CHAPTER 30 :

1563 Words
" Aries POV" Masayang masaya akong bumangon dahil sa nangyari tungkol kina miss Mildred at sir gray, ang bilis ng pangyayari bigla nalang silang nag honeymoon sa harapan ko pambihira. Ngiting ngiti ako habang naglalakad, at naisipan kung pumunta sa kwarto nila master ng makarating ako ay agad naman bumukas ang pinto nakita ko naman si miss Mildred na iika ikang maglakad nahahalata Kasi kahit pinipiliti niyang ayusin yung lakad niya. " Miss Mildred, magandang Umaga" nakangiti kung bati sa kaniya, sa Mukha palang niya ay naiinis na siyang makita ako ang sarap asarin nito ganito kaaga siguradong magwawala siya, toyoin Kasi e. "Ano?" Inis nitong sambit Sabi ko na nga ba "Wala lang gusto ko lang naman batiin ka " nag mamaang maangan kung sambit kahit ang totoo ay gusto ko lang naman siyang iniisin, inirapan niya naman ako napakatoyoin talaga nitong si miss mildred e. "Ganiyan ang kamandag ni master talagang iika ika kang maglakad HAHAH" sambit ko sa kaniya, habang natatawa pinipigilan ko talaga ang sarili kung humagalpak ng tawa napaka sadista pa Naman ni miss Mildred. " Lasing lang ako kaya ganito" sambit nito grabe namang palusot yan talagang Hindi kapani paniwala..naku, naku, ako pa talaga Ang niloloko nito e kitang Kita ko nga yung mapusok na halikan nilang dalawa, humagalpak naman ako ng tawa sa sinabi niya. "Sus nasa harapan ako-" sambit ko di na niya ako pinatapos dahil agad itong lumapit at hinawakan ang braso ko ng napakahigpit walangya napaka sadista talaga nito si miss Mildred. " A-anong ginawa namin? Nakita mo ba kaming nag chukchakan? " Gusto kung matawa dahil nakikita ko sa Mukha niya na sobrang kabadong kabado siya, pero di ko kayang matawa dahil mahigpit ang hawak niya sa braso ko tinitiis ko nalang ang sakit. " Aray! aray naman miss Mildred wag mong diinan ng hawak maawa ka naman " sambit ko, agad niya naman akong binitawan walangya naman. " Ano nga Kasi!"inis na sambit nito sakin, Siya pa Yung nanakit siya pa Yung nainis nako ibang klase talaga Ang mga babae " Nakita ko kayong naghalikan at Nung biglang para iba na kumaripas na ako ng takbo, ayaw kung madumihan Ang magaganda kung mata " sambit ko, natatawa talaga ako s atwing maalala ko Yung ginawa nila at gusto ko ring inisin Lalo itong si miss Mildred pero di ko sasabihin Kay bossing na ininis ko ang babaeng siguro Mahal niya na Kilala ko yang si Mr. Willows hindi yan Magiging comfortable sa harapan ng babae pag di niya mahal " Walangya ka!" Sambit ni miss Mildred at agad itong umalis dahil pikon na pikon na Siya saakin, humagalpak na ako ng tawa di ko na Kasi mapigilan e. Ng makaalis na Ito agad naman akong nagtungo sa baba at kumain mahirap na baka di ako maabutan ni Mona dito pag uwi niya. To: Mylove Gising na ako ang pinaka gwapong nilalang sa balat ng lupa Yan agad ang bungad ko sa kaniya alam kung maiinis na naman siya sakin pero Wala siyang magawa dahil nasa Malayo naman siya. Tinapos ko muna ang pagkain ko at at pumunta agad sa kwarto upang maligo tiyaka nagbihis narin ako ng matapos na akong magbihis nakatanggap Naman ako ng mensahe sa laptop ko. "Tungkol sa information ni spade at diamond nakuha na namin" napangiti naman ako sa nabasa ko agad ko naman itong nireplayan baka Kasi makalimutan ko pa mamaya dahil may gaganaping kasiyahan ang master naming walang puso na ngayoy bigla nalang naging malambot kay miss mildred pambihira talaga. From : Silentdanger R#1 Bigay niyo agad sakin sa personal set lang kayo ng sched na hindi kayo busy. Yan lang ang sinabi ko ayaw ko na silang iinvite ngayon, siguradong mag wawala itong mga agent na to ayaw kung masira ang moment ni miss Mildred at Master. Ng matapos ko ng ayusin ang sarili ko ay nag mamadali naman akong lumabas at nagtungo sa parking lot halos dumagondong ang bawat pag yapak ko sa hagdan ng mansion, di parin Lumalabas si miss Mildred at Wala itong kamalay malay sa surpresa ni master sa kaniya. Bigla namang tumunog ang telepono ko at sinagot ito agad agad. " Asan kana?" Inis na sambit ni master " On the way pa master, wag ka ngang masyadong excited" sambit ko bigla niya naman akong pinatayan ng telepono umiling nalang ako at pumasok na sa loob ng kotse tiyaka ito pinaharurot nagtungo naman ako sa Isang cafe na nasa taas ng bundok sobrang ganda dito matiwasay, Hindi maingay at mga VIP lang ang pwede dito, pumasok na ako sa loob ng cafe at yumuko naman sila saakin nginitian ko naman ang mga waitress at waiter bilang tugon. " How is it?" Bungad agad ni master sakin, tumango tango ako dahil maganda naman ang napili niyang venue "Maganda itong venue na to, pero master wag mo iset up dito sa loob ng cafe ang date niyo ni miss mildred, Hali ka ipapakita ko sayo" sambit ko at kinaladkad ko siya patungo sa labas " Diyan, sobrang ganda!" Sambit ko habang tinuturo ang isang puno na kapag tatayo ka sa gilid Makikita mo Ang kabuang bayan Ang ganda pagmasdan ng mga ilaw Mula dito sa itaas. " You're really good about this ha " sambit naman ni master , hangang hanga na naman siya sa katalinuhan ko Wala na akong magagawa diyan ako lang naman ito di ko na maikakakaila ang katalinuhang taglay ko. " Sir iseset up naba namin?" sambit naman ng waitress Kay master, tumango naman siya bilang tugon agad naman nag si alisan Ang mga ito at inasikaso ang romantic dinner date nila ni miss Mildred, kinuha ko naman ang telepono ko at tiningnan kung nagreply ba ang pinaka pangit na babae sa balat ng lupa pero syempre Mahal ko. Nadismaya naman ako ng makita kung walang reply si Mona sa text ko ibababa ko na sana ng biglang nakita ko ang petsa. "October 11" sambit ko napalingon Naman si master at biglang nag iba ang mood nito " Don't you dare mentioned it, don't ruined everything right now.. hindi na ako nag abalang isipin pa yun dahil itong Araw na ito ay gagawin kung panibagong araw" sambit nito, tumango nalang ako bilang tugon. " Let's go to the mall pipili Tayo ng susuotin natin and also dropped the dress later in Mildred's room" sambit niya. " Tinamaan ka na nga master" nakangiti kung sambit sa kaniya, ngumiti nalang ito sakin ibang iba talaga ang mood ni master ngayon halatang inlab na inlab e. Pumasok na kami sa loob ng sasakiyan at agad na itong humarurot papunta sa mall tahimik lang ang naging byahe namin ayaw kung sirain ang Araw na ito, dahil sobrang laki ng pagbabago Mula ng dumating sa buhay Niya si miss Mildred kung noon pag sasapit itong Araw na ito Isang linggo ng hindi Makikita si master sa loob ng mansion kung uuwi Naman siya may dalang iba't ibang babae at lasing na lasing halos hindi na nga ito makalakad ng maayus dahil sa kalasingan ang buong mansion ay mababalot ng maitim na awra walang nais magkamali halos yung mga maid sa loob ng mansion ay napapalayas Niya kaya sa tuwing kaarawan Niya Ako Yung sobrang busy dahil Lahat ng katulong at chef sa mansion ay mawawala ng trabaho dahil Hindi niya magugustuhan Lahat ng pagkain na ihahanda Niya at Ang tanging kakainin lang niya ay Ang aruscaldo na ihahanda ko parang Tanga talaga siya. Nakarating na kami sa mall at namili na kami ng mga damit nagtungo na Rin kami sa salon upang ayusin ang buhok namin. Ilang minuto din ang ginugol namin at lumabas na kami dala dala ang dress na binili namin Kay miss Mildred. " Bat naman Lahat tumutingin satin" takhang tanong ni master. "Ewan ko nga din master e kanina pa ako nagtataka baka mali ang pag gupit satin" sambit ko " Siguradong ipapasara ko ang salon na yun, pag nasira Lahat ng Plano ko ng dahil lang sa litseng buhok na ito." Sambit ko umiling iling naman ako. "Ang gwapo nila parang mga celebrity!!" Rinig kung sabi ng Isang sales lady kinindatan ko Naman sila agad naman silang tumili, kaya pala sila tingin ng tingin samin dahil sobrang pogi kami di na ako magtataka diyan inborn na to e. FAST-FORWARD Naghihintay na kami sa taas ng cafe kanina pa kami dito at walang Mildred na nakarating, nanlumo na si master pero chinicheer up ko parin siya. " I will send a message to Mitch, baka mag Kasama Sila" sambit ni master tumango naman ako " Damn! Punta raw Tayo sa lugar na ito" sambit ni master at ipinakita sakin ang location agad naman Kaming pumasok sa sasakiyan at pinaharurot na ito. Ng makarating kami sa venue halos mamangha ako sa nakita ko birthday party na parang mga tambay lang dahil may ihaw ihaw at videoke mga cook na nasa kalenderya bigla naman akong naging Masaya at agad na nagtungo sa ihaw ihaw nakita ko namang nilantakan Ang isaw at nagdala pa ng maraming street food, kumuha din ako ng Isang beer at naghanap ng kakantahin sa song book. Ng hinalikan ni miss Mildred si master agad naman akong umalma " Respeto sa single!!" Sambit ko natawa naman sila. " Kantahaaan naa!!" Pahabol kung sigaw sa micropono halos magwala ako dahil sa saya sana naman magtuloy tuloy na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD