Nalilito siya nang gabing iyon kung ano ang lutuin. Hindi rin nagsabi ang lalaki kung ano gusto nitong dinner kaya siya na ang nagpasya para sa lulutuin. "Lula, you think he'll like Baked Chicken with Ginger-Scallion Sauce and Calamansi Fish Fillets?" baling niya sa golden retriever na nababagot na naghihintay sa kaniya. Tumahol naman ito at napatango siya. Dapat daw with love ang paghahanda niya para masarapan si Zyd sa kaniyang lulutuin. Galing din ni Lula mag-advice, nakakapanghina ng loob. Alam niyang hindi siya kasarapan magluto, minsan nga maalat pa parang dagat pero marunong siyang sumunod ng recipe. Well, bahala na! Mabilis siyang naghalungkat sa two door refrigerator. Napangiti siya! Tamang-tama, makakapaghanda siya ng scrambled eggs and pasta. Wala siyang makitang ingredients