STEVEN I strongly pushed the penthouse main door. It wasn't locked. I entered the place in rush. Hindi sapat ang oras na ginugol ko sa pagmamaneho patungo dito para humupa ang galit ko. Naabutan ko si Jaxon na kalmadong umiinom ng whiskey habang nanonood sa TV ng football. Hindi ito nagulat sa pagsulpot ko. Halatang inaasahan na ang aking pagdating. Pumukol siya ng isang tingin sa akin at muling ibinalik ang mga mata sa pinapanood. Tahimik niyang inubos ang alak sa kanyang baso. I picked up the remote and turned off the TV. "Have you gone crazy? Anong pumasok sa isip mo at nagsalita ka sa korte?!" sigaw ko. He smirked at me na mas lalong kinapikon ko. "You're so upset. Nagagalit ka ba na hindi ako nagsinungaling sa kanila?" I grabbed his collar and forced him to stand up and face me pr

