"Mona's POv"
It was hard for me to left everything here, nag iimpake ako habang umiiyak it was a tough decision knowing that i left the love of my life i didn't confess about my love for him kaya ang bigat bigat ng damdamin ko ngayon i was devastated and it was hard pill to swallow.
" Do I need to this?" Yan ang itinanong ko sa aking sarili hindi parin ako makapaniwala na sa Isang iglap ganito ang nangyari, sana hindi nalang ako bumalik sa buhay nila all of the sacrifices na ginawa ko ay hindi sapat sa kanila kahit iniwan ko na ang taong pinakamamahal ko hindi parin sapat sa kanila i was wronged believing na magiging mabait sila pero hindi.
"FLASHBACKS"
"Anak talaga bang iiwan mo ako?" Yan ang tanong ni nanay sakin, di ako makatingin sa kaniya ng diretso dahil parang pinapatay ako ng unti-unti leaving my mom behind is the worst decision i made na sana pala hindi ko nalang ginawa.
" Nay babalik po ako kasi kailangan kung makapag tapos ng highschool" sambit ko
" Pero nak kaya ko namang patapusin ka Diba pero bakit ka sasama sa papa mo?" Naiiyak niyang sambit
" Queen bakit mo pinipigilan ang anak mo!"sigaw ni tatay sa kaniya
"Wag mong sigawan si nanay!" sigaw ko pabalik sa kaniya
" Ganitong bata ba ang pinalaki mo walang modo"inis niyang sabi habang dinuduro si nanay
" Wag nang maraming satsat sasama Ako sayo pero yung pangako mong bibigyan si nanay ng Pera para sa gamot niya kailangan mong gawin Yun"sambit ko
" Anak wag mong gawin yan di naman malubha itong sakit ko mas kailangan Kita dito" umiiyak niyang sambit, kanina pa gustong tumulo ng luha ko ayaw ko talagang iwanan si nanay dito dahil walang mag aalaga sa kaniya ang kaso Wala Kaming Pera para bilhin ang mga gamit niya may leukemia si nanay pero pinipilit niyang mag palakas dahil ayaw niyang mag aalala ako kaya sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan at para akong pinapatay kaya nag decision ako na sumama sa Tatay ko pero kapalit nun ay paaralin niya ako at bibigyan ng Pera si nanay para sa gamot.
" Siguro nga anak hindi muna ako mahal kaya ka nakapag desisyon ng ganiyan kadali " sambit ni nanay habang umiiyak umiling naman ako niyakap Siya
"Mag pagaling ka nanay ko babalik ako dito dala dala ang diplomang inaasam natin wag kang mag aalala dadalaw ako pag may libreng oras ako" bulong ko sa kaniya humagolgol Naman siya ng iyak, tumalikod na ako at hinawakan ni nanay ang mga kamay ko ngunit until unti akong kumalas sa mga kamay niya dahil ayukong umiyak parang pinipiga ang puso ko habang unti unti kung hinahakbang ang kamay ko, Umalis na ako at sumunod sa Tatay kung demonyo sumakay ako sa mamahalin niyang kotse, hindi na ako naglakad ng loob ng tingnan ang munting Bahay namin at umalis na kami di ko na napigilan ang aking sarili ang kaninang nag babadyang luha ay nag uunahan ng lumabas Mula sa aking mga mata.
" Ano ba gusto mo bang ibalik Kita !" Inis niyang sambit, pinunasan ko naman ang luha ko.
Ilang minuto bago kami nakarating sa Malaki nilang bahay bigla naman akong nalungkot habang silang dalawa ni spade namuhay ng marangya kami ni nanay ay naghirap at nakatira sa isang maliit na bahay.
" Oh dalhin mo yang bag mo ayukong mahawa sa kahirapan niyong mag ina" sambit nito di ko siya pinansin at kinuha nalang ang bag ko nauna siyang naglakad at sumunod naman ako sa kaniya.
Hindi na ako namangha sa Bahay nila mas nanaig saakin ang galit dahil kailangan ko pang isakripisyo ang nanay ko para ipatira ako sa Bahay na to, ng makapasok na ako sa loob ng mansion agad niya namang tinawag ang mga katulong para asikasuhin ako.
" Manang lolita! " Lumabas naman ang may katandaan na katulong.
" Sir?"
" Asikasuhin mo itong bagong katulong natin " sambit ng tatay ko, naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa sinabi niya hindi niya pala ako itinuring na anak.
" Tara na " nakangiting sabi ni Manang lolita, kinuha niya naman Ang bag ko at umakyat na kami sa taas sumunod naman ako Kay manang
" M-manang saan po Tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya
"Sa maids room iha, tanong ko lang bakit kamukha mo ang senorita Spade?" Tanong ni manang lolita yumuko naman ako.
"A-anak po ako ni Roman, pero lumaki po ako sa piling ni nanay" sagot ko naman, huminto naman ito at tumingin sakin
"Hindi kaba nasasaktan sa sinabi niyang isa kang bagong katulong?" tanong nito, umiling naman ako kahit ang totoo sobrang durog ng puso ko dahil sa sinabi niya, tumango nalang si manang at nagpatuloy kaming pumunta sa maids room.
Ng makarating na kami sa maids room ay itinuro niya naman saakin ang pwesto ko at lagayan ng damit ko.
" Kawawa ka iha, ano nga ang pangalan mo?" tanong nito habang umuupo sa tabi ko
" Diamond po" sagot ko, tumango naman
"Bakit mo naisipang pumunta dito alam mo bang nagkamali ka sa desisyon mo?" Sambit ni manang lolita kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"P-po? Hindi po ata mali na pumunta ako dito dahil unang una po gusto ko pong magamot ang nanay ko di ko ginusto na pumunta dito pero Wala akong pagpipilian" nakayuko kung sambit, niyakap niya naman ako.
" Miss na miss ko na po ang nanay ko " iyak kung sambit habang nakayakap kay manang lolita.
"Ahhh, tahan na wag kang mag alala tutulungan kita" sambit ni manang, pinunasan ko naman ang luha ko at tumango.
" Salamat po" sambit ko
Lumipas ang mga Araw hindi ko na nakikita ang Tatay ko si spade lang na lagi akong inuutusan.
" Ano? hindi mo ako susundin! hoy di ka itinuring na anak ni daddy kaya wag kang ambisyosa" maarte niyang sambit habang iniirapan ako, di ko naman siya sinagot at sinunod nalang ang inuutos niya sakin, lumipas ang mga taon hindi parin ako nakadalaw kay nanay nag aalala na ako sa kaniya Bahay at eskwela ang naging buhay ko sa loob ng Isang taon kaya wala akong oras dahil Panay utos din si spade sakin.
Isang araw tinawag ako ng tatay ko para sa kasunduan.
"Diamond! " Sigaw nito agad agad naman akong lumabas galing sa loob ng kusina
" Po?" Nakayuko kung sambit
"Mag bihis ka dahil may pupunta dito mamaya " sambit niya nagtaka naman ako kung bakit niya ako pinapabihis di naman ako parte ng pamilya nila.
" bakit?" tanong ko, di niya naman ako sinagot dahil may tinawagan ito di nalang ako umimik at umakyat na sana sa taas.
"San ka pupunta!" Sigaw nito sakin
"Magbibihis" malamig kung tugon
" Stupida! mag antay ka sa baba dahil kukunin ka ng personal assistant ko " sambit nito at dali daling umakyat sa taas l, umupo nalang ako sa sofa at hinintay ang personal assistant niya, bumaba naman si spade na may ngiting nakakaloko.
" goodluck sissy" sambit nito at dumiretso na sa labas, di ko nalang siya pinansin.
Ilang minuto ang lumipas at nakarating na din ang personal assistant ng tatay ko, sumunod naman ako sa kaniya sa labas at sumakay kami sa kotse niya pumunta kami ng mall at pinasukat ako ng iba't ibang damit.
"Hindi bagay" sambit nito 20 times na ata akong pabalik balik sa loob sinuot ko na yung pinaka huli na kulay itim medyo seductive siya tingnan, lumabas na ako at ipinakita sa assistant ng tatay kung kulang sa aruga.
" Ayan perfect!"sambit nito, at kinaladkad naman ako sa make up and hairstyle kaya natagalan kami tinorture nila ang buhok kung hindi nakaranas ng chemical at yung kilay kung hindi naahitan ng limang taon.
"Dilat kana" masayang sambit ng nag torture sakin, Dahan dahan kung binuksan ang aking mga mata nabigla naman ako dahil ang ganda ng nasa Salamin nanlaki ang mga mata ko.
"Sino siya?" Takha kung tanong at tinuro ko pa yung reflection ko sa salamin, natawa naman ang dalawang parlorista na nag ayus sakin.
" Ikaw yan oh diba ang ganda " sambit nila, ngumiti naman ako lumabas na ako at lumapit na sa assistant ng tatay ko.
" Ohh wow you look gorgeous, pag pinagtabi na kayo ni spade talagang malilito kung sino sa inyong dalawa si spade" sambit naman ng assistant ng tatay ko di ko naman siya sinagot niyaya niya na akong pumunta ng parking lot sumunod naman ako sa kaniya, ng makasakay na kami sa kotse ay pinaharurot na niya ito at ilang minuto lang ay nakarating na kami sa mansion bumaba na kami nakasalubong ko naman yung ibang kasama ko na kasambahay.
" Magandang tanghali senyorita spade" sambit nito sakin nagulat naman ako
"Hoy grace ako to si diamond" sambit ko, nagulat naman sila
"Ayy sorry" sambit niya at umalis na umiling nalang ako at sumunod sa assistant ng tatay ko.
"And here she is" rinig kung sambit ng assistant ng tatay ko, pumasok naman ako di ako comfortable sa suit kung to kaya muntik pa ako madapa.
" She look like spade but her action is still diamond tatanga tanga!" Inis niyang sambit " hoy ikaw maging classy ka mamaya sa pupuntahan nating event alam mo naman kung paano maging classy dahil tinuruan kana" sambit ng tatay ko , tumango naman ako bilang tugon.
I thought the event is all about business but I'm stunned when i realized na ginawa akong pambayad ng utang ng tatay ko instead of spade Ako ang ipinag kasundo niya sa matandang amerikano, dahil nag makaawa daw Ang nag iisa niyang anak na di siya ipapakasal sa matandang lalaki kaya Ako yung ipinambayad nila dahil hindi naman daw niya ako anak at sampid lang ako sa pamilya nila.
Isang gabi, umulan at kumulog ng malakas lumabas ako upang tingnan si windle ang matandang ipinagkasundo sakin pag ka tingin ko sa kwarto niya ay wala na itong buhay sumigaw ako at humingi ng tulong ngunit di na ito nabuhay ang lahat ng kayamanan ni windle ay napunta sakin ngunit kinuha din ng tatay ko dahil utang ko daw sa kaniya Lahat ng iyon,ngunit ang di niya alam kalahati lang ang ibinigay ko sa kaniya dahil ang kalahati ay itinago ko, marami ding mansion na iniwan si windle na di alam nila spade.
After that, naging mabait sila sakin Kasi yumaman Sila ng dahil sakin pinagpatuloy ko ang pag aaral ng hindi naging katulong at sa Araw na yun humingi ako ng pabor na dalawin si nanay, nagulat naman ako ng pumayag siya .
Ng makarating ako sa bahay ng nanay ay walang tao dun ko nalaman na wala na pala siya at ang tanging liham lang ang naiwan sakin.
Mahal kung Anak (Diamond)
Kumusta kana prinsesa ko pakisabi pala Kay spade na mahal na mahal ko siya sadyang inilayo lang talaga siya ng tatay mo sakin. Alam kung pinapahirapan ka nila diyan minsan ko ng sinubukang pumuslit sa Bahay nila ngunit tinaboy ako ng kapatid mo dahil mabaho at marumi daw Ako.
Anak salamat sa lahat ng kabutihan mo ngunit hindi ako makapaniwala na nagpakasal ka sa lalaking mayaman upang makamit mo lang ang pinapangarap mo Yan ang sabi ng tatay mo pinatay mo raw ito, sana hindi totoo Lahat ng iyan anak ko kahit ganun naniniwala parin ako sana papatunayan mo sa akin na hindi ka kasing sama Nila sana wag mo akong biguin.
Anak ko sa sandalinh mabasa mo ito, siguro ay wala na ako sa mundong ibabaw ngunit alam kung kaya munang mabuhat mag isa Mahal na mahal ka ng nanay gagabayan Kita lagi Mahal ko.
Pag nasa tamang edad kana hanapin mo si Wanda at sabihin mo na anak ka ni queen alfea.
Nagmamahal ang iyon ina (Queen)
Iyan lang ang sinabi ng nanay, kaya sobrang pinagsisihan ko na iniwan ko siya kung nalaman kung iyon na pala ang huli naming pagkikita sana man lang ay niyakap ko siya ng mahigpit.
Bumalik padin ako sa mansion kahit alam kung niloloko ako ng mga to, at sa pangalawang pag kakataon ay ginawa na naman nila akong masama ginawa nila akong spy sa willows dahil tauhan sila ni senyora tinanggap ko nalang yun dahil nga kinikilala ko silang pamilya Hanggang sa nakilala ko ang pamilya ng willows at doon ko narealize na mali ang ginawa ko ng matagpuan ko si aries ipinangako sa sarili ko na hindi ko na gustuhin na maging sunud sunoran sa kanila at napag desisyonan ko ng umalis sa pilipinas at papatunayan ko sa nanay ko na hindi ako masama kagaya nila.
"END OF FLASHBACKS"
At ito na nga sumampa na ako sa eroplano habang dala dala ang alala at pagmamahal ni Aries handa na akong iwan ang masalimoot kung nakaraan, handa na akong baguhin ang lahat ng pagkakamali ko handa na akong iwan ang lahat.
"Hanggang sa muli Aries, Mahal na mahal Kita"