Naalimpungan ako dahil sa sakit ng aking ulo at nakaamoy ako ng usok ng sigarilyo. Unti unti kong minulat ang aking mata at ang bumungad sa akin ay ang isang kisame na hindi pamilyar sa akin.
Noong una ay wala lamang sa akin pero nang mapagtanto ko kung ano ang nangyari sa akin ay agad akong napabangon at napaupo sa may kama. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto at hindi ko mapigilan ang mamangha dahil sa sobrang ganda ng mga disenyo. Pero agad din akong nababahala dahil hindi ko alam kung bakit ako nahilo at sino ang nagligtas sa akin.
“You’re awake.” Agad akong napalingon nang may magsalita at napasinghap ako nang makita ko si Zach, may hawak na sigarilyo sa kaniyang daliri.
“Zach?” taka kong tanong at napatingin sa sarili kong suot at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nakagown pa rin ako.
Lumapit naman siya sa akin at inilevel ang tingin sa akin. Wala akong makitang emosyon sa kaniyang mukha. Hindi ko maipapaliwanag.
“Zach, nasaan ako?” tanong ko sa kaniya. “Bakit ako narito?”
Akmang hahawakan na dapat niya ang kamay ko ngunit binawi ko iyon mula sa kaniya.
“Iniwan mo ako nang may mangyari sa akin. You think na wala lang sa akin iyon?” panimula nito habang mariin na nakatingin sa akin.
“At, makita na lamang kita na may kalampungan nang iba.” Nanlaki ang mata ko at hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya.
“Zach, ano ba? Ano naman ang paki mo?”
‘Yung puso ko, hindi na naman kumakalma. Tumitibok na naman ng kakaiba pagdating sa kaniya at ayaw ko no’n. Ayaw na ayaw ko na sa nararamdaman kong ito. Ayaw na ayaw.
Bumuntong hininga ito at napayuko. “Alright, you will be staying with me tonight,” desisyon nito at nag-angat ng tingin.
Umawang naman ang labi ko.
“Stay with me tonight,” he huskily said, ang kaniyang mata ay mapupungay at hindi ko gusto iyon.
Tumayo ako at lumayo sa kaniya.
“Zach!” singhal ko.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Marami na akong kasalanan sa mundong ito at gusto kong ayusin isa isa.
“Please…” pagmamakaawa ko. “Tigilan mo na ako.”
Nagsimula nang tumulo ang luha ko. Tumulo na naman ito at dahil na naman sa kaniya.
“Tigilan na na ‘tin ito,” pagmamakaawa ko at napatakip na lamang sa mukha ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag bibigay na naman ako ulit. Mas lalo lamang sinampal sa akin ang katotohanan na kahit kailan, hindi magiging akin si Zach.
“Baby…” sambit niya sa endearment namin.
“Palagi mo na lamang akong sinasaktan,” sambit ko na ikinatigil ni Zach.
Inilagay ko ang kamao ko sa bandang dibdib ko at pinukpok ito ng paulit ulit.
“S-sobrang sakit na, Zach. Sobrang sakit na, please, tigilan na na ‘tin ‘to. Mali ito, lahat, mali,” hinihingal kong sabi at pinahiran ang pisngi ko dahil sa mga luha na patuloy na dumadaloy.
Walang reaksyon sa mukha ni Zach at nanatili lamang itong nakaupo kung saan ako nakaupo kanina. Ang kaniyang mata ay malamig at hindi ko talaga mahulaan kung ano ang iniisip niya.
At tsaka, isa pa sa pinoproblema ko ay kung bakit ako nahilo? Ayokong may mabuo sa aming dalawa lalo na’t nagsimula kami sa mali at baka ikahihiya lamang ako ng aking magiging anak, hindi ko ‘yun kakayanin.
“Z-Zach!” sambit ko ulit nang hindi ito magsalita.
“Zach, tigilan na na ‘tin ‘to. I saw your wife, for the very first time,” pag-amin ko at hindi ko mapigilan ang mainggit sa kaniya.
Nakita ko na parang napalitan ang reaksyon ni Zach nang sinambit ko iyon.
Napangiti ako nang mapakla at napatingin sa kawalan. “Ang ganda niya Zach. Napakaganda,” umiling ako at nagpatuloy. “Mga kagaya niya ay minamahal talaga at higit sa lahat ay dinadala sa altar, hindi sa kama lang.”
Pinahiran ko ang luha sa aking mata at napapikit.
“Hindi naman siguro ganoon ka hirap na suklian ang pagmamahal niya ‘di ba? Pinagkasundo man kayo, hindi mo man siya mahal ngayon, pero hindi ibig sabihin na lolokohin mo na siya at nagpanggap na walang asawa,” nahihirapan kong sabi.
“K-Kasi, kung ako ang nasa posisyon niya, sobrang sakit iyon, Zach. Sobrang sakit.” Napalunok ako at inimulat ang aking mga mata.
Mariin pa ring nakatingin sa akin si Zach kaya nagpatuloy ako.
“Hindi ko kakayanin na ang asawa ko ay may minahal at kinamang iba, samantalang ang asawa niya ay umiiyak gabi gabi, naghihintay na.. uuwi ang asawa niya sa p-piling niya.” naiiling ko na sabi at napatakip sa aking bibig para pigilan ang sarili na mag-ingay.
Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Zach at tumayo. Humakbang siya papalapit sa akin kaya umatras ako.
“Hindi ka man lang ba nagtataka kung bakit ka nawalan ng malay?” tanong nito at tumigil sa paghakbang.
Napasinghap naman ako at gulat sa kaniyang tinanong.
“What if you’ ll get pregnant?” He asked while seriously looking at me.
Napalunok naman ako, hindi alam kung ano ang sasabihin.
“You can’t escape.” sabay iling nito.
“H-Hindi..” nanginginig na sabi ko at napahawak sa noo ulo ko.
Iyon ang hindi ko hahayaan na mangyari. Ayokong may mabuo sa aming dalawa, mas lalo lamang akong masisira at ayokong maging kabit habang buhay. Ayoko.
“How can you be so sure na hindi ka buntis?”tanong muli ni Zach at marahas na lumapit sa akin at hinapit ang bewang ko kaya nagkalapit na ang mukha namin sa isa’t isa.
Iniwas ko ang mukha ko sa kaniya na akmang hahalikan niya at akmang itutulak siya nang hianwakan niya ang kamay ko ng mahigpit.
“Don’t worry, kahit buhok ng asawa ko, hinding hindi ko gagalawin. She will remain unfuck, ikaw lang ang babaeng nagpapabaliw sa akin ng ganito, ” anito at hinaplos ang pisngi ko.
Nanginginig na ako sa sobrang kaba. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
“Zachary, Please ayoko na.” nanginginig kong sabi.
Binitiwan naman niya ako at napasabunot sa kaniyang buhok. Lumingon muli siya sa akin at nagulat ako nang makita ko na namumula na ang kaniyang mata.
“Why?” sigaw nito na ikinagulat ko. “Dahil may asawa ako? I already told you na hindi hihiwalayan ko siya. Kahit wala ka pa sa buhay ko, kahit hindi ka pa dumating sa buhay ko, hihiwalayan ko pa rin ang asawa ko.”
“Try to love her-”pinutol niya ako.
“Don’t f*****g dare,” banta niya. “Akala mo lang ba na ikaw lang ang nasaktan? Yes, I admit that we did something wrong, but I never loved my wife. I never did because there’s you. Please baby, let’s fix this.” pagsusumamo nito.
“No!” desidido kong sambit.
Umiling ako at huminga ng malalim.
“No, Zach. You will fix your marriage with your wife while me..”napalunok, hirap sabihin ang susunod na sasabihin. “..while me, please don’t bother me anymore..” I said.
Sasagot na sana siya sa akin nang mag ring ang phone niya na nasa center table. Nakita ko ang pangalan ng kaniyang asawa.
Chielou na ang nakalagay. Nilagyan na niya.
Tiningnan lamang ni Zach ang phone at mukhang wala yatang planong sagutin kaya tiningnan ko siya.
“Tumawag ang asawa mo, please don’t hurt her and answer the call,” sambit ko at nag-iwas ng tingin.
Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga. Kinuha niya ang phone sa lamesa at sinagot ito, mismo sa harapan ko.
“Hello,” sagot ni Zach habang nakatingin pa rin sa akin.
Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon niya at mukhang may hindi magandang nangyari dahil nakita ko ang pag-alala sa kaniyang mukha.
“Alright, stay there!” sambit nito bago ibinaba ang tawag.
Nakita ko ang pag-alinlangan sa mukha ni Zach habang nakatingin sa akin kaya pineke ko na lamang ang ngiti ko.
“Go on, you can leave me alone, Zach.” sambit ko.
Wala naman siyang magawa kundi ang iwan ako para puntahan ang asawa niya. Nang makaalis na siya ay napaupo na lamang ako sa sahig at palihim na umiiyak. Ayoko na. Ayoko na.
**
Kinabukasan ay parang wala lamang nangyari kagabi. Nanghingi ako ng paumanhin ni Sir Ethan dahil iniwan ko siya kagabi pero mabuti na lamang at madali lamang itong kausap at hindi na big deal iyon.
Medyo natagalan ako sa pagpunta sa kompanya dahil nag eencode pa ako ng resignation letter.
Oo, nakapagdesisyon na ako na iiwan na ang trabahong ito kahit masakit. Gusto kong kalimutan, at iwasan na si Zach. Gusto kong magbagong buhay na siya at mahalin na niya ang asawa niya. Hindi ito padalos dalos dahil ito naman talaga ang gusto kong gawin.
At sana kapag tapos na ako, iiwan ko na rin pati ang lugar na ito at mamuhay ng tahimik sa malayo.