"Mildred's POV"
I was so happy that finally nakauwi nadin kami sa mansion ng mga willows, after one week na pag iistay sa hospital atlast nakalabas nadin kami,after that scenario na sinubuan ko si gray sa hospital mas lalo niya pa akong tinutukso tsk. Akala niya ata mafafall talaga ako sa kaniya he's not worth to love.
" Aries kailan pala ang birthday ni mich?" Tanong ko Kay Aries kasalukuyan Kaming nasa koi fish pond ngayon pinapakain namin ang mga koi na ito kasama itong si aries.
"Ahh next week po ma'am October 13" sambit ni Aries
"How about Gray kelan ang birthday niya ?" tanong ko ulit
"Si sir naman ay next week din October 11 " sambit ko, tumango naman ako bilang tugon magkasunod lang pala ang birthday nilang mag ama.
" Ma'am may itatanong po ako" seryusong sambit ni Aries
" Ano yun ?" Naguguluhan kung sambit
"Pag ba may ibang babae si sir nadadalhin dito masasaktan kaba ?" Ha ? As in yun Ang tanong niya hanep nagpapatawa ba siya ?
"HAHAHAHA anong klaseng tanong ba yan syempre hindi, sa papel ko lang siya pagmamay-ari but not in reality and it will never happen." Sambit ko
"Naloko na !" Asik ni Aries habang kinakamot ang kaniyang batok
"Bakit may problema ba ?" Sambit ko sa kaniya
" Wala ma'am , pero may pag asa ba si master sa iyo ?" tanong niya ulit napa isip naman ako
" Wala... pero...pwede rin kung maging mabait at mag paka anghel siya " sambit ko sa kaniya.
" Sorry to tell you but i won't do that !" Nabigla naman ako dahil sa pagsulpot ni gray sa likuran ko, anong klaseng tao ba siya at pasulpot sulpot nalang siya tsk.
" Ano kaba papansin ka !" Inis kung sambit,walang emosyon niya naman akong tinitigan
" So totoo na may pag asa ako ?" Tanong nito sakin, bumilog ang mga mata ko sa bigla,hala! nag aassume ba siya? joke lang naman yun.
" Assumero ka! joke lang naman yung sinabi ko Kay aries , Diba Aries ?" tumingin naman ako Kay Aries na halos umabot na ang mga ngiti sa kaniyang tainga.
"Ahh , oo.. oo" sambit nito ,binalik ko naman ang tingin ko kay gray
"Good!, buti naman at di mo ako pinagkakainteresan ayaw ko Kasi sa babaeng maarte at masama ang ugali " Madiin nitong sambit
" Swerte mo naman para pag ka interesan ko tsk, makaalis na nga dito!" Sambit ko sabay walk out naaalibadbadran ako sa kanilang dalawa narinig ko pang nagtawanan sila.
"ARIES POV"
Nagtawanan kami ni master dahil nagwalk out nalang bigla si ma'am Mildred, pikonin talaga ang mga babae psh.
Simula nung umuwi kami dito sa mansion nag iba na ang awra ni master di na siya mukhang matandang ulyanin nakasimangot lang kasi lagi yan at di makausap mukhang may nagkakadevelopan ah indenial lang siguro sila sa isa't -isa Buti naman kung ganun dahil mananalo ako sa deal namin ni master.
"Master !" Tawag ko Kay Master Gray papaalis na kasi ito.
"Oh, ano?" Tanong niya
"Naalala mo ba yung deal natin?" Sambit ko, kumunot naman agad ang noo niya
"Seryuso ba Yun?" Takhang tanong niya, Mukha ba akong nagbibiro ?
"Oo naman, hindi biro na gawin kung pamusta ang sahod ko ng isang taon master ano kaba! " agad kung sabi tumango tango naman siya
"Sa sinabi ni Mildred kanina mukhang panalo na ako" sambit nito tatango tango din ako at ngumiti ng nakakaloko , psh diyan ka nag kakamali master just wait and see.
" Ha! Wag kang pakampante master ingat ka!" Sambit ko
"Siya ang mag ingat" sambit nito Bago umalis nakangiti ako habang tinitingnan si master na papaalis na , kailangan ko ng simulan ang binabalak kung gawin humanda talaga kayo sakin.
"FLASHBACK"
Nung nasa hospital palang kami since maaga akong nagising kaysa kay master ay nagplano agad ako kung papaano ko paiibigin ang dalawang ito alam ko kasing ayaw na ayaw nila ang isa't isa ngunit dapat na pilitin, kung ayaw ng Tadhana aba di pwede ako dapat ang mag dedesisyon dahil sweldo ko ang nakasalalay dun!
Nag isip ako ng nag isip hanggang sa naisip ko si mich tama ! Kailangan ko si mich, agad ko namang tinext si mich.
To Mich:
"Punta ka dito may sasabihin ako sayo kailangan natin gawin to para sa mommy at daddy mo"
Yan ang message ko Kay mich Ilang minuto lang ay may kumatok sa kwarto ko masayang masaya akong binuksan ang pinto nakita ko naman si mich na nakangiti.
"Ano po yung gagawin natin, may surprise ba tayo?" Tanong ni mich hinila ko muna siya papasok sa loob baka kasi may makarinig sa Plano ko
" Mich Diba you hmm you o-observe diba na your daddy and the mommy of you ay nag-"
"Tagalogin niyo nalang po pinapahirapan niyo lang ang sarili niyo" sambit nito ,talagang namana ata ni mich ang utak ni gray pambihira di ba naman ako pinatapos ganitong ganito din si master gray sakin.
" Ano Kasi ang mommy at daddy mo hindi sila nagbabati diba napapansin mo Yun?" Sambit ko tumango naman si mich at sumang ayon sa Sinabi ko
"Oh Ngayon dahil nga lagi silang nag aaway dapat pag batiin natin sila " sambit ko
" Okay po ano ba ang dapat nating gawin ?" Tanong ni mich sakin , umandar naman ang kapilyohan ko
"Pag nakauwi tayo sa mansion bibili tayo ng mga bulaklak tsaka ibibigay natin sa mommy mo kunyari na galing sa daddy mo at bibigyan din natin siya ng mga sweet message" nakangiti kung sambit
"Sige po kahit ano pong gagawin niyo about Kay mom at dad upang mag kabati sila count me in po " nakangiti nitong sambit, ayus talaga tong si mich
" Apir nga tayo, Buti kapa gets mo agad ako" sambit ko nag high five naman kami
"END OF FLASHBACK"
Nakangiti naman akong umalis sa fish pond at tinawagan na ang delivery driver kung asan na ba siya kanina pa ako andito.
"Hello, asan kana ba ?" tanong ko
"Sir, papunta palang traffic kasi" sambit nito, nakakunot na ang noo ko dahil sa sobrang tagal ni manong driver pambihirang traffic naman yan panira ng Plano ko
" Sige po pakibilisan po ha mainipin po Kasi Yung babaeng bibigyan ko niyan e " sambit ko
"Sige po" wika niya pinatay ko na ang telepono at agad na nagtungo sa kwarto ni mich para ipaalam sa kaniya na kailangan na naming isagawa ang mga plano namin, dali dali akong pumunta sa kaniya ng makarating na ako ay nakita ko ang isang maid ni Mitch na may kausap sa telepono.
" Yes ma'am she's alright " sambit nito nakatalikod ito kaya hindi niya ako nakikita nakaawang lang Kasi ang pinto sa kwarto ni mich e
" Kailan po ?" wika niya ulit nacurios ako kung sino ang kausap niya kaya nakinig lang ako.
" Sige copy" sambit nito at binaba na ang telepono nagkunwari naman akong bumalik sa hagdan upang di niya mahalata na nakikinig ako sa kaniya.
" Asan si mich " tanong ko sa kaniya nagulat naman siya.
"A-ah naglalaro po sir nasa play house niya " sambit nito tumango naman ako, pumasok na ako sa loob ng kwarto ni mich at nagtungo agad sa play house niya
" Mich" tawag ko kay mich agad naman siyang lumingon sa kinaroroonan ko
"Po?" sagot niya naexcite naman agad ako at umupo sa play house niya
"Kailangan na nating gawin ang dapat nating gawin " sambit ko habang nakangiti
"Aye! Aye ! Captain!" Sambit nito at nagsalute, i tap her head masunurin talaga itong bata na ito.
"Tara na sa baba paparating na ang delivery driver" sambit ko tumango naman ito at iniwan na ang mga laruan niya kinarga ko na siya para mapabilis ang lakad namin baka kasi makita kami ni mildred e.
Nakarating na kami sa baba at dumiretso na agad kami sa gate at mabuti naman at dumating na si manong rider kanina pa ako nag aantay sa kaniya.
"Buti naman nakarating agad kayo" sambit ko
"Pasensya na sir sobrang traffic e, gusto mo bang palit tayo ng trabaho" sabi nito at nakangiti pa, aba matinde rin si kuya aagawan pa ako ng trabaho.
"Ano ba kuya aagawan mo pa ako ng trabaho ayan na ang bayad kumpleto na yan tyaka may tip kana diyan " sambit ko
" Galing niyo sir ah di kayo madamot sauulitin sir salamat" sambit nito habang pinaandar na ang motor
Hawak hawak ko na ang isang bouquet ng rosas ayun sa impormasyon na nakuha ko tulips at rosas ang gusto niya dahil walang tulips ito nalang, nakangiti ako habang inaamoy ang rosas at iniimagine na binibigyan ko ang babaeng mahal ko at hahalikan ko na siya, naputol naman ang imahinasyon ko ng biglang tinapakan ni mich ang paa ko pambihirang bata ito malapit ko na sanang mahalikan yun.
" Tara na po, baka paparating na si daddy " sambit niya
" Sige na nga " sagot ko sa kaniya habang kakamot kamot sa batok ko nag mamadali akong pumunta sa taas kasama si mich nag tungo kami sa kwarto ni mildred ng Dahan dahan nagulat naman ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
" Sir Aries !" Tawag nito sakin napapikit nalang ako ng dahil sa gulat at inis , inis akong humarap sa kaniya
"Ano?" Sambit ko
"Wala po" sambit nito at umalis pambihirang kasamabahay yun.
Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas kakatok na sana ako ng naunahan naman ako ni mich.
" Ikaw nalang kaya magbigay " inis kung sambit binigyan niya naman ako ng nagtatanong na tingin ngunit di ko na ito pinansin mabilis namang binuksan ni Mildred ang pinto at gulat na gulat ito ng bumungad sa kaniya ang rosas.
" A-ano to?" takhang tanong niya
" Bigay ni Master sayo " sambit ko
"S-seryuso ?" Nauutal niyang sambit
"Kelan ba ako nagpatawa ?" pabalang kung sambit sa kaniya
" Di ka Kasi kapani paniwala " sambit nito napapikit nalang ako ng dahil sa inis natawa naman si mich
" Ano kukunin mo O hindi ibibigay ko nalang ito sa kasamabahay ni mich" sambit ko agad niya naman itong hinablot sakin.
" Para san daw ito?" Sambit niya ulit.
" Ah e para sa ano , ano nga yun mich yung sabi ni daddy mo kanina" kinalabit ko pa si mich at tiningnan ng may kahulugan.
"Ahh mommy daddy give it to you para sa ano po pag thank you niya sayo na inalagaan mo siya sa hospital" sambit ni mich habang nakangiti , nakangiti nadin ako at nagthumbs up kay Mildred.
"Seryuso ba kayo? Di naman nag papasalamat yang si Gray e Ang al-" di ko na siya pinatapos
"wag kanang maraming dada diyan miss Mildred Basta ang sabi ni boss na ibigay sayo yan Mukha ngang nag kakagusto na si boss sa iyo e" Sambit ko mukhang nagtataka naman si mich dahil sa sinabi ko pero binigyan ko siya ng matatalim na tingin umayos naman siya
" Tsk. Palabiro ka talaga Aries, pero sabihin mo sa master mo salamat sa rosas pero hindi ko parin siya gusto!" Sambit nito at sinarhan kami ng pinto, napangiti naman ako dahil alam kung kinikilig na si miss Mildred.
"Apir Tayo!" Sambit ko nag apir naman si mich kahit litong lito ito.