“Mama lab yooooo!” Nakangusong sambit ni Zellor habang karga ko siya. Napangiti naman ako at hinalikan ang pisngi niya. “Love you too!” ganti ko at hinintay ang paglabas ni Sarah. Ngayon kasi ay plano naming magsimba lalo na’t linggo ngayon. Kaya bihis na bihis kami ng anak ko. “Ako na magdadala kay Zellor,” sambit ni Sarah paglabas niya. Kumunot naman ang noo ko. “Bakit?” Huminga ng malalim si Sarah. “Kasi nga, baka makita ka ni Zach, ‘di ba?” Umawang naman ang labi ko. Hindi naman siguro. “Hindi naman siguro. Paano naman siya mapapadpad sa simbahan ng Badian? Nasa kabilang bayan siya ngayon.” “Well, pamilya niya namumuno rito.” Napairap naman ako. “Hindi naman siguro tsaka hindi naman ako mag f-feeling dalaga, hindi ko ikinahihiya ang anak ko ‘no!” sambit ko at inamoy ang ana

