung anu kaya yung nangyari sa estudyante. Naglalakad ako sa isang area sa school sa garden at makikita mo rito maliliit na puno na may sakura flowers. At may area doon na hindi puntahin ng mga estudyante dahil daw pakiramdam daw nila ay may mga malignong nakatira doon.
Naglalakad ako at napansin kong parang may kakaiba sa palagid may narinig akong boses bigla na parang tumitili pero parang may mali sa sitwasyon naririnig ko yung babae pero mahina lang ang boses pero hindi naman ganun kalayo yung lugar na iyon. Imbes na dumiretso ako sa Garden ay lumihis ako sa daan sa may matandang puno ng akasya.
Hinawakan ko ang coin purse sa bag ko. Nakita ko ang isang babae na hawak ng isang maitim na nilalang hawak ito sa leeg.
Parang malakaluluwa ang itsura nito pati na rin ang babae. Tapos bigla nalang itong nawala pati na rin ang babae.
Umatras ako at sa takot ko ay nanakbo ako ng mabilis.
Biglang lumitaw sa harap ko ang nilalang at hawak pa rin nito ang babae sa leeg.
May pangontra ako sa ganitong klaseng nilalang. Ito ang sealing card na nasa coin purse. Hinugot ko ito at noong kakapit na ang daliri nito sa mukha ko ay nagulat ito dahil nag activate ang card.
Nakulong ito at tipong gustong kumawala sa card. Pero hindi nya yung magagawa dahil pangkulong talaga ng espiritu ang card na ito.
Ubo ng ubo ang babae at nawalan ng malay nagulat nalang ako at parang may nag iba. Nakita ako ni Kal. Anung nangyari? Wala syang alam sa nangyari. Ayun pala tumigil ang oras ng mga sandaling iyon. Ang nagactivate siguro nito ay yung espiritu. Nawala ang babae. Si Kal naman ay biglang lumapit sakin. Tipong kanina pa sya naghahanap sakin. Saan ka ba nanggaling?
Kinuwento ko sakanya ang nangyari at pinakita ko sa kanya ang nahuli ko. Nagulat din sya isa itong grim reaper pero may kakaiba rito. Hindi sya ordinaryong Grim reaper. Nagtaka sya lalo sakin.
Paano nangyari yun? Tanong nya at ganun din ang reaksyon ko.
Napabuntong hininga nalang sya. At habang nag uusap kami ay nakita namin ang kaluluwa ng isang babae.
“ Teka lang “reaksyon ni Kal.
Di ba ikaw yung babaeng namatay?
Tumango yung babae at nagpaalam ito samin. Tinuro lang nito ang isang liwanag at naglakad sya doon. Tumingin ulit ang babae samin. Sabi nya.
Salamat ha.. Niligtas mo ang kaluluwa ko.
Kumakain kami ni Kal ng lunch at parang gulat pa rin ako sa nangyari...