Chapter 2 - The Kiss They Shared

1676 Words
She was totally shock! Idaan pa na lumamig ang simoy ng hangin at pakiramdam niya nagsasayawan ang bituin at buwan sa paningin niya. Bakit wala ito kanina nung siya ang humalik dito... Wait, he's kissing her and reality hits her! Nagpumilit siyang kumawala pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa kaniyang beywang at mas lalong dumiin ang halik nito. Oh my, his kiss tastes like heaven at nanghihina ang mga tuhod niya. Naramdaman niya ang sariling tumugon pero bago pa man niya tinugon ito, bigla na itong bumitaw at nakangising dumistansya sa kaniya. “I'm taking back the kiss you stole. Goodbye, Ms. Fierce Red.” Tumalikod na ito pabalik sa sasakyan.  Habang siya ay napatulala. Kung hindi pa siya nilapitan ni Sheena at hilahin ulit hindi pa bumalik ang utak niya. Totoo ba 'yon? “What was that Lianne Elhuoette Vergara!!!” matinis ang boses na tili nito nang makapasok ito sa loob ng kotse. “Hayop! The great Zyd Caiden really kissed you. Oh my! Good thing I did some couple shots of you two. It's mind blowing! We need to get home. Mababaliw ako sa kilig bakla ka!”  Habang siya ay nakatulala lang at napahawak sa labi. Totoo? Hinalikan siya nito? Letse! Ang puso niya, ang puso niya sabi, eh! Wala na siya sa katinuan. Ano raw? Binabawi ang ninakaw niyang halik? Letse! Bakit subra ang bawi nito? Bakit pati puso at katinuan niya?! Ano na ang gagawin niya nito? Nawala na nang tuluyan ang puso niya. Gusto niyang magwala pero masyado siyang okupado sa kaiisip sa mukha ng binata at sa halik na ginawad nito sa kaniya. Ramdam pa niya ang malakas na brasong nakahawak sa kaniyang beywang at ang labing umangkin sa kaniyang labi. Hail Mary! Sinampal niya ang sarili. Wala na talaga siyang pag-asang makapag-move on nito. Shutaa! Paano ako mag-move on nito? Bwesit ka talagang Zyd ka!  Isang kurot ang inabot nilang magpinsan sa ante niya nang mauwian sila nito kinabukasan. Kagagaling ito sa seminar sa ibang lugar kaya malaya silang nakapag-bar hopping ni Sheena. “Aray ma, ano ba 'yan! Ang sakit ng singit ko,” reklamo nito habang siya ay natawa. Nakapameywang naman ito. “Explain niyo sa'kin dalawa itong video na kumalat ngayon sa social media.”  Mas mabilis pa sa kidlat na napabangon silang dalawa at lumapit sa ginang saka nag-agawan sa cellphone nito. Anong videong kumalat? Wala naman siyang video scandal, mas lalo wala siyang—— Oh God! Napakagat labi siya nang makita ang paghalik niya sa binata at sa pagsampal niya ng malakas. Buti, medyo madilim kaya hindi masyadong kita ang hitsura niya pero nung tumalikod na siya para lumayo, nahagip ng ilaw ang kaniyang hitsura at kahit may kakapalan ang kaniyang make-up, alam niyang makikilala siya ng tiyahin. "Um... ma, actually po..." nakangiwing saad ni Sheena at kinakabahan napatingin sa kaniya. Napakamot siya ng ulo. Nasa 2 million views na ang naturang video habang ang caption ay nagpainit sa kaniyang ulo. Ms. Red Stalker kissed our Capt. Zyd Caiden McCluskey!!! Grabeng caption, ah. Damang-dama niya ang inggit nang sino man nag-post nito. Stalker talaga, siya? Nagnakaw talaga, siya? God! Hindi ba pwedeng siningil niya lang ang utang nito? Mga tao talaga. Instant famous na siya yata nito. But so what? “Bata ka!” Kinurot siya ng tiyahin sa teynga. “Ano ba ang pinaggagawa niyo ni Sheena? Naku, hindi ko naman kayo pagbabawalan kasi matatanda na kayo pero ang nakawan ng halik at sampal itong lalaking ito na halos sambahin ng mga kababaihan rito sa Pensylvannia, ibang usapan na iyon bata ka! Hay naku, pinapataas niyo ang dugo ko! O siya, magpahinga na ako. One month kayong grounded at walang bar hopping mangyayari.” Saka ito tumalikod. Umatungal naman ang pinsan niya na parang pinutulan ng kaligayahan maliban sa kaniya. Bumalik siya sa kama at padapang humiga. May make up kasi siya kagabi plus nakainom pa kaya malakas ang loob niya, pero ngayon? Wait, saan ba ang cellphone niya? Isang hampas kay Sheena ang nagpabalik ng kaniyang isip. “Grounded tayong babae ka.” Umirap ito at padapang tumabi sa kaniya. "Nakita mo ang cellphone ko? Hindi ko——" napatigil siya nang maalalang padaskol na binigay pala niya iyon sa lalaki. Napabangon siya at napasabunot. Ayan, katangahan mo, Lianne!  "Ano? Nakalimutan mo na, no? Binigay mo lang naman iyon kagabi sabay walk out na parang nag-fashion show lang, eh, no?" pang-aasar nito. Natampal niya ang sarili sa subrang kagagahan. Hinding hindi na siya aapak kahit anong bar. Nagkatrauma na yata siya ngayon. Bakit? Bakit! Bakit niya binigay? Hindi naman siya si Santa Claus, pakshet!  Habang si Sheena naman, tila kinikilig na tiningnan ang phone nito. Hindi siya nakapagtiis, tiningnan din niya upang mapasabunot ulit sa kaniyang magulong buhok. Mga larawan nila ni Zyd nung nasa gitna sila ng daan. Para silang artistang dalawa na naghahalikan sa kanilang bagong movie. “s**t insan, sikat na sikat ka na! Trending na trending ang beauty mong lukaret ka.” tumatawang saad nito nang mag-open ito ng twitter account. Tama nga ito, instant sikat nga siya. Buti walang nakapagvideo rin nung sa daan sila. Hindi lang iyon, may stolen shot na kuha sa kaniya ang nakapost sa twitter na ang sama ng caption laban sa kaniya. For goodness sake, napakaganda niya sa stolen shot na iyon, parang nagmodel lang siya ng buhok at damit. Bwesit! Nagtakip siya ng unan sa mukha at pinilit na kalimutan ang nakakahiyang pangyayari sa buhay niya. Babawiin na lang niya ang kaniyang ganda bukas. SPRING season sa Canada kaya naman simpleng white summer dress at sneaker ang isinuot niya na pinatungan niya ng maong na jacket. Naka-braid style lang ang kaniyang buhok at tanging liptint lang ang kaniyang linagay. Sa pag-iisang buwan niya rito, alam niya na kahit papaano ang papasikot sa bawat kalye at lugar kaya naman kampante lang ang tiyahin niya na umalis siya. Plano niyang maghanap ulit ng trabaho ngayon araw pero ipagbubukas na lamang niya. Pupunuin lang niya ng good thoughts itong pag-iisip niyang nilumot na yata. Hayy, buhay!  Dala ang paboritong libro, umupo siya sa isang swing na may kalayuan mula sa dagat. Ang banyagang lugar na ito ay nagbibigay ng saya sa dibdib niya. Marahan siyang napahigit ng hangin saka inalog ang swing ng marahan. Mataas ang sikat ng araw pero dahil nasa ilalim naman siya ng malaking puno kaya ang malakas na hangin lang ang nararamdaman niya. Sinimulan niyang buksan ang libro at nagbasa. Sa kanang kamay niya ay isang instant coffee na binili lang niya sa isang convenient store sa tabi. Nasa kalagitnaan siya ng kaniyang pagbabasa nang mapansin ang dalawang pares ng sapatos sa kabilang swing na katabi niya mismo. Sandali siyang napatigil at nagtaas ng tingin para tingnan kung sino iyon. Namula ang kaniyang mukha nang makita kung sino ito. Isa lang naman greekgod ang nakaupo ro'n at tila nagpapahinga. Halatang kaka-jogging lang dahil basa ang suot nitong sando sa pawis at may hawak itong bottled water sa isang kamay. Mabilis niyang binalik ang kaniyang atensyon sa pagbabasa. Wala siyang pakialam sa mga naggagwapuhan lalaki dito sa Canada pero minsan hindi niya rin mapigilan hangaan ang mga kagwapuhan ng mga ito. Kung ganito sana ang kagwapuhan ng taga Pinas. Ano na lang siguro ang mangyayari. “Hej, du slapper det har.” Hey, you drop this. Napatingin siya rito nang magsalita ito sa lenggwaheng hindi niya maintindihan. Nakita niyang inabot nito sa kaniya ang kaniyang key chain na Pittsburgh Penn. Naalala niya, ganito pala siya kabaliw dati kay Zyd at bumili pa talaga siya ng keychain sa pangalan ng team nito. Ang sarap murahin nito ng sampung beses! Pero dahil hindi naman siya gano'n kaya tinanggap niya ang inaabot nito sa kaniya saka niya mabilis na tinago sa bag. “Ar du en filipina? Och jag tror att du ar fan av Pittsburgh Penn.” Are you a filipina? It seems you're fan of Pittsburgh Penn. Pakshet! Nananadya ba ito? Halata naman na hindi siya nakakaintindi kahit isang salita. Magsuntukan na lang kaya sila?  “Sorry?” iyon na lang ang sinabi niya. Gusto pa niyang magbasa at wala siyang pakialam kung gaano ito kagwapo sa mga mata niya. Natawa ito at napakamot sa ulo. “My apologies. I thought, I was still on Sweden," ngumiti ito. "So, you're a fan of Pittsburgh Penn?" Hindi siya sumagot. Hindi naman siya fan, eh. May keychain lang ng team, fans agad? “Uh... Okay, gotta go. Bye!” Umalis na ito pero bago iyon lumingon pa ito sa kaniya at ngumiti ulit. "By the way, you're very beautiful." Napatanga si Lianne sa sinabi nito. Nag-loading saglit ang utak niya. Hindi na una sa kaniya ang sabihan ng maganda pero nakakailang pa rin kapag mga banyaga ang nagsasabi ng ganito. Umabot rin siya ng dalawang oras do'n sa swing bago nagpasyang tumayo at naglakad-lakad. Hindi naman siya takot mag-ikot mag-isa dahil kung ikompara sa Pinas, mas nakakatakot at delikado dahil naglipana sa bawat paligid ang. Mga holdupper at magnanakaw. Isali pa ang mga addict. Maghahanap ulit siya ng trabaho, this time ay ganado na talaga siya nang mula sa malayo ay may nakita siyang tila nagtatalo na magkasintahan. Binalewala niya iyon pero bigla rin siyang natigilan nang makita kung sino ang lalaki. Ang lalaking hindi umalis sa utak niya buong magdamag. Ang liit talaga ng Pensylvannia. Lihim siyang nagpasalamat sa sarili nang makalampas siya sa nga ito. Good thing at hindi rin siya natandaan ng lalaki at kahit gustong gusto niyang kunin ang cellphone dito, huwag na lang. Alam niya kung gaano kalaking kahihiyan ang ginawa pero hindi niya iyon pinagsisihan maliban sa halik na ginawad niya. Sising-sisi siya sa part na iyon. “I'm tired of our relationship, Zyd!” gigil na saad ng babae at dahil malakas ang kaniyang pandinig, narinig niya iyon. Napaismid siya. Dapat lang na mapagod ka talaga. Bwesit 'yan lalaking 'yan. Malandi! Hindut! Gusto niyang umeksina pero hindi niya ginawa, pasimple lang siyang nakikinig. “Come on Kate——”  Napaikot siya ng eyeball. Mga galawan ng mga hayop! Madapa ka sana.  “You never answer my call, Zyd! Glad, your bestfriend Kodi, told me you were here!”  “Yeah...” “I saw that f*****g video of you kissing someone at the bar. Who is she?”  Nagtaas siya ng kilay at nagpasiya ng hindi makinig sa pang-aaway ng mga ito. Baka masali pa siya at hindi niya mapigilan umeksina talaga. Sige mag-away kayo mga hayop! Gusto niyang sumawsaw sa pag-aaway ng mga ito pero naglakad na siya palayo. Nanggigil siya, eh. Gigil na gigil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD