Hindi lang isang beses nangyaring pinagbuhatan ako ng kamay ni Keith. Naulit pa iyon ng makailang beses at sa tingin ko parang normal na lang para sa kanyang saktan ako kapag ganoong makaramdam siya ng pagseselos o kaya'y pagduda sa mga taong nakakasalamuha o aking nakakausap. Sumisikip na ang mundo ko sa kanya. Kulang na lang talian niya ako at ipasok sa loob ng baul. Kung may lalakarin man ako ay dapat naroon siya at kapag hindi niya magawang sumama dahil sa busy siya sa pag-aasikaso sa kanilang real estate company, may ipapadala siyang bodyguard na magbabantay sa akin. Noong isang linggo nga nang magkaroon ng retreat ang aming klase sa isang beach sa Pangasinan ay pinasamahan niya ako kay Brando, isa sa mga tauhan niya na sa tantiya ko wala pa sa kwarenta ang edad. Hindi man pinagp

