"Uuwi na kami ngayon," sabi ko kay Zach nang paakyat na kami patungo sa kwarto. Basang basa pa ang katawan ni Zellor dahil pagkatapos kumain ay naligo ito ng dagat. Naramdaman ko na natigilan ito sa paglalakad kaya naman ay napalingon siya rito. "Zach!" tawag ko rito at inayos ang pagkakarga kay Zellor na inaantok na. Nag-angat naman ito ng tingin sa akin. "When is his birthday?" He suddenly asked. Nagulat naman ako sa tanong niya dahil ramdom ito. "December 25." Tipid kong sambit at mabilis siyang tinalikuran at nauna na sa kwarto. Hindi ko na hinintay ang kaniyang magiging reaksyon dahil basang basa na ang sahig. "Mama dagat!" Ngusong sambit ng anak ko habang tinuturo ang labasan. Nasa banyo kami at pinaliliguan ko ang anak ko na namumula na dahil na rin sa init ng panahon.

