“Wow!”Mangha kong sabi nang makarating na kami sa first falls ng kawasan falls. Sobrang laki ng ipinagbago ng kawasan falls. Bukod sa marami na itong turista, meron na ring mga restaurant at cottages na itinayo. Sobrang laking improvement naman nito kaya hindi na ako magtataka na dinarayo na ng mga taga ibang bansa. “Maliligo tayo?”tanong ko sabay lingon sa kaniya. Nakita ko naman siya na nakatitig sa tarpaulin kung saan naroon ang mga new offer ng kawasan staff and crew. “Yep,I already bought a swim wear for us-shit!” Bigla niyang mura at napalingon sa akin. Kinabahan naman agad ako sa kaniya. “Bakit?” Ginulo ni Zach ang kaniyang buhok at napatingin sa akin. Pumikit pa ito sandali. Nakita ko na frustrated ito at para bang may nakalimutan siya. “Bakit?” tanong ko ulit. “I f

