Kung ako lang ang masusunod, ayoko na sanang muling idilat pa ang aking mga mata. Ewan, alam kong nakapagbitiw na ako ng isang salita ngunit hindi ko talaga kayang dugasin ang tunay na nilalaman ng aking puso at isipan.
Ang pagpapakasal ni Lukas kay Ricky na bagama't ipinapakita kong tanggap ko na subalit itinuturing ko iyong isang kamandag na unti-unting pumapatay sa akin.
Nang saluhin ko ang balang dapat sana'y para kay Lukas ay hiniling kong mawawakasan na sana ang aking buhay. Masaya na akong makita sila mula sa itaas na namuhay nang masaya at magtagal ang kanilang pagsasama.
Ngunit sadyang hindi ko pa yata oras. Wala akong karapatang makapamili ng oras ng kamatayan kundi Siya lamang na may likha. Halos dalawang araw din nang ako ay magising mula sa pagkakaidlip. Namataan ko si Mateo na nasa aking tabi, nakaupo sa isang silya habang ang ulo niya ay nakahilig sa maliit na espayo ng kama kung saan ako nakahiga. Mata niya ay nakapikit at ang isang kamay niya ay nakahawak sa isa kong kamay.
Sinimulan kong igalaw ang aking mga daliri na sinabayan ng mahinang pag-ungol upang ipabatid na ako ay nagising na. Kasabay noon ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata gawa nang magkahalong emosyong nararamdaman.
Masaya ako dahil nakaligtas ako sa tiyak na kapahamakan ngunit naroon rin sa akin ang lungkot sa katotohanang parang wala na akong babalikan pa dahil nasa ibang kamay na ang lalaking pinakamamahal ko. Ang gulo. Tanggap ko na iyon e. Subalit ang puso ko ay walang tigil sa kasisigaw sa kung ano ang tunay niyang nararamdaman.
Abot-langit ang saya sa mukha ni Mateo nang makitang gising na ako. Halos liparin na nito ang nurse station upang ipaalam sa mga nurse na naroon na gising na ako.
Dali-dali namang lumapit ang nurse na nakatalaga upang kumustahin ang aking pakiramdam. Gaya ng lang kung wala ba akong naramdamang pagkirot sa aking sugat.
Matapos iyon ay nagpaalam na lumabas ang nurse at noong kami na lamang dalawa ni Mateo ang naiwan ay yumakap siya sa akin nang buong higpit at hinalikan ako sa pisngi. Inalok niya akong kumain o kaya ay uminom ng tubig dahil dalawang araw rin bago ako nagkamalay. Tubig lang ang hiningi ko dahil hindi naman ako nakaramdam ng pagkagutom.
Matapos kong uminom ay muli niya akong niyakap nang mahigpit at hinalikan niya ako sa aking bunbunan. Ilang sandali pa'y naramdaman ko ang pagalaw ng kanyang balikat tanda ng pag-iyak. Hindi ko naman iyon pinansin sa pag-aakalang dala lamang iyon ng kanyang lubos na kasiyahan subalit nang sabihin niyang, "Maiiwan na kita rito, uuwi na ako ng Mindoro" ay gumuhit ang gitla sa aking noo.
"M-may nangyari na naman ba sa Itay mo? Kailan naman ang balik mo?" Ang tanong ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Huminga muna siya nang malalim bago sumagot.
"Mukhang hindi na ako babalik"
"Pero bakit? Iiwan mo na ako? Hindi mo lang ba ako isasama?"
"Hindi ako ang nararapat sa'yo, Mar" Napakalayong sagot niya sa mga katanungan ko.
"Ipagtutulukan mo na naman ako kay Lukas? Sinalo ko man ang bala na dapat ay para sa kanya, hindi naman iyon ang basehan upang isusuko mo na lang ako nang tuluyan. Gagawin ko naman iyon kahit na kanino sa mga kaibigan ko!" Bulalas ko. Hinawakan ko siya braso.
"Hindi naman iyon ang punto ko. Ang sa akin lang, huwag mo na sanang pilitan pa ang iyong sarili na mahalin ako dahil mas nagmumukha lang akong kawawa. Alam kong pinagsusumikapan mong ibigin ako ngunit alam ako at sigurado akong wala pa rin ako sa kalingkingan ni Lukas. Bakit hindi mo na lang siya ipaglaban?"
"Paano ko ipaglaban ang taong pag-aari na ng iba? Paano ko ipaglaban ang taong wala nang nararamdaman ni katiting na pagmamahal sa akin? God, Mateo, ilang beses ko na iyang sinasabi sa iyo" Napipika kong pahayag sa kanya. Mistula na kasi kaming sirang DVD, paulit-ulit na pinagdidiskusyunan ang sa tingin ko pinaglumaan ng isyu.
Natahimik siya. Kumuha siya ng dalandan at binalatan iyon saka isinubo sa akin.
"Mahal na mahal kita. Pero kung babawiin ka ng taong tunay na nagmamay-ari sa'yo, handa kitang ipaubayang muli"
Hindi ko na pinansin pa ang kanyang sinabi at baka magtatalo na naman kami. Pero sa totoo lang, naguguluhan na ako sa kanyang mga pinagsasabi. Saan niya ako ipaubaya, sa siraulong si Keith? Kay Lukas na bagama't hindi natuloy ang kasal, ay alam kong inaayos na ang pagpapa-reschedule ng naudlot nilang kasalan ni Ricky?
Katahimikan ang namagitan sa amin habang patuloy niya akong sinusubuan ng dalandan. Ilang saglit pa'y bumukas iyong pinto. Lulan doon si Gina na halos lumuwa ang mga mata sa sobrang galak nang makitang nagising na ako at kumakain.
"S-salamat naman at nagising ka na, Mar..."
Dali-dali siyang lumapit sa akin upang sana'y yakapin ako ngunit kaagad ding natigilan na tila ba may nakaligtaan at biglang bumalik sa bungad ng pinto.
"...Uy, tatayo ka na lang ba diyan buong maghapon? Ayaw mo bang pumasok? Bulalas niya doon sa kasama niya na sa tingin ko mukhang nahihiyang pumasok.
Laking gulat ko naman nang mapagsino iyong kasama ni Gina nang pumasok ito. Si Lukas bitbit ang kumpol ng mga pulang rosas. Naisip ko na marahil bilang pasasalamat niya iyon sa pagligtas ko sa buhay niya subalit laking pagtataka ko lang dahil bitbit din niya si Marlu.
Paano iyon muling naibalik sa kanya?
Dahan-dahan siyang lumapit habang ang mga mata niya ay nakapako sa akin. Nang nasa tabi ko na siya, ipinatong niya ang dala niyang mga rosas sa maliit na mesa na nasa aking ulonan at si Marlu ay nanatiling nasa kamay niya.
Tumayo si Mateo sa kinauupuang silya upang pagbigyan si Lukas na makaupo. Pagkatapos noon ay lumabas silang dalawa ni Gina sa silid. Paraan siguro nila iyon upang mabigyan kami ni Lukas ng pagkakataong magkausap.
"S-salamat sa pagligtas mo sa buhay ko" Ang panimula niya. Mga mata niya'y nakatitig pa rin sa akin.
Ngumiti ako. "Wala iyon. Ginawa ko lang ang sa tingin kong nararapat. Kulang pa iyon sa laki ng atrasong nagawa ko sa'yo noon!"
"Wala kang nagawang atraso, Koy. Kung tutuusin ako ang may malaking atraso at utang na loob sa'yo na kahit buhay ko pa ay hindi sapat na magiging kabayaran sa iyong mga isinakripisyo at paghihirap noon"
Namilog ang mga mata ko sa kanyang mga tinuran. Magsasalita na sana ako ngunit inunahan niya ako.
"Alam ko na ang lahat. Sinabi na sa akin ni Gina at Mateo ang totoong mga nangyari noon na kung bakit mo ako ipinagpalit kay Keith. Iyon ay dahil sa panggigipit niya sa'yo at banta sa buhay ko at sa pamilya mo sakali mang ako ang iyong pipiliing makasama. Napakadakila ng pagmamahal mo, Koy. Mas inunana mo ang kapakanan ng iba kaysa sa iyong sarili. Tiniis mo ang lahat ng mga pasakit niya para lang mailayo ako sa kapahamakan..."
Nagsimulang gumulong ang kanyang mga luha. Hinayaan niya lamang iyon.
"...Habang nabalot ako sa poot at galit, ikaw nama'y nagtitiis sa kawalang-hiyaan at kababuyan ng siraulong iyon. Parang hindi ko mapapatawad ang aking saril na ako ang dahilan sa mga dinanas mong hirap. Nakulong ka sa kasalanang hindi mo nagawa, samantalang ako nagpapakaligaya sa piling ng iba"
"Patawarin mo rin ako, Koy. Oo nga't kapakanan ko lang ang iniisip mo, pero di maitatangging nasaktan ka rin nanng lubos sa panahong iyon. Mali kasi ang naging paraan ko sa paghawak ng sitwasyon. Pareho tayong biktima ng pagkakataon at pareho tayong nasaktan sa magkaibang dahilan. Hindi biro para sa akin ang pakawalan ka at ipagpalit sa iba. At hindi rin biro para sa'yo ang hamakin ang iyong pagkatao mula mismo sa taong pinaniniwalaan mong nagmamahal sa'yo ng lubos...!"
Hindi ko na rin napigil ang mga luha sa mata.
"...Nakaraan na iyon. Dapat na natin iyong kalimutan. Masaya ako dahil sa wakas nangyari na ang aking pinakamimithi, ang manumbalik ang dati nating pagkakaibigan"
"Hindi, Koy..." Hinawakan niya ang isa kong palad. "...Hindi iyan ang gusto ko. Gusto kong maibalik ang dati nating samahang higit pa sa kaibigan. Gusto kong manumbalik ang dating tayo. Mahal pa rin kita.
Oo, galit ako sa'yo noon. Pakiramdam ko, napakaliit kong tao at napaka-inutil. Wala akong kakayanan na muling mabawi ka sa kanya. Pero alam mo ba ang totoong ikinagagalit ko? Ang katotohanang mahal pa rin kita sa kabila ng ginawa mo.
Gusto kong gumanti at ibalik ang sakit na ipinadama mo sa akin. Ang kunwaring panghamak at pangmamaliit mo sa aking pagkatao noon ang ginawa kong motibasyon para umangat at maipakitang kahit isang hamak na gwardiya lang ako, kaya kong tapatan ang lalaking ipinalit mo sa akin. Gusto kong ipakita ang aking pag-unlad upang maramdaman mo ang pagsisisi at panghihinayang kung bakit mo ako nagawang ipagpalit sa kanya.
Umuwi ako sa amin, nagkataong nakuha na ni Itay ang dalawang ektaryang lupain na namana niya kay Lolo. Ibinenta ko iyon para maipagpatuloy kong muli ang pag-aaral sa kolehiyo. Gumraduate ako at nagkaroon ng magandang trabaho subalit sa tulad kong may mataas na pangarap at sa adhikaing biglaang pag-angat, pinatos ko ang isang matanda ngunit mayamang Amerikanong nakilala ko lang sa f*******:.
Nag-resign ako sa dati kong pinapasukang livestock company upang sumama sa kanya sa Amerika. Ngunit makaraan ang isang taong mahigit naming pagsasama, binawian siya ng buhay dahil sa stroke. Kalahati ng kayamanan niya ay kanyang ipinamana sa akin at iyon ang dahilan ng biglaang paglobo ng ipon ko.
Umuwi ako sa atin at agad kong pinuntahan ang hardin ng mga gamugamo. Sa kabila ng mapait kong karanasan ay iyon pa rin ang unang pumasok sa isip kong puntahan. Napag-alaman kong nakatiwangwang lang ang malaking lupaing nandoon na pag-aari ng isang kilalang bangko at binili ko iyon ng walang alinlangan gaya ng aking matagal ng pinapangarap na maangkin ang mala-paraisong lugar na iyon.
At habang pabalik-balik ako ng Maynila para asikasuhin ang mga papeles, di inaasahang muli kaming nagtagpo ni Ricky, ang lalaking naikwento ko sa'yo noon na naging kaibigan ko habang nasa kamay ng mga sindikato. Siya iyong tinutukoy kong nakapag-asawa ng isang gay Russian na nagsumbong sa mga pulis sa sindikatong minsang nagpahirap sa amin kaya ako nakaligtas mula sa mga hayop na iyon.
Koy, bigyan mo sana ako ng pagkakataong bumawi at patunayan ang aking sarili kung gaano kita kamahal at itama ang aking mga maling akala" Ang mahabang pahayag niya. Nagsusumamo ang kanyang mga mata.
"Hindi mo naman kailangang bumawi, Koy at wala kang dapat na patunayan. Noon paman, alam mo kung gaano kita kamahal kaya lahat isinakripisyo ko makita lamang kitang buhay di bale ng kamuhian mo ako. Masaya ako sa nalamang ako pa rin ang siyang nilalaman ng iyong damdamin subalit malabo ng maibalik pa ang dating tayo maliban sa pagkakaibigan. May mga tao ng masasaktan. May mga tao na tayong napangakuan na
paghahandugan ng pagmamahal. Ikakasal ka na kay Ricky. Umaasa siya sa isang pangakong binitawan mo sa kanya. At kahit papaano, may mga naipundar na kayo at hindi ko maatim na masira ang matagal-tagal na rin ninyong pagsasama. At sa panig ko naman, andiyan si Mateo na napanagakuan ko ng isang wagas na pag-ibig" Ang wika ko naman.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi para mapigilan ang aking paghikbi bagama't may umaagos ng mga luha sa aking pisngi. Nais kong ipakita kay Lukas kung gaano ako kapursigido sa binitawang desisyon na alam ko sa pagkakataong ito ay tama at siyang dapat.
Sandaling naghari ang katahimikan. Hanggang sa muling pumasok si Mateo at, "Sundin mo kung ano ang itinitibok ng puso mo, Mar. Huwag ako ang isipin mo. Sa sinabi ko na, handa akong magbigay daan sa inyo ni Lukas sakali mang mangyari ang araw na kinatatakutan ko, ang mawala ka sa piling ko kahit di ka pa naman tuluyang akin. Masakit dahil buong akala ko ay ikaw na ang taong sagot sa mga dasal ko ngunit hindi ko naman maaring buwagin ang totoong inilitid ng tadhana at kayong dalawa iyon.
Mas nanaisin kong magparaya kaysa naman ang maangkin ka subalit ang puso mo nama'y nanatiling nakatali sa kanya. Kapag nagkaganun, parang niloloko ko na rin ang sarili ko. Huwag mo nang pilitin ang sarili mong mahalin ako, doon ka sa taong tunay na nilalaman ng iyong puso. Sinasabing pwedeng pag-aralan ang pagmamahal, subalit iba pa rin kung kusa itong nararamdaman!"
Lumapit si Mateo sa amin. Namula ang kanyang mga mata tanda ng pagpipigil na mga luha na huwag bumagsak. Pinagtagpo niya ang mga kamay namin ni Lukas at hinawakan iyon ng mahigpit. Binalingan niya si Lukas.
"Pre, mahal na mahal ko iyan. Marami siyang tiniis na hirap nang dahil sa'yo. Pakamamahalin mo siya para sa akin. Ikaw na ang bahalang tumupad sa mga pangarap ko para sa kanya na sinimulan ko na sanang ihabi"
Doon na niya hindi napigil ang mga luha at bumagsak iyon sa aming mga kamay na kanyang pinagsaklob. Kahit medyo hirap, sinikap kong ilapit ang aking katawan sa kanya para mayakap. Doon ko napatunayang wagas ang pag-ibig na inialay niya sa akin. Labis akong napahanga dahil iilan lang ang lalaking kagaya niya. Napausal ako ng dasal na nawa'y matagpuan din ni Mateo ang taong nakalaan sa kanya.
Nang kumalas siya sa akin ay tinaggap niya ang pakikipagkamay ni Lukas. "Salamat, Pre. Mahal na mahal ko si Mario at kahit hindi mo sabihin, iyon ang gagawin ko!"
"P-pero, paano si Ricky?" Ang pagsingit ko naman
"Huwag mo na akong alalahanin, Mar..."
Sabay kaming napalingon sa may pinto. Nakatayo roon si Ricky na mukhang may ilang minuto na ring nakatayo roon. Nakangiti siyang lumapit sa amin.
"...Masaya ako at sa wakas magkakabalikan na kayo. Mahal ko si Lukas subalit ramdam ko noon pang ikaw pa rin ang mahal niya sa kabila ng nararamdaman niyang galit sa'yo.
Ilang beses ko siyang kinumbinseng ayusin ang gusot sa pagitan ninyong dalawa subalit kay taas lang ng kanyang pride. Nais ka niyang gantihan. Iyong mga nakikita mong paglalambingan namin at harutan ay paraan lang niya iyon para pagselosin ka. Gusto niyang ikaw iyong maglumuhod at magmakaawa na muling maibalik ang inyong pagsasama.
Alam mo ba noong minsang pumasok ka sa silid namin upang ihatid ang ipinatimpla niyang kape at naabutan mo kaming may ginagawa, scripted lang iyon. Gusto lang daw niyang ibalik sa'yo ang sakit na naramdaman niya nang maabutan niya kayo ni Keith sa loob ng hotel.
Subalit ng bumalik ka sa kusina, bigla na lamang siyang tumayo at pinagsusuntok ang dingding dahil aniya siya iyong labis na nasasaktan para sa iyo. Ngunit dahil wala ka man lang ginawa para sa inyong dalawa at sa halip nakipagmabutihan ka kay Mateo, doon niya napagdesisyunan na magpakasal kami dahil buong akala niya ay wala ka na talagang nararamdaman para sa kanya.
Pumayag naman ako sa gusto niya dahil tulad ni Mateo, naniniwala akong baka matutunan din niya akong mahalin sa darating na panahon ngunit mali ako. Ikaw pa rin ang mahal niya sa kabila ng lahat at wala akong dahilan para humadlang. Deserve nyong dalawa ang kaligayahan na matagal ng ipinagkait sa inyo" Nakangiti niyang pahayag bagamat nababanaag sa kanyang mukha ang lungkot.
"Salamat, Sir" Ang naging tugon ko.
Pagkatapos noon, ay nararamdaman ko ang matitigas na braso ni Lukas na lumingkis sa aking katawan. Pakiramdam ko ay muli akong nabuhay at walang mapagsidlan ang tuwang aking naramdaman.
Naglapat ang aming mga labi. Ninamnam namin ang tamis ng halik na mahigit kalahating dekada na ring hindi namin natikman. Buong akala ko ay wala ng pag-asa pang muling manumbalik ang aming pagmamahalan. Ngunit sadyang totoo ang kasabihan, kapag kayo ang itinakda, walang sinumang ang makakabuwag sa inyo maging ang kamatayan man.
Nakalabas na ako ng ospital at idineretso ako ni Lukas sa bahay sakay ng kanyang bagong sasakyan. Ipinaalam ko kay Inay ang balak naming pagpapakasal na hindi na niya ikinagulat pa sapagkat namanhikan na pala si Lukas habang nakaratay pa ako ng ospital at walang malay.
Masaya ako dahil wala akong nakitang pagtutol kay Inay at sa mga magulang ni Lukas nang ibinalita namin ito sa kanila. Masaya sila para sa amin at hangad nila ang aming kaligayahan sa kabila ng katotohanang pareho kami ng kasarian. Oo nga't taliwas ito sa tingin ng karamihan ngunit naniniwala kaming ang pag-ibig ay hindi tumutukoy sa kung ano at sino ka dahil ito ay bukas para sa lahat ng niniwala nito.
Balak ni Lukas sa pagkatapos ng aming kasal ay muling paiimbistagahan ang aking kaso para tuluyang malinis ang aking pangalan. Dapat raw na si Keith ang managot sa kasalanang kanyang nagawa at pagbayaran ang lahat ng kahayupang kanyang ginawa sa akin pati na iyong panunuhol niya noon para itumba si Lukas.
Pumayag naman ako. At dahil sa may sapat na kaming pera, natitiyak kong makakamit ko na ang hustisya. Tumungo kaming Maynila para ikunsulta iyon sa isang magaling na abogado.
Hiningan ako ng salaysay ng abogado at sinabi ko sa kanya ang totoong nangyari pati na iyong mga pagmamaltrato ni Keith sa akin. Matapos akong makunan ng mga pahayag sinabi ng aking abogado na patong-patong na mga kasong kriminal ang pwede naming ihabla. Iilan sa mga iyon ay ang, murder, frustrated murder, multiple physical injuries, illegal position of firearmas, paggamit ng ipinagbabawal na gamot at isinama na rin ang k********g.
Pero bago iyon ang kasal na muna namin ang aming aasikasuhin dahil gusto ni Lukas na maangkin na niya ako nang tuluyan at legal. Gaganapin ang aming kasal sa Baguio at ang kaibigang judge ni Ricky mula Russia ang siyang magkakasal sa amin.
Dalawang araw bago ang aming kasal ay tumungo na kaming Baguio upang tumulong sa pag-aasikaso ng reception at venue. Talagang hands-on si Lukas sa paghahanda dahil gusto niyang bigyan ako ng bonggang kasal. Siyempre, kilig na kilig ako.
Ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng babaeng ikakasal, sobrang saya lang na para bang hindi ka na makakatulog sa sobrang excited. Maihahanay ko na ang aking sarili sa mga lovestory sa mga nagagandahang Disney princesses at masasabi kong nahigitan ko pa sila. Kung si Cinderella ay nawalan ng sapatos, si Snow White nama'y pinakain ng may lason na mansanas ng isang mangkukulam at si Sleeping Beaty ay natusok ng karayom at nakatulog ng mahabang panahon, ako nama'y nabugbog, nagahasa at nakulong. O diba, mas masaklap ang dinanas ko bago ko muling natagpuan ang aking Prince Charming? Anong say mo, Tito Boy?
"Koy, luluwas muna ako bukas ng umaga ng Maynila" Si Lukas nang matapos naming pagsaluhan ang tamis ng aming pagmamahalan. Kasalukuyan ako noong nakaunan sa isa niyang braso at siya'y nakatagilid paharap sa akin.
"Anong gagawin mo doon?" Ang tanong ko naman.
"Kukunin ko lang iyong singsing natin na pinagawa ko. Babalik din ako agad!"
"Okey, mag-iingat ka, Koy" Tumagilid akong paharap sa kanya. Nagkadikit ang tungki ng aming mga ilong. Nagkaamoyan na kami ng hininga.
"Mahal, kita, Koy. Ilang araw na lang, maangkin na kita nang tuluyan"
"Mahal na mahal din kita, Koy. Kahit naman wala ang kasalang iyan, sa'yo pa rin ang puso ko at buong pagkatao. Pero salamat pa rin dahil hindi ka nahihiyang iharap ako sa altar sa kabila ng aking pagkasino"
"Pag-ibig ang pinag-uusapan dito, Koy hindi ang kasarian. Proud ako sa sarili kong ikaw ang magiging asawa ko. Kaya kong ipagsigawan sa buong mundo na ikaw na isang lalaki rin ang nakabihag sa akin" Seryoso niyang pahayag habang muling pumaibabaw sa akin. Hindi ko naman naiwasang maging emosyonal sa kanyang sinabi.
"Bakit ka umiiyak?"
"Sobrang saya ko lang, Koy dahil sa wakas buo na ulit tayo. Parang nagpi-paid-off lahat iyong mga paghihirap ko dahil na rito ka na ulit sa piling ko. Hindi ako nagsisisi sa aking pagsasakripisyo dahil nagiging mas matatag tayo. Sakali mang bubuwagin pa ulit tayo ng tadhana, ilalaban na kita ng patayan."
Dinampian niya ng halik ang aking noo. "Nang malaman ko ang mga totoong nangyari, mas lalong tumindi pa ang pagmamahal na nararamdaman ko sa'yo, Koy. Sakali mang may unos na naman na muling humambalos sa atin, sabay natin iyong haharapin at hindi ako makakapayag na labanan mo iyon nang mag-isa. Salamat sa pagsasakripisyo mo nang dahil sa akin. Dala-dala ko iyon habang ako'y nabubuhay dito sa mundo"
At muling naglapat ang aming mga labi. Sa ikalawang pagkakataon, muli naming nilakbay ang langit.
Maagang lumuwas ng Maynila kinabukasan si Lukas. Gusto ko sanang sumama ngunit walang mag-aasikaso sa mga kaibiga at kamag-anak naming nagsisimula ng dumating sa hotel. May iilang freelance print media at blogger rin ang dumating para makunan ako nang pahayag hinggil sa kung paano nagsimula ang relasyon namin ni Lukas. Mga kinaharap naming mga pagsubok bago humantong sa isang magarbong kasalanang bago sa pandinig at paningin ng ating lipunan.
Matapos ang interview ay pumasok na ako sa aking silid para umidlip ngunit ilang minuto pa lang ay nagising ako gawa nang napakasamang panaginip. Tagaktak ako sa pawis sa kabila ng malamig na buga ng aircon. Tambol sa lakas ang pagkalampag ng aking dibdib habang pinapayapa ko ang aking sarili.
Iyon ng unang beses na nanaginip ako sa tanghaling tapat at ang sama-sama pa. Bumangon ako para kumuha ng tubig sa mini-ref. Laking gulat ko naman na mas lalong nakadagdag sa aking kaba nang dumulas iyong baso sa aking kamay at nagkalat ang bubog nito sa sahig. Biglang sumagi sa isip ko na isa iyong masamang pangitain kaya naman napatawag ako ng wala sa oras kay Lukas. Sinabi ko naman sa kanya ang dahilan ng aking biglaang pagtawag na tinawanan lang niya.
"Panaginip lang iyon, Koy at kailanman walang panaginip ang nagkakatotoo. At baka sa sobrang nerbiyos mo kaya nabitawan mo iyong baso!" Wika niya sa kabilang linya.
"Basta pagkatapos mo riyan, balik ka kaagad rito, Koy. Hindi talaga ako mapalagay eh!" Pakiusap ko sa kanya at halata sa boses ko ang nerbiyos.
"Oo, Koy. Tatawag ako sa'yo mamaya kapag nasa airport na ako pabalik diyan. Siya nga pala, patungo na riyan ngayon sina Ricky at Mateo. Chill-chill ka lang muna kasama sila para mawala iyang kaba mo. I love you!"
Pinatay ko na ang linya at napausal ako ng dasal na sana'y walang masamang mangyari sa lalaking mahal ko. Ilang sandali pa'y dumating na sina Ricky at Mateo bitbit ang regalo nila para sa amin ni Lukas. Dinala ko sila sa bar kahit medyo maaga pa para hindi ko na gaanong maiisip ang aking napanaginipan, na may isang lalaking duguan na nakabulagta ngunit blurred naman ang kanyang pagmumukha.
Habang nasa kasagsagan kami ng pag-inum ay tumawag sa akin si Lukas at pinapaalam na on the way na siya kaya nawala na nang tuluyan ang kaba ko sa dibdib. Naging panatag na ulit ako.
Ngunit nang sumapit ang alas-diyes ng gabi at wala pa si Lukas ay doon na naman nagsimulang kumalampag ang aking dibdib. Bumangon ako at bumalik ng bar para punatahan sina Ricky at Mateo kasama ng ilan naming mga kaibigan upang magtanong. Ngunit iisa lang ang kanilang isinagot, mukhang hindi pa raw dahil anila, kapag nakabalik na si Lukas ay siguradong sa kwarto namin agad ang punta nito.
Pumasok muli ako sa silid at nanginginig ang mga kamay habang dina-dial ang numero ni Lukas. Nagri-ring naman subalit hindi niya sinasagot.
"A-ayos ka lang?" Boses iyon ni Mateo na halatang hindi rin mapakali sa nakikitang pagiging tensiyonado ko. Hindi ko namalayan ang pagsunod niya sa akin.
"Si Lukas, Mat hanggang ngayon hindi pa rin nakabalik. Ilang oras ba ang biyahe ng eroplano galing Maynila pa-Baguio? Halos mapudpod na ang mga daliri ko sa katatawag sa kanya ngunit di naman niya sinasagot!" Ang aking paglilitanya. Naglalakad ako paroon at parito sa loob ng kwarto. Hindi mapakali.
"Huminahon ka lang. Baka nadelay lang ang flight o baka naman may importante lang na sinaglitan!"
"Ewan, iba ang kutob, eh. Alam mo bang nanaginip ako kaninang tanghali ng isang nakahandusay at duguang lalaki. Hindi kaya, huwag naman sana, Diyos ko!" Mangiyak-ngiyak kong pahayag kay Mateo. Niyakap naman niya ako saka hinagod ang aking likod para ako'y pakalmahin.
"Panaginip lang naman iyon. Malayo sa realidad. Sa sinabi ko na, baka pabalik na iyon ngayon o baka naman bahagi lamang ito ng mga gimik niya"
"Gimik?"
"Oo. Malay ba natin sinadya niyang hindi muna bumalik rito dahil may plano siyang kakaibang paandar sa kasal n'yo bukas. Baka bukas e, habang hinihintay mo ang pagdating niya doon sa hardin kung saan gaganapin ang kasal n'yo bigla na lamang may isang hot air ballon na lalanding o kaya'y chopper lulan si Lukas habang dala-dala niya ang singsing na isusuot niya sa'yo. O baka naman, sumusunod lang siya sa pamahiin na hindi dapat magkasama sa iisang bubong ang magsing-irog isang gabi bago ang kasal"
Sa sinabing iyon ni Mateo, kahit papaano, naibsan ang aking mga pangamba. At kung ganoon nga, mababatukan ko talaga ang lalaking iyon sa mismong harap ng mga tao. Sa dami ba namang pwedeng gawing paandar iyon pang nakakakaba. At sa huling sinabi nito, doon ako nagbigay ng kuminto.
"E, pareho naman kaming groom na ikakasal bukas kaya siguradong walang epek ang pamahiin na 'yan"
Muli akong nahiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. Isiniksik ko sa aking isipan ang posibilad na gimik lang ang lahat ng iyon ni Lukas gaya ng sinabi ni Mateo para hindi na ako mag-aalala pa. Hangga't maari ayokong magmukhang stress sa aking kasal na siyang pinakmahalagang araw sa buong buhay ko.
Nakahanda na ang lahat. Naroon na ang aming mga bisita at judge na magkakasal ngunit hindi pa rin dumarating si Lukas. Napasulyap ako sa pambisig kong orasan, 15 minutes na lang magsisimula na ang seremonya.
Nagsisimula na naman akong kabahan. Sinubukan kong tawagan ang celphone ni Lukas. Nagri-ring naman ngunit hindi pa rin niya ito sinasagot. Hindi pa rin niya tinutugon ang mga sangkatutak na mga text na pinadala ko.
"Sir, may alam ka ba kung may iba pa bang pinuntahan si Lukas bukod sa Maynila" Hindi ko na napigil na magtanong kay Ricky.
"Wala, Mar eh. Sa totoo lang kinakabahan na rin ako. Kagabi ko pa siya tinatawagan ngunit hindi naman siya sumasagot"
Iginiya ko ang mga mata sa paligid. Nakita kong nakapako na ang tingin ng mga bisita sa akin. Puno ng pagtataka dahil magsisimula na dapat ang seremonya ngunit wala pa rin ni anino ni Lukas. Walang hot-air ballon at chopper na lumanding gaya ng sinabi ni Mateo. Samakatuwid posible ngang may masamang nangyari kay Lukas at hindi ito bahagi ng kanyang kakaibang sorpresa. Tumunog ang aking celphone. May mensahe akong natanggap mula kay Lukas.
"Mag-online ka!" Saad ng kanyang text.
Dali-dali naman akong sumunod. Kapipindot ko pa lang sa icon ng Messenger ay may natanggap akong videocall, kay Lukas galing iyon. Ngunit nang sinagot ko ang tawag ay ganoon na lamang ang aking pagkagulat na ang mukha ni Keith ang tumambad sa screen.
"Happy wedding, Baby Boy. Ay, mali. Hindi pala happy dahil hindi ka pala sinipot ng groom mo!" Pang-aasar niyang wika.
"May kinalaman ka ba sa hindi niya pagsipot, sumagot ka?" Sigaw ko.
Lumingon ang lahat sa akin. Nagmamadali namang lumapit sa aking kinaroonan sina Mateo at Ricky upang malaman ang dahilan ng pagsigaw kong iyon.
"Uy, andiyan pala si Ricky Boy, ang first love ko!" Ang sabi niya nang makita sa screen si Ricky. Kung ganoon, si Ricky pala ang tinutukoy niyang una niyang minahal noon. Kayliit nga naman ng mundo.
"Nasaan si Lukas?" Tanong kong muli. Pasigaw iyon.
"Okey, huwag kang sumigaw, hindi naman ako bingi eh"
Makikita sa screen ang bulto ng isang taong nakaupo sa isang silya. Natatakpan ito ng isang maitim na kumot. Lumalakas ang kaba ng aking dibdib habang papalapit si Keith doon.
"Si Lukas ba, Baby Boy?..."
Muling tumambad ang malademonyong mukha ni Keith sa screen. Mata niya ay namumula na halatang nakatira na naman. Medyo mahaba narin ang kanyang bigote at balbas na may iilang araw nang hindi naahitan. Hinawakan nito ang laylayan ng kumot at,"...Tsaraaan!!!"
"L-Lukas!" Sigaw ko nang tumambad sa aking paningin si Lukas. Nakagapos ito sa silyang kinauupuan at walang malay. Wala siyang pang-itaas na damit at kitang-kita ko ang mga latay ng latigo sa kanyang katawan. May nanuyo ring dugo sa namaga nitong mga labi.
"Pakawalan mo siya, siraulo ka"
"Sa dami ng atraso ng lalaking ito sa akin, bakit ko na naman gagwin iyon? Sinulot ba naman niya ang dalawang lalaking minahal ko kaya ang dapat sa kanya ay mamatay...."
Kinasa niya ang hawak na baril. Itinutok nito ang dulo sa nakaawang na bibig ni Lukas at bahagyang ipinasok. "...Wow, sarap pala niyang tingnan kapag sumusubo, nakakalibog. Hahaha!"
"Keith, matagal na tayong tapos bago pa man kami nagkaroon ng relasyon ni Lukas. Alam mong ang mga magulang mo ang dahilan kung bakit ako nagpakalayo-layo kaya nakikiusap ako, kung may galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon huwag mong idamay si Lukas!" Ang pagsingit ni Ricky.
"Well, may punto ka Ricky Boy. Pero, paano, inagaw din niya sa akin si Mario Boy ko, so, wala pa rin siyang excuse sa paghihigante ko!"
"Wala siyang inagaw sa'yo, Keith dahil mas naunang naging kami bago ka dumating. At kung may maghihigante man, ako dapat iyon dahil ako ang umako sa pagpatay mo kay Brando at sa pambababoy mo sa akin kasama ng mga tropa mo!"
Isang malakas na halakhak ang kanyang pinakawalan. "Pambaboy ba ang tawag doon e, nagustohan mo naman, diba nga pinatos mo ang bodyguard mong si Brando? Ngayon, kung ayaw mong matulad ang lalaking ito sa sinapit ng hampas-lupang iyon, pumunta ka rito. Huwag mong isama ang mga iyan at lalong huwag kang magdadala ng mga pulis dahil sa oras na malaman kong sinuway mo ang gusto ko, sabog ang bungo na lalaking ito" At biglang pinatay nito ang linya.
Nanggalaiti naman ako sa galit nang bumalik ako sa loob ng silid. Hinubad ko ang suot kong coat at hinagilap ko ang dalang baril ni Lukas na nakatago sa maletang dala namin. "Sa oras na may mangyaring masama kay Lukas, hindi ako mangingiming patayin kang siraulo ka!" Sigaw ko at hindi ko napigil ang mapaluha sa sobrang galit.
Gaya ng iniutos ni Keith, mag-isa kong tinungo ang pinagdalhan niya kay Lukas sakay ng sasakyan nito. Alam ko ang lugar na iyon dahil iyon rin mismo ang pinagdalhan niya sa akin noong ako'y kanyang pinakidnap para ipagahasa sa mga tauhan niya.
Magtatakip-silim na nang dumating ako sa lumang bodega na napapalibutan ng matatayog na puno. Napakatahimik ng lugar at wala akong napansing nagbabantay sa labas. Tuluyan na ngang namulubi ang loko dahil hindi na nito nakayanang umarkila ng mga tauhan.
Maingat ang mga hakbang ko nang pumasok ako sa loob. Hawak ko ang kalibre 45 na baril. Tagaktak na ang aking pawis habang tinalunton ko ang silid na posibleng pinagtaguan niya kay Lukas.
Nang marating ko ang pinto ay saglit muna akong nakiramdam sa paligid. Sobrang tahimik at walang bakas ng tao sa naturang lugar.
Dahan-dahan kong itinulak ang pinto, bumukas iyon. Nakita ko si Lukas na nagsisimula ng nagkakamalay gawa nang pag-ungol nito at dahan-dahang pag-angat ng duguang mukha.
"Koy!" Nagmamadali akong lumapit sa kanya upang kalagan siya.
"I-ikaw ba 'yan, Koy?" Ang tanong niyang hindi maibuka ang mga mata dahil sa sobrang pamamaga.
"Ako 'to, Koy. Nandito ako para iligtas ka!"
"P-pasensiya ka na, Koy. H-hindi ako nakasipot sa kasal natin!"
Hinaplos ko ang kanyang mukha saka hinalikan ang kanyang noo. "Huwag kang humingi ng pasensiya dahil hindi mo naman kasalanan ang lahat. Saka na lang natin itutuloy ang kasal kapag makatakas na tayo rito—"
"—Iyan ay kung makakaalis pa kayo rito ng buhay!"
Naramdaman ko ang malamig na dulo ng baril na nakadiin sa aking batok. Minanduhan ako ni Keith na itaas ang dalawa kong kamay. Kontrolado niya ang sitwasyon kaya sumunod ako.
Kinuha niya sa isa kong kamay ang hawak kong baril. Pagkatapos no'n ay isang malakas na tadyak ang pinakawalan niya sa aking likod. Sumadsad ako sa paanan ni Lukas na noo'y nagmumura na sa sobrang galit na pilit kinakalas ang lubid na nakapulupot sa kanyang katawan.
"Humarap ka sa akin!" Bulyaw ni Keith sabay hila sa buhok ko.
"Matapang ka lang dahil may baril ka. Kung lumaban ka kaya ng patas at nang makita mo ang hinahanap mo!" Bulyaw ko rin sa kanya.
"Patas? Kailanman walang patas dito sa mundo, Baby Boy. Ngayon pa lang ihanda n'yo na ang inyong mga sarili para harapin si kamatayan pero bago 'yon, paligayahin mo muna ako gaya ng ginawa mo kay, Brando!"
"Abot-langit na ang kababuyan mo, Keith. Bakit hindi ka na lang tuluyang nasiraan ng bait at mamatay para mawala na ang salot na kagaya mo dito sa mundo"
"Aba, ang tapang mo na ngayon ah. Iba na talaga kapag kasama mo ang mahal mo, nakakataas ng confidence level. Pero tingnan lang natin kung hanggang saan iyang tapang mo"
Bang!
Kinalabit niya ang hawak na baril at tumama iyon sa binti ni Lukas. Tumagas doon ang masaganang dugo. Napahiyaw si Lukas sa sobrang sakit. Nang akmang lalapitan ko si Lukas ay muli niyang hinawakan ang aking buhok. "At saan ka pupunta, ha?"
"Ako na lang ang saktan mo Keith, huwag mo nang idamay si Lukas, nagmamakaawa ako. Ako lang naman ang gusto mo diba?"
"Sobrang dami mo ng isinakripisyo para sa akin, Koy kaya hindi ako makakapayag na saktan ka niya..." Bulalas ni Lukas habang iniinda ang matinding sakit sa kanyang binti.
"...Keith, ako na lang ang patayin mo, huwag mo nang idamay si Mario. Marami na siyang pinagdaanang hirap kaya ibunton mo na sa akin ang lahat ng galit!"
"Ang sweet n'yo naman. Parang sa teleserye lang. Huwag kayong mag-alala, tatapusin ko rin naman kayong pareho kaya magsasama pa rin kayong dalawa sa langit. Pero saka na 'yon, gusto ko munang damhin ang init ng bibig mo, Baby Boy!"
Ibinaba niya ang siper ng kanyang pantalon. Inilabas niya ang di pa gaanong nabubuhay na alaga. Tinitigan ko lang iyon. Nag-aalangan ako na sundin ang kanyang ipapagawa dahil sigurado akong masasaktan si Lukas.
"Titigan mo na lang ba 'yan? O baka naman gusto mong ang gwardiyang iyan ang kakantutin ko. Baka ito na ang panahon na makatira ako ng isang pure top. Ang sikip siguro niyan, ano?"
"Tang-ina mooo!" Sigaw naman Lukas kahit hinang-hina na dahil sa maraming dugo ang tumagas sa kanya.
Mukhang hindi naman nagbibiro si Keith dahil dahan-dahan ng lumapit ito sa kinaroroonan Lukas.
"Huwag mo siyang galawin. Papayag na ako sa gusto mo!"
"Iyon naman pala eh andami pang kaartehan. E, di sana, kanina pa tayo tapos!"
Bumalik siya sa akin at pinasubo niya ang kanyang alaga. Namataan ko namang yumuko si Lukas upang makaiwas sa masakit na tanawing iyon.
Habang naglabas-masok sa bibig ko ang alaga ni Keith ay may naisip akong plano at bago pa siya labasan sa bibig ko ay isang malakas na suntok ang aking pinakawalan sa kanyang bayag dahilan para mamimilipit siya sa sobrang sakit.
Sinamantala ko naman ang pagkakataon iyon para kalagan si Lukas. At dahil madilim na ang paligid, hindi ko na nakuhang muli ang baril na inagaw sa akin ni Keith na tumilapon sa kung saan. Ang mahalaga ay makaalis kami sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon.
Inangkla ko sa aking balikat ang isang bisig ni Lukas at ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa kanyang baywang. Damang-dama ko ang kanyang bigat gawa nang halos lupaypay na ang kanyang katawan dahil sa maraming dugo ang tumagas mula sa kanyang sugat sa binti idagdag pa iyong mga natamo niyang bugbog. Ganunpaman, sinikap ko pa ring bilisan ang aking mga lakad upang makalayo na kami ng tuluyan.
At no'ng nasa likuran na kami ng bodega ay narinig ko ang nanggagalaiting sigaw ni Keith sabay paputok ng baril na hawak nito. Aniya, bilisan na namin ang magtago dahil sa oras na maabutan niya kami, wasak ang aming mga bungo. At iyon nga ang ginawa ko.
"Kaya mo pa ba ang bigat ko, Koy?" Ang tanong ni Lukas na halos hindi na maiangat ang ulo. Sa ayos niyang iyon na parang lantang gulay mukhang sa akin na niya iniasa ang aming kaligtasan. "Lagi na lang ikaw iyong nagsasakripisyo at nahihirapan nang dahil sa akin" Dagdag pa niya.
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Asawa na kita kaya responsibilidad kita. Kailangan nating makatakas rito, Koy sa lalong madaling panahon. Hindi naman kita pwedeng iwan dito dahil para ko na ring pinatay ang sarili ko kapag ginawa ko iyon, siyempre ikaw ang buhay ko at ayokong mawala ka. Ang tugon ko naman.
Narinig ko ang mahinang sambit niyang SALAMAT at MAHAL KITA na siyang nakadagdag sa akin ng lakas.
Tinahak ko ang direksiyon ng kakahuyan. Ngunit wala pa sa sampung metro ang layo ng aming itinakbo mula sa bodega ay gano'n na lamang ang aking pagkagimbal nang tumambad ang napakatayog na pader. Wala pa ang pader na iyon noong tumakas ako mula sa grupo ni Keith kaya nag-isip kaagad ako kung paano makakaakyat sa mataas na pader na iyon.
Subalit malabo. Lalo na si Lukas na may tama sa binti. Wala na kaming ibang pwedeng daanan maliban na lamang ang bumalik sa bodega. Pansamantala ko munang inihilig ang katawan ni Lukas sa isang puno.
"Dumito ka muna, Koy"
"Sa-saan ka pupunta?"
"Kahit naman makaakyat tayo sa pader na 'yan at makatakas, alam kong hindi pa parin tayo titigilan ni Keith. Kaya haharapin ko siya.
"Sasama ako, Koy. Hindi ko hahayaang mag-isa mong labanan ang lalaking iyon. Diba sinabi ko naman sa'yo, sakali mang may dumating na krisis tulad nito, sabay natin 'tong lalabanan?"
Lumuhod ako sa harap niya. Inabot ko ang isa niyang kamay at pinisil iyon. "Sa kalagayan mo ngayon, hindi ko hahayaang lumaban ka. Ayokong malagay ka sa alanganin. Hayaan mo muna akong lumaban nang mag-isa, Koy. Sana nakuha mo ang punto ko!" Dinampian ko ng halik ang kanyang labi. Tumango naman siya.
Bumalik ako sa bodega kung saan naroon si Keith. May nakita akong patpat na sinlaki ng bisig ng bata, dinampot ko iyon dahil alam kong may malaki iyong maitutulong.
Hindi ako tumuloy sa pagpasok. Sa halip, nagtago ako sa likod ng mayayabong na halaman upang manmanan ang mga ikinikilos ni Keith at kapag makahanap ng tiyempo saka ako susugod.
Madilim na ang buong paligid. Tanging ang ilaw na nanggagaling sa isang poste sa may di kalayuan at maliwanag na sikat ng buwan ang nagbibigay ilaw sa paligid. Nakita ko si Keith na medyo paika-ika pang lumabas ng pinto. Hawak nito ang dalawang baril.
"Gusto n'yo pala ang taguan ha, pwes ako ang taya. At sa oras na makita ko kayo...."
Bang!
Ipinutok niya ang baril. Mukhang alam niyang hindi kami nakalayo at nagtatago lang sa paligid. Pasipol-sipol pa siya habang tinungo ang direksiyon sa pinagtaguan ko kay Lukas. Maingat akong sumunod sa kanya at no'ng makalapit ako, hinampas ko sa kanya ang hawak kong patpat sa kanyang batok. Natumba siya sa lupa at sinamantala kong kunin sa kanya ang dalawang baril.
"Isang maling galaw mo lang, sabog iyang bungo mo" Pagbabanta ko. Itinaas niya ang dalawang kamay habang nakahiga sa lupa.
"Akala ko ba ako ang taya sa larong ito, hmm?"
"Tapos na ang laro Keith. At sa pagkakataong ito, talo ka na!"
"Ganun ba? Hindi man lang ako na-inform. Sayang naman, hindi pa ako nag-eenjoy eh!"
"Tayo ka!" Utos ko sa kanya. Sumunod din naman siya sa akin sapo ang kanyang batok.
Mukhang hindi naman siya gaanong nasaktan sa paghampas ko sa kanya kung kaya'y naging maingat ako. Inutusan ko siyang muling pumasok sa loob ng bodega. Balak kong igapos siya doon bago ako tatawag ng mga pulis.
Ngunit nang nasa bungad na kami ng pinto, di ko inasahan ang biglaang pagsipa niya sa kamay ko. Tumilapon ang hawak kong baril at doon nagsimula ang aming sagupaan. Kamao sa kamao lakas sa lakas. Nagamit ko rin sa wakas ang mga itinuro sa akin ni Lando, ang basic sa self defense noong nasa Bilibid pa kami. Kahit papaano nakakasabay ako sa lakas at bilis ni Keith sa pakikipagmano-mano.
Subalit sadyang may maibubuga siya kumpara sa akin. Bagama't natamaan ko siya sa mukha subalit makatlong beses din naman niyang naibalik iyon sa akin. Putok ang aking mga labi.
Dinaganan ko siya. Nagpagulong-gulong kami sa damuhan hanggang sa bumangga kami sa katawan ng isang puno. Maswerteng ako iyong nasa ibabaw niya. Inuupuan ko ang kanyang dibdib. Inipit ko sa pamamagitan ng aking dalawang tuhod ang magkabila niyang bisig. Nahihirapan siyang kumilos. Pinagsusuntok ko ang kanyang mukha hanggang sa tumilamsik ang masaganang dugo.
Nang ibigay ko na sana ang panapos kong suntok, hindi ko namalayang may hawak na pala siyang bato na palihim niyang nakapa sa kung saan habang nasa kasagsagan ako ng panununtok sa kanya. Inihampas niya iyon ng malakas sa aking ulo dahilan para umikot ang aking paningin. Tumagas ang maraming dugo. Nakita kong nagtatakbo si Keith patungo sa may pinto ng bodega at hinagilap ang mga tumilapong baril. Bago pa man niya iyon matagpuan ay minabuti ko ng tumakbo kahit naramdaman ko na ang matinding pagkahilo. Ngunit,
Bang! Bang!
Dalawang bala ang tumama sa aking likod. Humandusay ako sa damuhan. Unti-unti nang bumabalot sa akin ang dilim subalit pilit ko iyong nilalaban sa adhikaing muling makita si Lukas kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon.
Sinikap kong gumapang patungo sa kinaroroonan ni Lukas. Nakita ko si Keith na dahan-dahang lumapit sa akin. Kinasa na naman niya ang baril. Itinutok niya iyon sa akin. Nanlilisik ang kanyang mga mata at talagang desidido na siyang patayin ako. Pumikit na lang ako habang hihihintay ang balang magpabagsak sa akin nang tuluyan.
"Huwag N'yo pong pabayaan si Lukas at ang pamilya ko Diyos ko!" Ang naiusal kong dasal.
Isang putok ang aking narinig. Ilang saglit pa'y narinig ko ang tunog ng pagbagsak ng katawan ng isang tao. Nang idilat ko ang aking mga mata, nakita kong hawak ni Lukas ang isang baril at si Keith namay nakahandusay sa lupa.
Paika-ikang lumapit sa akin si Lukas. Bagamat malabo na ang aking paningin gawa ng pagtagas ng dugo mula sa aking ulo, nasipat ko pang halos simputi na ng papel ang mukha ni Lukas dahil marami na ring dugo ang nawala sa kanya.
Pinunit niya ang puti kong longsleeve na nagkulay pula na dahil sa dami ng dugong bumulwak mula sa akin at iyon ang ginamit niyang pamabalot sa aking sugat.
"M-mukhang hi-hindi na a-akoo magtatagal, K-Koyyyy. Ma-masaya a-ako kahit papaano na mu-muli kitang nakasama ba-bago ko li-sa-nin ang mmmundong itooo. A-alagaan mo sana ang iyonng sa-sarili. I-ikaw na-narin ang ba-ha-la kina Inay at sa mga ka-kapatid ko. Tandaan mong i-ikaw lang ang lalaking mi-mina-hal ko nang h-husto!" Ang putol-putol kong pahayag.
"Huwag kang magsalita ng ganyan, Koy. Hindi ka mamamatay. Mahal mo ko diba? Kaya hindi mo ako pwedeng iwan. Babalik pa tayo sa hardin ng mga gamugamo, Koy. Doon tayo mamuhay at magsasama hanggang sa tumanda tayo. Sikapin mong labanan ang kamatayan. Gusto ko pang bumawi sa'yo, Koy. Andami ko pang pagkukulang sa'yo na hindi ko pa natutugunan!"
Niyuyog ako ni Lukas upang hindi tuluyang makatulog. Nakita ko ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Kahit sobrang mahina na, sinikap kong pahirin iyon gamit ang aking mga kamay. Hinalikan naman niya ang aking noo at panay ang pakikiusap niyang lumaban ako. At habang nasa ganoon kaming ayos narinig namin ang malakas na sigaw ni Keith. Talagang ang masamang d**o ay matagal mamatay.
"Papatayin ko kayong mga tang-ina kayooo!"
Sa halip na tumayo si Lukas upang harapin si Keith at unahan itong patamaan ng bala, minabuti na lamang niyang yakapin ako ng mahigpit. "Koy, ano iyang ginagawa mo? T-tumakas ka na, iligtas mo ang sarili mo"
"Kung di rin lang kita makakasama, mas mabuti nang sabay na tayong mamatay, Koy. Sa kabilang buhay na natin ipagpatuloy ang pagmamahalang ating nasimulan dito sa lupa. Doon, wala ng maaring humadlang pa sa atin!"
Nakita kong ipinikit niya ang kanyang mga mata at hinihintay ang pagtama ng bala mula kay Keith subalit,
"Tang-ina, bakit sinangga mo ang bala?" Bulalas ni Keith. Sabay kaming lumingon para makita kung sino ang tinutukoy niya at laking gulat namin na si Ricky iyon, iniharang niya ang kanyang katawan sa amin.
"Itigil mo na 'to Keith. Hindi ako makakapayag na saktan mo ang mga kaibigan ko. Hindi ka naman dating ganyan diba? Nakikiusap akong bumalik ka na sa dating Keith na minahal ko. Iyong mabait, matino at matulungin sa kapwa!" Pakiusap ni Ricky habang nakaharang sa amin. Nagsisimula ng tumagas ang dugo sa kanyang tagiliran.
"Mahal mo lang ang lintek na gwardiyang iyan kaya nagawa mong magpakabayani. Bakit ang dali lang para sa inyong makahanap ng taong nagmamahal samantalang ako, kahit ni isa, wala? Ibinibigay ko naman ang lahat ng meroon ako? Hindi naman ako naging maramot? Bakit pati sarili kong mga magulang ay hindi ko naramdaman ang kanilang pagmamahal?" Ang paghihinagpis ni Keith. Nasipat kong nakatutok pa rin ang baril nito kay Ricky.
"Mahal ka ng mga magulang mo. Kaya nga gusto nilang makumbinse kang magpagamot. Walang sinumang magulang na gugustuhing makitang napapariwara ang kanilang mga anak. Bakit hindi mo buksan ang iyong puso at sila ay unawain at nang mauunawaan ka rin nila..."Saglit na tumigil si Ricky. Mukhang iniinda na niya ang pagkirot ng kanyang sugat.
"...At sa sinabi mong walang taong nagmamahal sa'yo, nandito pa naman ako. Bagama't nagawa kong mahalin si Lukas pero narealised kong mahal pa rin pala kita at nakahimlay ka parin sa malaking bahagi ng aking puso. Bitawan mo na 'yan Keith, sumuko ka na. Nandito naman ako handang dumamay sa'yo!"
"Sinungaling. Akala mo ba madadala ako sa mga sinasabi mong iyan? Kung talagang minahal mo ako, bakit mo ako iniwan noon? Bakit mo ako ipinagpalit sa baklang Russian na iyon gayung may pera naman ako? Alam mo bang isinuko ko ang lahat huwag ka lang mawala sa buhay ko?"
"Sinunod ko lang ang utos ng iyong mga magulang. Napag-isip-isip ko lang na kapag patusin ko ang Russian na 'yon, mapapantayan ko na ang yaman ninyo. Kapag nagkaganun, hindi na ako mahihiyang haharap sa mga magulang mo subalit nang mamatay si Mikael at bumalik ako ng bansa para muli kang makuha, isang sulat ang ibinigay sa akin ng mga magulang na galing daw sa'yo.
Sabi sa sulat, hindi mo na raw ako mahal dahil may mahal ka ng iba, isang babae na siyang bubuo sa'yong pangarap na magkaroon ng pamilya at mga anak. Kasalakuyan kayong nasa Amerika habang pinoproseso ang inyong kasal. Buong akala ko sa'yo galing iyon kaya kahit masakit sinikap kong mag-move-on. Ngunit nang mapag-alaman kong naging kayo ni Mario, doon ko napagtantong gawa-gawa lang ang sulat. Subalit hindi na kita nagawang gambalain pa dahil batid kong nagmahal ka na nang panibago. Kaya Keith, ibaba mo na yan. Alam ko na katulad ko, may puwang pa rin ako diyan sa puso mo. Bakit hindi tayo magsimulang muli. Ngunit kung sa tingin mo, wala na akong pag-asa sa'yo, iputok mo ang baril na yan dahil nakahanda na rin akong mamatay kasama ng mga kaibigan ko!"
Binuhat ako ni Lukas. Nag-alala marahil na baka itutuloy ni Keith ang pamamaril sa amin kaya habang may kunting pagkakataon pa, kinailangan na niyang mailayo ako sa lugar na iyon.
Sinikap ko namang ibuka ang aking mga mata kahit bumigay na ang aking mga talukap. Nakita ko ang dahang-dahang pagbulwak ng mga luha ni Keith hanggang sa yumugyog ang kanyang balikat.
Unang beses kong nakita siyang umiiyak nang ganoon. Kaya ang galit na aking naramdaman para sa kanya ay napalitan ng pagkahabag. Naisip kong hindi rin biro ang kanyang pinagdaanan lalo na nang malaman ko ang kwento ng nakaraan nila ni Ricky.
Ang kaninay malatigre niyang itsura ngayon tila isa ng maamong pusa. Ewan, biglang nanlambot ang puso ko sa nakikitang pag-iyak niya at kahit hindi pa siya personal na humingi ng kapatawaran, nagdesisiyon na kaagad ang puso ko na siya ay patawarin.
Sa kabila ng kasamaan niya, hindi ko maitatwang utang ko pa rin sa kanya ang buhay ng aking kapatid na si Leny. Kung hindi dahil kay Keith, paniguradong hindi na naka-survive ang aking kapatid sa sakit na kanser.
Nagkatitigan kami ni Lukas. Batid kong pareho lang kami nang nararamdaman. Nang magawi ang tingin ko sa may kalsada ay nakita ko ang paparating na mga pulis kasama si Mateo. At bago pa tuluyang nakalapit si Keith sa aming kinaroroonan, tinadtad na siya ng bala ng mga pulis. Huli na ang aking mga sigaw. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Kasabay ng pagbagsak niya sa lupa ay siya ring pagkawala ng aking malay.
Pagkalipas ng anim na buwan natuloy din ang kasal namin ni Lukas. Hindi na sa Baguio kundi sa bagong bahay na aming ipinatayo sa tapat mismo ng puno na pinamamahayan ng mga gamu-gamo kapag sumapit ang gabi. Ngayon sigurado akong wala ng hahadlang pa sa amin. Magiging buo narin kami ng tuluyan matapos ang unos na humagupit sa amin. Abot-langit ang aking ngiti habang naglakad papunta sa ginawang altar sa silong ng puno na kung saan nagsisimula ng umilaw ang mga gamu-gamo sa itaas ng puno. Napagkasunduan kasi namin ni Lukas na alas-sais ng dapit hapon idaos ang aming kasal para makasaksi ang mga gamu-gamo sa aming pag-iisang dibdib. Nababanaag sa mukha ni Lukas ang labis na kasiyahan habang ako'y papalapit sa kanya. Napakagwapo at kisig niyang tingnan sa suot na tuxedo. Naibulong ko sa sariling pakamamahalin ko ang taong ito habang ako ay nabubuhay.
Matapos naming magpalitan ng I Do ay isang mainit na halikan ang aming iginawad sa isa't isa sa harap ng mga dumalo na noo'y hindi magkamayaw sa nararamdamang kilig. Naroon ang aming mga magulang at kapatid na todo ang suporta sa amin. Mga kasamahan sa trabaho, empleyado ng rancho at mga iilang malapit na kaibigan.
Of course, naroon si Gina na ipinagpilitam ang sariling maging maid of honor kahit pareho naman kaming groom na ikakasal kasama ang boyfriend niya. Naroon rin si Mateo, si Al at ang partner nitong si Louie. Matapos ang seremonya ay nagkaroon ng isang magarbaong salo-salo sa bahay lang din namin mismo. At habang kasalukuyan kaming kumakain ay humabol pang dalawang panauhin.
"Halika na rito. Nahihiya pa ang isang 'to eh hindi naman iba sa amin!" Si Ricky iyon kasama ang nahihiyang si Keith. Napag-alaman naming kalalabas lang nito ng Rehab at dumaan sa maraming gamutan at sa awa ng Diyos gumaling na.
Hindi na kami naghabla ng kaso. Sapat na ang mapawalang sala ako at malaya na nang tuluyan. Ngunit nag-insist si Keith na magpakulong para raw makabawi sa malaking atrasong nagawa niya. At pagkatapos ng aming kasal deretso na siya sa bilibid upang pagbayaran ang kanyang mga kasalanan.
"Congrats sa inyong dalawa Mario at Lukas. Napahanga ako sa inyong dalawa. Uulitin ko ang paghingi sa inyo ng patawad!"Lumuluha siya habang nakayakap sa amin.
"Matagal ka na naming pinatawad, Keith. Kaya wala ng dahilan pang ipakulong mo ang iyong sarili dahil hindi naman kami naghabla ng kaso!" Wika ko.
"Hayaan n'yo na ako sa gusto ko. Kahit na sa paraang iyon makabawi man lang ako sa inyo. Nang dahil sa inyong dalawa nakilala ko ang tunay na diwa ng pag-ibig. At muling napagdugtong ang naudlot naming pagmamahalan nitong si Ricky Boy ko. Magpapakabait ako sa loob at sigurado akong mabibigyan din ako ng parole. " Ang tugon naman niya. Nag-group hug kaming apat. At biglang,
"Pasali naman mga sis!"
Nakisali na rin si Gina, ang nag-iisang babae sa aming apat ngunit daig pa ang bibig ng isang bakla kung kumuda.
Matapos ang yakapan naming iyon ay tinawag si Lukas ng host para mag-alay ng awitin para sa akin. Una niyang kinanta ang ORDINARY SONG na siyang themesong namin simula pa noong aming kabataan. Napaluha naman ako ng bumalik sa aking ala-ala kung paano kami nagsimula sa aming munting baryo. Nagsimula lang iyon sa isang suman hanggang sa nauwi sa isang pag-iibigan na sinubok ng kapalaran at sa huli, naging kami rin naman.
Matapos niyang kantahin iyon ay may sumunod pa at bago niya iyon sinimulan hinila niya ako sa gitna upang sabayan siya. At dahil sa alam ko naman ang susunod niyang kakantahin tumalima na ako at isang duet ang naganap. Palakpakan ang mga tao ngagsimula ang intro.
I thought some time alone
Was what we really needed
You said this time would hurt more than it helps
But I couldn't see that
I thought it was the end
Of a beautiful story
And so I left the one I love at home to be alone, alone
And I tried and found out this one thing is true
That I'm nothing without you
I know better now
And I've had a change of heart
I'd rather have bad times with you
Than good times with someone else
I'd rather be beside you in a storm
Than safe and warm by myself
I'd rather have hard times together
Than to have it easy apart
I'd rather have the one who holds my heart
And then I met someone
And thought he could replace you
We got along just fine
But wasted time because she was not you
We had a lot of fun
Though we knew we were faking
Love was not impressed with our connection built on lies, on lies
So I'm here 'cause I found this one thing is true
That I'm nothing without you
I know better now
And I've had a change of heart
Sa isang mainit na halikan nagtapos ang awiting iyon.
"I oove you, Koy!" Wika ko kay Lukas.
"I love you more, Koy. Utang ko sa'yo ang buhay ko!" At muling naglapat ang aming mga labi. Nag-uumapaw ang saya na aming nararamdaman sa panahong iyon.
Kapag nagmahal ka, hindi lamang puro sarap ang iyong mararanasan. May mga pagkakataong susubukin kayo ng pagkakataon.
Ngunit kung kayo ang itinakda, makailang ulit man kayong bayuhin ng mga unos kayo pa rin ang siyang magkakatuluyan sa huli. Walang sinuman ang makakapaghiwalay sa inyo kahit na ang kamatayan man.
Ngayon, masaya na kaming nagsasama ni Lukas. Napatunayan naming walang kinalaman ang gender orientation o expression para makamit ang kaligayahang inaasam. Maging malawak lang ang ating puso at isipan. Ang pag-ibig ay para sa lahat. Ipunla natin ito at palaguin.
-Wakas-