Nakatitig lamang ako kay Zach habang sinusubuan niya ang anak ko ng cake. Nakikita ko sa mata ng anak ko na sobrang saya niya na makasama si Zachary. Na guilty tuloy ako sa sinabi ko kanina. Parang ang sama ko na agad. Nakita ko rin kung gaano kasaya si Zach. I realize that Zach is a good father to Zellor. Nakita ko kung gaano siya ka caring at gaano niya rin kasabik makasama ang anak ko. It was so unexpected that he will be like that. It was so unexpected to see Zachary’s soft side. Na may tinatago pala na ganito ang lalaking mahal ko. “Uy, tigil, baka matunaw!”Napakurap-kurap ako at agad nilingon si Sarah na may dalang sandok. Nakatitig din ito sa mag-ama ko at naka halukipkip pa. “Grabe naman si Pappy Zach, mahal na mahal niya talaga ang anak niya,”nilingon niya ako at may pang-aas

