Chapter 2

1261 Words
“Ganito lang kasi 'yan,” umayos ng upo si John, kaibigan ko, sa aking harap at tiningnan ako ng seryoso pati na rin si Leo. “Sundin mo lang 'tong anim na utos ni Leomord at tiyak na lulubayan ka na ng babaeng iyon.” Proud na proud niyang tinapik sa braso si Leo habang ako naman ay nagdadalawang isip kung dapat ko bang pakinggan ang sasabihin nila o dapat bang umalis na lang ako rito After that day, nagsimula nang masira ang mundo ko. Kahit saan ako mapunta, may isang itim na salami lagi akong nakikita. Laging nakabuntot sa akin si Kawali o Kawari depota. Nagawa niya pang mapasama ako sa bookstore para pagbuhatin ng mga pinamili niya! Hayst. “Ika-unang utos,” wika ni John na sinundan naman ni Leo. “Sabihin mo sa kaniya na ayaw mo sa kaniya—na ayaw mo siya... na hindi ka intiresado.” Nag-unat muna ako ng aking mga braso bago ako magsalita, “Nagawa ko na 'yan. Anong sunod?” “Ikalawang utos!” “Huwag kang magpakita ng interes sa kaniya. Iwasan mo lang siya at 'wag pansinin. Mababagot din 'yon.” Medyo nabuhayan ng kaunti ang aking dugo dahil sa suhestyong iyon. ———— “That's it for today. You may eat your lunch. See you tomorrow,” pagpapa-alam ng aming guro. Inayos ko ang mga librong nakakalat sa aking lamesa saka ko kinuha ang aking phone at earpods. Tatayo na sana ako nang bigla kong marinig ang isang pamilyar na boses. “Naandiyan pa po ba si Calum?” wika ng isang mahina at maliit na boses. Saktong-sakto. Tumayo ako saka naglakad papalapit sa pintuan. Nakita ko si Kawari na nakatayo sa labas habang nakatingin sa akin. “Calum, sabay na tayong k-kumain sa—” Boom. Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nagdireretso lang ako palabas. Natabig ko pa nga siya habang iniiwasang makipag-eye contact sa kaniya. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko at alam kong nasa likod ko lang siya. Lumiko ako papasok sa cafeteria at ganon din siya. “Anong kakainin mo?” tanong niya habang kami ay nasa pila ngunit hindi ko siya sinagot. Nagkunwari akong hindi siya naririnig dahil sa earpods na suot ko. “Hintayin mo na ako, malapit na rin maluto 'yung akin,” bilin niya nang makuha ko ang order ko. Ulul. Ba't kita iintayin? Hindi ko siya pinansin at dumiretso na sa isang lamesa na may dalawang bakanteng upuan. Sinimulan ko ang pagkain ko. Halos nangangalahati na ako nung napansin kong wala na si Luna. Tinamad na siguro kakasunod. Mukhang effective naman pala ang mga mokong na kaibiga— “Hindi mo man lang ako hinintay e.” Napatigil ako sa pagnguya bago ako dahan-dahang tumingala. WTF? “Pa-upo ako ha.” pagpapa-alam niya. Hindi pwede! Agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Naghahanap ng tamang... Ayos! “Dito ka na umupo!” sigaw ko sa isang babaeng naghahanap ng bakanteng upuan sa may likod ni Kawari. Tumingin siya sa akin at namilog ang mata niya. Itinuro niya pa ang sarili niya na para bang tinatanong niya ako kung siya ba ang kausap ko. Tumango naman ako at binigyan siya ng isang pekeng ngiti. Agad na naglakad ang babaeng iyon papalapit sa akin. “Beh, tabi diyan. Tinawag ako ni Calum,” utos niya kay Kawari. Walang nagawa si Kawari. Hindi niya na natuloy ang pag-upo niya. Napayuko na lang siya at mabagal na naglakad palayo. “Wait.” Napatingin ako sa babaeng tinawag ko. Pinahinto niya si Kawari saka pinalapit sa kaniya. “Hindi bagay na umupo ang kagaya mo sa iisang table kasama si Calum. Dapat doon ka lang sa ka-level mo.” Isang ngiti ang kumurba sa aking labi. Haha she got the attitude. Sinimulan kong muli ang pagtapos sa pagkain ko habang pinagmamasdan si Luna na mawala sa paningin ko. Successful ata ang pangalawang utos a? ————— “Ano, pre? Kumusta naman ang ikalawang utos?” tanong ni John. Isang matalim na tingin ang ibinato ko sa kaniya at mukhang naintindahan niya ang ibig kong sabihin. “Pre, ginawa ko naman lahat. Hindi ko siya pinapansin kapag recess. Kapag nagpapasama siya sa bookstore. Tuwing lunch deadma lang ako. Taena walang epekto! Makikita ko na lang sa susunod na araw na nasa labas siya ng pinto ng room!” galit kong pagpapaliwanag sa kanila. Akala ko nung unang araw ng 'di ko pagpansin sa kaniya ayos na, pero sa unang araw lang pala. Lintek na 'yan! “No problem! May apat pang natitira!” pangchi-cheer up ni Leo. “Ikatlong utos!” “Gumawa ka ng mga bagay na sigurado kang kaa-ayawan niya. Mga bagay na bawas pogi points sa paningin ng mga babae.” “Kagaya ng?” ————— “Calum, mamayang 9 sa may plaza ha. 'Wag kang magpalate! :))” 'Yan ang pinadalang mensahe kaninang 7pm ni Kawari sa f*******: ko. At ngayon ay 11pm na. Talagang hindi ako magpapa-late dahil hindi naman ako pupunta diyan. Feeling jowa ampt. Ginawa pa akong katulong sa pagpili ng mga libro. Bakit parang masyado naman ata siyang feeling close at trying hard. Hindi naman ata normal 'yon. Kinabukasan ay hindi ko siya nakita buong araw sa school. Walang Luna sa umaga. Walang Kawari sa Tanghalian. Walang Luna sa uwian! Isang mapayapang araw! Nang sumunod na araw ay masaya muli akong pumasok sa school dahil walang Kawari na bumungad sa akin. Nakapag-recess din ako ng payapa. Pero pagdating ng lunch. Pota. “Ba't 'di mo man lang sinabi na hindi ka makakapunta?” tanong ng isang babae na may suot na makapal na salamin sa mata. “Wow. Jowa mo ba ako, Kawari? Hindi naman a? Paki-alam mo kung 'di ako pumunta?” pagtataas ko ng tono sa kaniya. Napayuko siya at nanatiling tahimik. I started chewing my food again but this b***h just wouldn't stop talking. “Hindi mo man lang ba tatanungin kung—” She flinched nang hamapasin ko ang lamesang kinakainan namin gamit ang kamay ko. Masyado atang lumabas ang galit ko dahil na-agaw din namin ang atensyon ng ibang students. “Alam mo?” Tumayo ako saka siya hinarap “Ikaw na lang kumain ng pagkain ko tutal lagi ka namang nakabuntot sa akin e. Aso ka ba?” Wala akong paki kung madaming mata ang nakatutok sa amin. Tinabig ko ang tray ng pagkain ko papunta kay Kawari. Nagsitalsikan sa kaniya ang mga laman nito. Habang naglalakad ako palayo ay nakarinig ako ng iyak pero nangingibabaw ang tawanan. May mga nagbubulungan din at ang iba'y binatuhan pa siya ng tira-tirang pagkain. “Sabi naman sa'yo girl, doon ka lang sa mga ka-level mo. Mga aso,” sigaw ng isang babae at nangibabaw ang isang malakas na tawanan. ————— “Damn, bro. The best ka talaga!” pagpuri sa akin ni Leo matapos kong i-kwento sa kanila ang buong pangyayari. “Mukhang sumakto ang tadhana sa'yo nung gabi 'yon. May dumaan daw na lasing na studyante sa kabilang school doon sa plaza. Ninakawan pa nga ata si Kawari e hahaha,” natatawang kwento ni John. “Sinong studyante 'yon. Kailangan ko humingi ng pasasalamat hahaha.” pagbibiro ko. “Sana nga lang lubayan ka na niya. Kalimitan kasi pagdating ng ikatlong utos mawawala na, sana si Kawari rin,” pananalangin ni John. Taena naman kung hindi pa siya titigil. Lupit naman ng babaeng 'yon. Patay na patay sa akin? “Kung sakali man na hindi pa ka pa rin niya lulubayan may susunod na utos pa naman.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Leo. Mukhang nasasayahan ako sa anim na utos na 'to a. Parang gusto kong masubukan lahat kay Kawari. “Show her your bad side. Hindi lang basta bad side. Show her violence. Ipakita mo 'yung halimaw na nakatira sa loob mo.” A wide evil smile curved in my lips. Mukhang masaya 'tong sunod na utos ah?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD