Halene
Two years later……
I woke up again with a heavy feeling. I looked up for that picture frame again. It is a picture of me and Joshua, together. “Good morning, Hon, nothing has changed” I said to the frame. Two years have passed already, ang bilis talaga panahon. Pagtunog doorbell ang nagpabangon sa aking higaan. Naghilamos muna ako bago ko tinungo ang pinto. Sinilip ko kung sino ang naroroon, hind nga ako nagkamali. It is Nessie. Sabado noon, at wala akong trabaho.
“Besh” bungad ni Nessie
“Mangugulo na naman?” pabiro kong tanong kay Nessie
“Naman!” natatawang usad ni Nessie. “Pero kidding aside, may gig ka mamaya?” Tanong nya sa akin. Mula kasi ng mailibing si Joshua, maliban sa tinadtad ko sarili ko ng mga trabaho ay tinuloy ko na ang kahiligan kong kumanta. Nakapasok ako sa bar ng pinsan ni Nessie, pinayagan ako nito mag gig tuwing Sabado ng gabi hanggang Linggo ng madaling araw. Ito lang ang aking paraan para maging okupado ang isip at hindi maalaala ang pagkamatay ni Joshua.
“Meron, lalaba lang ako at gagawa ng ilang drawings, bago pumunta sa bar” tugon ko dito.
“Great! Dito muna ako Samahan kita tapos sabay na tayo punta bar.”
“Nag paalam ka na ba sa boyfriend mo?” usisa ko
“Alam naman nya na na andito ako at pupunta ako dun. Tsaka busy yun, darating ung pinsan nya galling America, mag aasikaso ata. Sa kanila kasi tutuloy” sagot nito na pumunta na sa harap ng ref para kumuha ng makakain. “Sarap talaga ng libre noh? Alam mo ikaw kung hindi pa ako pupunta dito hindi pa mauubos laman ng ref mo…haha” tawa nito habang ngumunguya. Si Nika ang madalas magdala ng pagkain nya. Sinabihan na nga ito na huwag na gawin ang mga bagay nay un sapagkat okay na naman na sya. Ngunit mapilit ito at magaglit daw ang parents nito kapag hindi ginawa.
“Alam mo ng si Nika ang may bili ng mga yan.” at sinabayan nya ito sa pagkain. Si Nessie ang panay kuwento ng mga pangyayari sa buhay nya. Samantalang siya ay nakikinig lang. Wala rin naman siyang maishare kasi trabaho uwi lang talaga ang ginagawa nya.
Nagdrawing muna siya ng ibang mga plano habang nanonood ng Netflix si Nessie, kailangan na raw kasi ito ng isang kliyente nya na galling pang America na darating sa Lunes. Ang kliyente nya ay pinsan ng boyfriend ni Nessie. Nasimulan naman na nya ito at kaunting revises na lang. Ilalatag nya ito sa Lunes sa kliyente nila at hindi pa sigurado kung maapprubhan.
Nang matapos sya ay nagsimula na siyang maglaba, natapos siya ng bandang ala-singko ng hapon. Doon na nagising si Nessie sa pagkakasiyesta.
“Okay ka na besh? Aalis na ba tayo?” tanong ni Nessie.
“Maghanda ka na, pahinga lang ako kaunti tsaka ako maliligo”
“Okay” tipid na tugon ni Nessie at nagsimula ng maghanda..
As usual, madaling araw na natapos ang gig nya, hinatid nya pa si Nessie sa kanila dahil nasobrahan ng inom. Hindi na nya ito itinawag sa boyfriend nito sapagkat ayaw nya na mag-away pa sila. Sumakay na sya sa kotse. Tinangihan nya ang alok ng nanay ni Nessie na doon na magpaumaga. Nagdahilan na lang siya na may gagawin pa siya. Nagmamaneho na siya ng maalala niya ang araw ngayon.
It should have been our 8th anniversary now. And tears fall again. Naputol ang pagalala nya ng hindi nya namamalayan naka pula ang stop light nahuli na ng maapakan nya ang preno at sumalpok siya sa kasunod na sasakyan.
Bang. Malakas.