ANTONETTE "Abudying abudying! Pogi-pogi mo talaga baby! Play tayo today ha sana maging mabait ka! Aray!" Tiningnan ko sa rearview mirror ang aking mga sakay. Nakangiwing hinawakan ni Crystal ang noo. Mukhang nahampas na naman ni Lucas ng laruan. "Mam Tonette sadista talaga tong anak mo! Tapos ako na naman ang pag-aalagain mo. Malapit na akong mag-file ng complain sa DOLE ha! Sabi mo kaya mo ako inempleyo ulit para makatulong mo sa pangangasiwa ng garden sa Les Sun Fleur. Pero ba't napapadalas ata ang pagiging yaya ko? Yang helicopter niyo ginagawa ko na lang taxi sa pagpabalik-balik ko dito sa Maynila at resort." "Huwag ka nang magreklamo. Nagka-emergency lang talaga ako ngayon. May biglaang importanteng meeting sa kliyente. Nag-off kasi yung pinagkakatiwalaan naming yaya ni Lucas. Hin

