TERRENCE My heart is full by merely watching Tonette being busy in the kitchen. Pinatungan niya ng apron ang pang-opisina niyang kasuotan. Panaka-naka ko siyang sinusulyapan habang naghihintay ako sa dining table at abala sa pagbabasa ng mga reports sa aking ipad. Ganito pala kasarap sa pakiramdam na makasama at pagsilbihan ng babaeng mahal mo. I can't wait to live with her permanently. Tiyak na hahanap-hanapin ko ang ganitong mga sandali simula ngayon. Ngayon ko lang naranasan ang pakiramdam na nasa isa akong tahanan pagkalipas ng napakahabang panahon. Ang huling beses ay noong bata pa ako at pinagsisilbihan pa ng aking ina. Bagamat maraming babae ang dumaan sa aking buhay, wala ni isa sa kanila ang binigyan ko nang pagkakataon na makapasok sa mga personal kong ari-arian. Tonette broke a

