Rey Alejandro (POV) Buhat nang lumipat si Annalyn ng ibang opisina ay nawalan na rin ako ng ganang magtrabaho pa. Alam kong iniiwasan niya ako mula nang dukutin siya ni Angel. Hindi ko gustong sisihin si Annalyn dahil alam kong ako ang may kasalanan sa lahat ng mga nangyayari. Hindi ko rin inaasahan na kayang gawin iyon ni Angel. Napakahina kong lalaki! Napakat*nga ko! Durog na durog ang puso ko nang yakapin siya ni Mr. Resurrection at ang pinakamasakit ay mas kayang pakinggan ni Annalyn ito. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko sa aking mga mata. “Pupuntahan ko si Annalyn! Hihingi ako ng tawad sa kaniya,” bulong ko sa sarili. Pinuntahan ko ang sekretarya ni Mr. Ong na si Rose at hiningi ko ang address ng bagong bukas na branch ng kumpanya. Alam kong naroon si Annalyn dah

