Chapter 5

2008 Words
Nilibot ko nang tingin ang buong paligid ng unit na pinahiram sa'kin ni Benjamin. Malaki at kumpleto ito sa mga gamit. Mayroon din itong balkonahe kung saan tanaw na tanaw ang ganda ng buong siyudad sa labas. “Sana kasama ko rin si Jerson dito,” malungkot kong usal sa sarili. Naalala ko pa kung pa’nong umiyak nang umiyak si Jerson, nang magpaalam ako sa kaniya na malalayo ng ilang buwan. Ang naging dahilan ko lamang din sa aking magulang ay kailangan kong magtrabaho sa malayong lugar upang higit na makaipon ng malaking halaga. Labag man sa kalooban ko na iwanan ang anak ay kailangan kong gawin upang mas makatutok sa paghihiganti ko kay Rey. Kailangan ko munang tiisin sa ngayon ang anak ko. Nakaramdam na naman ako nang panibugho sa dibdib nang maalala si Rey kasama ang w*langh*ya niyang babae. “Humanda kayong dalawa sa akin!” nanggigigil kong turan sa'king isipan. Narinig kong tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag-text. Binasa ko kung kanino ito galing at nakita ko ang pangalan ni Julie sa screen. Sabi niya sa text ay magkita raw kami sa isang mall at mamimili kami ng mga gamit na kakailanganin kong gamitin para sa isang party na aming dadaluhan. Tumipa ako sa keyboard upang mag-reply sa text niya. Mabilis akong lumabas ng building at sumakay ng taxi. Nagpahatid ako sa mall na sinabi ni Julie sa text. =========== Nakita ko si Julie sa loob ng department store. Nilapitan ko ito at inabot niya sa akin ang iba’t-ibang uri ng mga damit. Sinabihan niya akong isukat ang mga ito. Napapangiwi naman ako sa harap ng salamin nang makita ang aking replika. Puro maiiksi at halos hantad na ang aking katawan sa mga damit na ibinigay ni Julie. Kulang na lang ay maglakad ako ng nakahubo't hubad. Paglabas ko ng fitting room ay nagtititili naman si Julie at tuwang-tuwang pinaikot-ikot pa ako sa kaniyang harapan. “Ang sexy mo talaga Annalyn!” napapalatak niyang sabi. “Sexy ba 'yan?! Kulang na lang ay maglakad ako ng nakahubo’t hubad nito eh,” nakaingos kong turan sa kaniya. “Alam mo Annalyn, matuto kang i-appreciate ang sarili mong ganda. Isa pa maganda ka naman talaga, sadyang nilosyang ka lang ng asawa mong g*go, bago ka niya iniwan,” naiiling na sagot naman nito. Nakaramdam na naman ako nang pagngingitngit sa'king sarili nang marinig ang mga sinabi ni Julie. Totoo naman kasi lahat ng mga sinabi nito. Matapos akong anakan at losyangin ni Rey ay niloko lang ako ni g*go. ‘Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Nagulat na lamang ako nang dumampi ang malambot na tela sa pisngi ko. Pagtingala ko ay ang malamlam na mukha ni Benjamin ang bumungad sa'kin. Kinabig niya ako palapit sa kaniyang katawan at masuyong niyakap. “H’wag mong sayangin ang mga luha mo sa taong hindi karapat-dapat sa'yo. Hayaan mong maramdaman niya ang sakit at panghihinayang sa panahong makapaghiganti ka na, Annalyn.” Humihikbing tumango ako bilang tugon sa sinabi nito. Narinig ko ang pagpalakpak ni Julie, “Very well said, Benja!” Nilingon ko ito at inirapan na tinawanan naman niya. Bumalik kami sa pamimili at pagsukat ng mga damit. Si Benjamin naman ang aming hurado kung bagay ba o hindi ang mga isinusukat kong damit. Matapos naming magsukat at mamili sa department store ay nagtungo kami sa isang malapit na restaurant. Papasok pa lang kami ng kainan ay napansin ko na agad si Rey at ang wal*ngh*yang babae nito. Sumikdo ang galit sa aking dibdib. Pasugod na ako nang hilahin ni Benjamin ang aking kamay. Napayakap tuloy ako sa kaniyang dibdib. “Matuto kang kontrolin ang galit diyan sa’yong dibdib, Annalyn. May mas mainam na paraan nang paghihiganti,” sabi nito sa akin. “Tama si Benja, Annalyn. H’wag kang basta-basta magpadala sa iyong emosyon. Gamitin mo "yan sa mas mainam na paraan. Halika, tuturuan kita!” saad naman ni Julie. Hinawakan ako ni Julie sa kabilang kamay at hinila papuntang lady’s room. Pagdating doon ay ipinasuot niya sa'kin ang isang maiksing skirt at sphagetti top. Nilagyan niya ako ng konting make-up sa mukha at inilugay ang aking buhok. Pinasuot niya sa akin ang isang 4’inch heals sandals na kabibili lang din namin. Nang tumingin ako sa salamin ay halos hindi ko makilala ang sarili kong replika. “Ako ba talaga ‘to?” manghang tanong ko kay Julie. “Sabi ko naman sa’yo Annalyn, maganda ka. Ikaw lang naman ‘tong walang bilib diyan sa sarili mo dahil mas inuuna mo pang pairalin ang mga insecurities diyan.” Sabay turo nito sa'king dibdib. Humihikbing tumingin ako sa kaniya. “H’wag mong sayangin ang oras at lakas mo sa pagsugod sa kanila, Annalyn," dagdag na sabi pa ni Julie. "Gusto ko silang sapakin!" ani ko. "Ang gawin mo ay dumaan ka sa kanilang harapan at ipakita mong muli kay Rey ang sinayang niya. Akitin mo siya kung paanong inakit din siya ng lintang babaeng ‘yon,” saad naman ni Julie. “Hindi ko ‘yata kayang gawin ‘yan Julie, sa totoo lang gusto ko silang patayin ngayon.” Itinaas ko ang aking kamay at ipinakita kay Julie ang panginginig ng mga ito dala ng matinding galit. “Pagkatapos ano?! Ikaw ang makukulong?! Habang sila ay patuloy pa rin na masaya. H’wag kang t*nga, Annalyn!” nang-uuyam na turan ni Julie. “Kailangan mong kontrolin 'yang galit na nararamdaman mo kung gusto mong magtagumpay sa iyong paghihiganti,” mariing saad naman ni Benjamin. Napalingon kami ni Julie sa pintuan. Hindi namin namalayang nakapasok na pala ito sa loob ng lady’s room. Bumuntong hininga muna ako ng ilang ulit at saka tumango sa kanila. Lumabas ako ng lady’s room at bumalik sa restaurant kung saan namin nakita si Rey at ang w*langh*ya nitong babae. Kitang-kita ko ang malambing nilang pagsusubuan. Nagngingitngit ang kalooban na pumasok ako sa loob at dumaan sa kanilang tabi. Pasimpleng inihulog ko ang dalang pouch. Yumukod ako sa tabi ni Rey upang kuhanin kuno ang nalaglag na pouch. Kitang-kita ko ang ilang beses niyang paglunok ng laway sa ginawang pagtitig sa makikinis kong hita. “Annalyn,” nauutal na sabi nito. Napansin ko ang pagsimangot ng w*langh*ya niyang babae. Humarap ako sa kanilang dalawa at binigyan ko ng matamis na ngiti ang mga 'to. Mabilis akong umalis sa kanilang tabi at baka ‘di ko na mapigilan pa ang aking sarili. Baka may magawa pa akong hindi maganda sa kanilang dalawa. Nagbubunyi ang kalooban ko sa nasaksihang kataksilan ni Rey sa w*al*ngh*ya niyang babae. "Napakarupok mo talagang G*go ka!" ani ko kay Rey sa'king isipan. “Magaling Annalyn!” pumapalakpak na sabi ni Julie. “Good job, Annalyn! Napagtagumpayan mo ang iyong pagsubok,” nakangiting sabi naman ni Benjamin. “Kaya ko pala,” nakangiting turan ko sa kanila. “Yes Annalyn! Kayang-kaya mo talaga!” masayang sagot naman ni Julie. Minsan ko pang nilingon sila Rey at nakita kong nagtatalo na ang dalawa sa loob ng restaurant. “Marami pang susunod diyan na away niyo. Nag-uumpisa pa lang tayo sa laban natin!” bulong ko naman sa sarili. Napangiti akong muli para sa tagumpay na aking nagawa. ========== Pagkatapos namin sa mall ay dinala kami ni Benjamin sa isang bar. Pilit akong tumanggi sa kanila dahil hindi ako sanay uminom ng alak. Ngunit mapilit din si Julie at sinabing kailangan kong pagdaanan ito dahil parte pa rin ito nang paghihiganti ko Ayon kasi sa imbestigasyon na isinagawa nila kay Rey ay madalas daw itong magpunta sa iba't-ibang bar upang uminom. Madalas silang nag-iinuman na mga magkakasama sa trabaho at kasama rito ang w*l*angh*yang babae niya. 'Di pa ako makapaniwala nang umpisa hanggang sa ilabas ni Julie ang isang envelope na naglalaman ng iba’t-ibang larawan ni Rey na kuha sa iba’t-ibang bar na kaniyang pinupuntahan. Muling nagngitngit ang kalooban ko sa nalaman tungkol kay Rey. Kaya naman pala madalas walang pera si g*go dahil inuubos lang sa pakikipag-inuman sa barkada. Pagpasok namin sa loob ay pinagitnaan agad ako nina Julie at Benjamin sa upuan. Nasa may bandang counter kami at itinuro sa akin ni Julie ang iba’t-ibang uri ng alak. Ipinatikim niya sa akin isa-isa ang laman ng baso. Bawat shot na binibigay nito ay inisang lagok ko ang laman. Tanging ngalan lang ng alak ang natandaan ko sa mga itinuro ni Julie sa'kin. Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng init sa katawan. Medyo ramdam ko na rin ang parang pag-ikot ng mundo ko. Napansin ko ring medyo nagiging madaldal na ako. “Kailangan ko ba talagang kilalanin isa-isa ang mga ngalan ng mga 'to?” tanong ko sa kanila sabay turo sa mga bote ng alak na nasa aking harapan. “Kailangan mong malaman 'yan para kung sakaling ikaw na lamang mag-isa ay ‘di ka madaling maloloko nang makakainuman mo,” nakangiting sagot naman ni Julie sa'kin. “Kat*rant*duhan! Niloko na nga ako eh!” sabi ko pa sa lasing na tono at pilit na kinuha ang baso ng alak na hawak ni Julie. “Enough Julie!” Maagap na naagaw ni Benjamin ang basong hawak ni Julie. “Oops! Wala akong ginagawa, sumunod lang ako sa utos mo.” Itinaas pa ni Julie ang dalawang kamay bilang pagsuko. “Lasing na siya!" turan ni Benjamin. “Ako? Lasing?!” ani ko sabay turo sa sarili. Tumayo ako at umindak-indak sa malikot na tugtog ng musika. “Sabi ko sa’yo, hindi pa siya lasing eh,” nakangising saad ni Julie. Nakasimangot naman si Benjamin dito. Nilapitan ko ang binata at hinila sa gitna ng dance floor. Nagsimula akong gumiling sa kaniyang harapan habang titig na titig naman ito sa'king ginagawa. Naririnig ko naman ang sigaw ni Julie na parang isang fans na kuntodo ang hiyaw sa hinahangaang sumasayaw na idolo. “Go, Annalyn!” Narinig kong sigaw ni Julie. “H’wag kang KJ, Benja! Sumayaw ka rin!” Sigaw pa niya. Tinitigan ko si Benjamin at patuloy lamang din ako sa paggiling dito. Tumutulo na ang pawis sa mukha ko pero patuloy pa rin ako sa pagsayaw. Manaka-nakang nakatingin na rin sa'kin si Benjamin. Kung wala lang siguro ako sa espiritu ng alak malamang kanina ko pa hiniling na maglaho sa harapan ng binata. Kumapit ako sa kaniyang leeg kung kaya mas nagkalapit ang aming mukha. Hinaplos ko sa pisngi si Benjamin at tinitigan ito sa kaniyang mga mata. Hinapit ako nito sa aking baywang at naramdaman ko ang pagsabay niya sa aking ginagawang pag-indak. May kung anong damdamin akong naramdaman para rito na 'di ko mapangalanan. “Lasing ka na, umuwi na tayo!” bulong nito sa aking tainga. “Hindi pa ako lasing noh!” humahagikhik kong sagot at pinisil ang kaniyang matangos na ilong. Bumuntong hininga ito ng ilang ulit at saka lumingon kay Julie. Sinenyasan nito si Julie at lumapit naman agad ito sa'min. Inabot nito ang baso na may lamang alak kay Benjamin. “Kapag nasabi mo ang pangalan ng alak na ‘to, hindi ka pa nga lasing.” Hamon ni Benjamin sa'kin. “Game!” nakakalokong tugon ko kay Benjamin. Natatawang pinisil naman ni Julie ang balikat ko. Inabot ni Benjamin ang baso sa’kin at diretsong nilagok ko ang laman niyon na parang softdrinks lang. Napangiwi ako nang sumayad sa lalamunan ko ang mapait na lasa niyon. Maubo-ubong nagsalita ako, “Ang daya ninyong dalawa!” “Anong tawag sa alak na ‘yan?” tanong ni Benjamin. Magsasalita na sana ako nang maramdaman kong muling umikot ang aking paningin. Ipinikit ko ang mga mata ko at muling iminulat ngunit umiikot pa rin ang tingin ko sa paligid. Nanlalambot ang mga tuhod ko at biglang nawalan ng lakas. Bumuway ako sa pagkakatayo at naramdaman kong bumagsak ako sa isang matigas na katawan. Tuluyang nilamon ng madilim na karimlan ang buong paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD