Annalyn Cruz (POV) Pagmulat ko ng mga mata ay nag-aalalang mukha ni Benjamin ang siyang bumungad sa’kin. Nakaupo ito sa may gilid ng kama at hawak ang isa kong kamay habang ang isa naman ay masuyong humahaplos sa aking buhok. “Benjamin…” usal ko sa kaniyang ngalan. Tumitig ako sa kaniyang mga mata at muli na namang nagbabanta ang mga luha kong gustong mag-unahan sa pagbagsak. “Thank God, you’re awake!” nag-aalalang sambit niya at niyakap ako nang mahigpit. At tuluyan na ngang tumulo ang mga luha kong kanina pa nagbabantang tumulo. Lumayo siya sa akin ng bahagya at tinitigan ako. “Why? May masakit ba sa’yo? Masama bang pakiramdam mo?” nag-aalala niyang tanong sa akin at pinahid ang mga luha ko. “Gusto mo bang kumain? Sandali lang at kukuha ako sa kusina ng makakain mo,” sa

