“Hi!” Nakangiting bati ko kay Annalyn. Lumapit ako sa kaniya at dinampian ng halik ang kaniyang pisingi. “Benjamin…” Tumingin siya sa’kin. Umupo ako sa gilid ng kama at kinabig siya payakap sa’kin. “I miss, Jerson!” saad ko sa kaniya habang kinikintalan ng maliliit na halik ang kaniyang buhok. “Miss ko na rin siya,” malungkot niyang tugon sa’kin. Tumingala siya sa'kin kaya’t nagtama ang aming mga paningin. “Gusto mo puntahan natin siya ngayon?” nakangiti kong tanong sa kaniya. “P-pero may trabaho tayo sa office?” ganting tanong niya rin sa’kin. “Mas mahalaga kayo ni Jerson,” turan ko sa kaniya. Yumakap ito sa akin at sa aking pagkabigla ay kinabig niya ang ulo ko palapit sa kaniyang mukha. Inilapat niya ang kaniyang mga labi sa aking mga labi hanggang sa tuluyan kong saliksikin a

