CHAPTER 9:

3136 Words
" Mildred's POV" Maaga akong nagising dahil may Plano akong dapat gagawin,nag hilamos muna ako tiyaka nag toothbrush nag suklay narin ako ng buhok para di naman ako mukhang zombie tingnan, Ilang minuto ang nakalipas at natapos na din ako. Lumabas na ako sa kwarto at bumaba na dali dali akong pumunta sa kusina para sana magluto. "Oh Ma'am Mildred bakit po kayo nandito?" Tanong ni mae isa sa mga kasambahay dito sa mansion , nakangiti naman akong lumapit sa kaniya. " Mag hahanda sana ako ng breakfast" sambit ko. "Ayy ma'am tapos na po, naghanda na po si Master Gray nagulat nga po kami dahil nag luto siya ng mga ulam at pagkain e, the world is healing!" Sambit ng kasambahay habang nakangiti, psh. Ayan tuloy naunahan ako ng lalaking iyon nagtungo naman ako sa dining area upang makakain na, pagkain na kaya yun syempre bababaan ko ang pride ko aba! Ayuko kayang magutom. Pag pasok ko sa loob ng dining area nakita kung nagkakatuwaan sila mich, Aries at gray napukaw lang ang atensiyon nila ng tawagin ako ni mich. "Mooom! Come here" sambit nito, ngumiti naman ako sa kaniya at nag tungo na sa tabi niya "Goodmorning sa inyo" bati ko habang nakangiti, tiningnan ko naman si Gray aba himala ngumiti siya pabalik saakin. "Kumain kana Ako ang nag luto niyan" kalmadong sabi niya nakatulala naman ako, totoo ba itong nakikita ko? hindi ba Ako nananginip si gray ba talaga ito? " And also i want to apologize for my action kagabi " nakangiti nitong sabi, halos malaglag ang panga ko sa mga sinasabi niya talaga bang nag bago na siya? Nakapagtataka naman isang Gray Matthew Willows naging mabait impossible to! siguro may binabalak siyang masama saakin akala niya ata magpapadala ako sa mga hirit niya aba ako lang to si Vietta Mildred Guazon! " Oh...it's not a big deal to me" sambit ko nag sandok na ako ng pagkain pinaabot ko naman kay Aries ang sinigang at itlog, hindi naman matigil si Aries sa kakangiti para tuloy siyang asong ulol. " By the way, about what you said last night I-i accept your sincere offer to me maybe you're right we will start a new beginning and i agree about getting to know each other" kalmadong sabi nito, napatigil naman ako sa pagkain tsk, papayag naman pala pakipot! " Okay " sagot ko sa kaniya habang nakangiti wala na Kasi akong masabi e kaya okay nalang ang sinabi ko. " How about we go for a dinner this evening " sambit nito nanlaki naman ang mata ko pambihira ano bang sumapi sa kaniya, ako ata ang pinaglalaruan ng lalaking ito humanda ka saakin. "Hmm, a date sige " nakangiti kung sambit " Yes!!" Sigaw ni aries, bigla naman napatigil si Gray at tiningnan ng masama si aries hindi naman pinansin ni Aries si gray at patuloy na kumakain. "It's not a date it's just a normal dinner between us" nakakunot noo nitong sambit tatango tango naman ako, psh affected naman siya sa date na word ewww! Akala niya ata gusto ko talaga siya. "Ganun na din yun" sambit ko habang nakangiti ng nakakaloko sa kaniya tingnan lang natin kung sinong unang mafafall saatin hinahamon mo talaga ako Gray Matthew Willows!. Gabi na at nag ayus na ako nag suot ako ng kulay pulang dress na galing pa sa singapore regalo Kasi ito ni mommy sakin, na homesick tuloy ako kumusta na kaya silang dalawa ni daddy I miss them so much. Sinuot ko na ang dress tamang tama talaga itong dress na binili ni mom di gaanong seductive may slit Ito sa gilid nag make up na ako at inayos ang buhok ko, nag suot na rin ako ng necklace at bracelet tsaka earrings for the final look. "Perfect!" Sambit ko ng matapos na ako lumabas na ako sa kwarto dahil ayukong mainip sakin kakaantay si Gray bababa na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko agad naman akong napabaling. " Mommy, you're so beautiful" sambit ni mich ngumiti naman ako at hinalikan ang kaniyang noo " Thank you baby girl dahil diyan bibilhan Kita mamaya ng doll " masayang sambit ko agad naman lumiwanag ang mukha ni mich. " Yey! Thank you mom" sambit nito at yumakap sakin, niyakap ko naman siya pabalik. " Sige na pumasok kana sa kwarto mo at be safe here wag kang lalabas andiyan naman si Aries, goodnight mich" hinalikan ko ulit siya sa noo at nag paalam na sa kaniya. Bumaba na ako at nag tungo agad sa parking lot, nakita ko naman si Gray na mukhang naiinip kakaantay sakin ang galing talagang mag acting ng lalaking ito akalain mo yun pag dating ko nag kukunwaring Masaya. " You look lovely" komento nito sakin " Thank you, you also look handsome today" sambit ko pero ang totoo nasusuka ako sa pagmumukha niya sino bang gustong makipag dinner sa lalaking ito ang old fashioned naman ng suot niya, bago paman niya ako pinapasok sa loob ng kotse ay binigyan niya ako ng bulaklak at katulad ng una niyang ibinigay ay rosas din ito. " T-thank you" nahihiya kung sambit, ngiti lang ang itinugon nito kinakalma ko ang sarili ko at pinapagalitan ko na ito, fucos self it's all an act once you fall inlove you will lose. Binuksan niya na ang pinto ng kotse niya at pinasakay na ako, pumasok na ako at gayundin siya , nabigla naman ako ng bigla siyang lumapit sakin sobrang lapit na ng Mukha namin kumabog naman ng napakalas ang dibdib ko nataranta naman ako baka marinig niya at mag assume siya ng bongga. "Ano ba !" Sabay tulak ko sa kaniya, natawa naman siya " Are you blushing?" Natatawa niyang sabi, tiningnan ko naman ang mukha ko sa Salamin gusto ko nalang mag palamon sa inuupuan ko dahil sa kahihiyan. " H-hindi ah blush on to na sobraan lang yata" palusot ko ayukong maging katawa tawa sa pagmumukha niya " Okay, I just want to put a seatbelt just for your safety " sambit niya , e bat kailangan siya pa ang magkalabit ng seatbelt ko kaya ko naman at bat kailangan ganun kalapit ang pagmumukha namin sinasadya niya talaga yun para pag tawanan niya ako walangya naman na sobrahan ata sa pag ka gentle man tung lalaking ito. " You ready?" sambit niya pa tumango lang ako dahil nabwesit ako sa kaniya. Pinaharurot niya na ang kotse huminga ako ng malalim at nakaramdam naman ako ng maluwag na pakiramdam atsaka ikinalma ko na rin Ang sarili ko, sana naman di na niya ako bwesitin mamaya. " Gray's POV" I want to laugh hard about Mildred's reaction psh. Kunwari pang di naaapektuhan sakin gumanti lang ako ng dahil pinaantay niya ako sa parking lot ayuko pa naman ang pinag aantay ako. Nakarating na kami sa restaurant na pagkakainan namin, nauna na akong bumaba upang pag buksan itong babae na to, nagpasalamat naman siya saakin ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya niyaya ko naman siyang pumasok and I grabbed her waist because a lot of guys watching her kung bakit ba ganito pa ang sinuot ng babaeng ito, napatigil naman siya. "What?" naiirita na ako ngunit pinatili kung kalmado ang boses ko. " Nothing, let's go" sambit nito nag tungo na kami sa loob at sa kamalas malasang pagkakataon ay napuno na ang restaurant, gusto ko sanang mag mura ngunit kailangan kalmado parin ayukong mag isip ng iba si Mildred I want to play smoothly. Niyaya ko naman siya sa iba't ibang restaurant ngunit ganun padin puno na naiinis na ako at di ko na mapigilan ang sarili ko. " Damn! Damn! Damn!" Habang hinahampas ang manobela ng sasakyan ko, binigyan naman ako ng nagtatakang tingin ni Mildred, hindi ko naman siya pinansin sobrang nagugutom na ako bwesit naman nag patulong pa ako Kay aries sa susuotin ko pero ganito lang pala ang kalalabasan. " Uuwi nalang Tayo" walang emosyon kung sambit " N-no may alam akong pwede nating kainan tiyaka punta muna tayong mall magbibihis lang tayo" nakangiti niyang sabi gusto ko siyang duruin at sigawan but hindi ko magawa nag drive nalang ako papuntang mall at nag patangay sa kaniya bumili na siya ng damit at ganun din ako nag bihis na ako at lumabas binayaran ko na ang mga damit na kinuha namin inantay ko na Lang si mildred. Maya maya pa ay lumabas na ito, from classy to simply niyaya naman niya akong pumunta sa toy store dahil may bibilhin daw siya di na ako umimik tango lang ako ng tango bumili siya ng Isang Doraemon stuff toy at isang doll. " Ako na ang mag babayad" sambit ko "Ako na !" Matigas niyang sabi at iwinakli ang kamay ko di nalang ako nakipag bangayan sa kaniya. " Para po ba ito sa anak niyo ma'am and sir " nakangiting sabi ng cashier "Yes" sabay naming sabi ni mildred nagkatinginan pa kami tiyaka tumawa, i can't believe I- I was laughing and worst si mildred pa kasama ko tsk. Lumabas na kami sa mall at bumalik na sa kotse. " San na Tayo pupunta ngayon?" Tanong ko sa kaniya " Pwedeng ako mag drive ?" Sambit nito alanganin naman ako dahil hindi ko alam kung marunong ba itong babaeng to. " No,baka mabangga mo pa ang kotse ko" sambit ko sumimangot naman siya " Walang bilib sakin to matatagalan tayo kung ikaw pa ang mag drive" sambit niya at last I gave up for the sake sa gutom na tiyan ko pinaandar niya na ngunit hindi umandar. " What happened?" Nagtatakang tanong ko "Naubusan ata ng gas" sambit niya, sinabunutan ko na ang sarili ko sa inis "Kasalanan mo to e, ang malas malas ko kapag ikaw ang kasama ko!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko nabigla naman siya. "Aba, ako pa talaga sinisisi mo hoy! Kung hindi dahil sa katangahan mo edi sana nakakain na tayo ngayon ". Sambit niya hindi ko na siya sinagot at sumandal nalang ako sa upuan ng kotse. Maya maya pa ay bumaba na siya at kinuha ang mga binili niyang mga laruan, nagtataka naman ako binuksan niya ang pinto ng kotse ko. "Hoy baba na jan!" Sambit niya wala akong ganang makipag away dahil gutom na gutom na ako nag sunod sunoran nalang ako sa mga sinasabi niya pumunta na kami sa gilid ng kalsada. " Ano bang gagawin mo?" inis kung tanong "Pwede ba manahimik ka diyan kung ayaw mong sumama sige mag pakamatay ka sa gutom diyan " sambit nito, binigyan ko naman siya ng matalim na tingin talagang di ako sasama a kaniya kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Aries. "Punyeta naman! Lowbat pa talaga bat ngayon pa!" I frustratedly said. " Edi wala kanang choice ngayon kundi sumama saakin" sambit ni mildred bumuntong hininga naman ako Wala na talaga akong choice kung hindi lang sana malas itong babaeng ito edi sana okay sana ang dinner namin. "Paraaa!" Sigaw nito may dumaan na jeep at huminto naman ito sa harapan namin. " You really want me to ride with this thing?"sambit ko hindi pa ako nakapag commute noon. " Ayaw mo? Edi magutom ka diyan" sambit ni mildred at pumasok na sa jeep, napilitan naman akong pumasok sa loob nakatingin naman sila saamin. " Saan kayo baba?" Tanong ng kundoktor ng jeep "kina aling Betty" sambit ni mildred, di na ako nag protesta dahil siksikan na kami sa loob ng jeep nakakunot lang ang noo ko dahil sa sobrang inis. " Mag asawa ba kayo ineng?" tanong ng isang matanda kay Mildred " O-opo" nag aalangan na sagot ni mildred, tsk nahihiya pa kahit gusto niya naman. " Bagay na bagay kayo" sambit naman ng Isang estudyante ngumite naman si Mildred ngunit di ko naman sila pinansin. Ilang minuto pa ang nakalipas at sa wakas nakarating na kami nagbayad na si Mildred at bumaba na din kami. " Ano? Kumusta experience mo ?" Natatawang sambit nito " Don't ask me now, nabwebwesit ako" walang emosyon kung sambit inirapan niya lang ako " Saan na Tayo pupunta?" Tanong ko tinuro niya naman ang isang Bahay Kubo na may mga tao na kumakain " Diyan sa kalenderya ni aling Betty" sambit nito, nagtaka naman ako sinundan ko naman siya at pumasok na. "Aling Betty!" Masayang sambit ni mildred, bigla naman niya itong niyakap " Oy hala.. ikaw pala iyan iha Mildred ang tagal mong hindi bumisita saamin Ikaw dai ba san ka ba galing?" Masayang sambit ng isang may kaedaran na babae kay mildred " May importante po Kasi akong inasikaso." Sambit ni mildred tumingin naman saakin si aling Betty " Sino siya?" may panunuksong tingin ito kay Mildred. "Ah Asawa ko po, s- si Gray" sambit ni mildred, ngumiti naman ako sa kaniya. " Hali na kayo umupo na kayo Doon at pumili na kayo kung anong kakainin niyo?" sambit ni aling betty, sumunod naman ako kay Mildred at umupo na kami sa bakanteng mesa. " How do you know this place ?" Nagtataka kung tanong, di naman ito classy pero pwede na rin " Dito Kasi ako kumakain noon after school noong highschool ako Ikaw di kaba kumakain sa mga kalenderya ?" tanong nito, umiling naman ako "Ang boring pala ng buhay mo pati jeep ngayon mo lang nasakyan e Yung tricycle nakasakay kana ba ng ganun?" umiling naman ako i don't know what is that thing, lumaki akong ignorante sa mga ganoong bagay. " Mamaya sasakay tayo diyan"sambit niya, tumango lang ako after all hindi pala siya katulad ng iniisip ko but hindi parin ako kampante sa kaniya. Nag paalam muna si mildred na mamimili muna daw ito ng pagkain namin tumango lang ako dahil hindi ko naman alam kung anong kakainin namin, maya maya pa ay bumalik na ito na nakangiti. Ilang minuto pa Kaming naghintay at sinerve na ang mga pagkain apat na rice tsaka mga ulam na Bago sa aking paningin ang alam ko lang ay adobo, mechado at pancit and lumpia tiyaka sinigang . " What's this?" sambit ko medyo maitim ang kulay medyo nakakadiring tingnan. " Dinuguan , yan naman ay palabok ito tinolang manok tortang talong at ito sinuglaw" sambit nito tumango naman ako, tinikman ko na ang mga binili niya, masarap naman kaya kumain na ako hindi ko namalayang maubos ko na pala ang rice ganun din si mildred. Uminom na ako ng tubig ganun din si mildred, masarap pala ang mga ganitong luto hindi ko alam na may ganito pala. Maya - Maya pa ay Nagbayad na si Mildred she insist na siya na ang magbabayad I just let her. "Tara ! May pupuntahan Tayo" masayang sambit niya at hinawakan ang kamay ko tsaka niya ako kinaladkad "Di paba Tayo uuwi?" Tanong ko. "Hindi muna dahil bumait ka ngayon gusto kung ilibre pa kita" sambit niya, kumunot naman ang noo ko sa sinabi ng babaeng to tsk. Nag lakad lang kami at ilang minuto pa ay nakarating na kami sa maraming ihawan at maraming tao, I hate the smoke. " My clothes scent is awful " sambit ko "Ang Arte mo naman, Hali kana " kinaladkad niya naman ako at huminto kami sa harapan ng Isang medyo may katandaan na lalaki. " Manong pabili po ng kwek kwek Bale dalawa po tsaka siomai, fishball, kikiam at isaw apat pong isaw " sambit ni mildred natulala naman ako anong klaseng mga pagkain ang sinabi niya? "Pabili nadin po ng dalang buko juice " sambit ni mildred, Ilang minuto lang ay nakuha na ni mildred lahat ng pagkain, binigyan niya naman ako ng tingin na susunod sa kaniya kaya sumunod nalang ako nagtungo naman ito sa open field at umupo sa ilalim ng kahoy marami ding tao ang nagtatambay dito. " Umupo kana prinsipe ng kayamanan" sarkastikong sambit ni mildred. " Can you just stop annoying me" sambit ko at umupo ng nakakunot ang noo. " Try mo to" ibinigay niya naman saakin ang isang plastic cup na may kulay orange na bilog, nagdadalawang isip ako ngunit kinuha ko nalang ito at tinikman masarap naman ito. "Alam mo bang dito ako tumatambay lagi pag mag isa ako " basag ni Mildred ng katahimikan I just looked at her " And ?" walang gana kung sambit " Anong and? Tingnan mo ang ganda ng mga bituin at ng buwan" sambit ni mildred I looked at the sky, indeed it's beautiful. "Yeah it is" sambit ko at kumain na ng ibang pinamili niya masarap pala ang mga ito nag kwekwentuhan naman kami ng kung ano ano. " Alam mo ba nung elementary ako muntik na akong maihi sa classroom" I chuckled of what she said. " You silly!" Sambit ko habang ginulo ang buhok niya tinitigan niya naman ako. " Di ka naman pala ganun Kasama e" sambit niya " Kung ganito ako lagi siguradong mafafall ka " nakangiti kung sambit habang nakatingin sa kaniya namula naman siya , she's cute kapag nag bablush. Nakatulala naman siya kaya tumayo naman ako at pinatayo ko na din siya at niyaya nko na din siyang umuwi, sumakay na kami sa tinatawag niyang tricycle. Maya maya pa ay nakarating na din kami sa mansion "Salamat manong" sambit ni mildred pumasok na kami sa loob ng mansion. " Welcome! Mr and Mrs Willows!!" Sigaw ni aries pagka pasok namin binigyan ko naman ng nakakamatay na tingin si Aries. " Sabi ko nga tatahimik na ako" sambit nito natawa naman si Mildred pumunta na kami sa taas at pumasok muna kami sa kwarto ni mich upang tingnan Siya, iniwan nadin ni Mildred ang laruan na binili niya para Kay mich lumabas na kami at nag tungo na sa kaniya kaniya naming kwarto. " Thank you for this night I enjoyed it" nakangiti kung sambit , I really mean it, siya lang ang nag pa experience sakin ng Lahat ng ito . " Welcome as always, we can do it again next time if you have free time" sambit niya " Then... hindi ako makakatanggi" sambit ko, she just chuckle at pumasok na, nakita ko naman si Aries sa hagdan. " Alam kung nakikinig ka matulog kana !" Sambit ko " Inlove na si boss!!" Sambit niya binigyan ko naman siya ng nakakamatay na tingin at pumasok na ako , it was a long night but I'm not tired at all i was happy I experienced those things. Nagbihis na ako at humiga Hindi mawaglit sa isip ko Ang Mga ginawa namin ni Mildred i was overwhelmed sa mga na experience ko kanina my childhood is sucks kaya Masaya ako na kahit ngayong araw lang ay naexperienced ko ang mga ganung bagay, I hope she does it genuinely because that was the best memories I ever had after a long year of mourning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD