Hinatid siya ni Alfonso sa boutique. Kinikilig na hindi mo mawari si Chino nang makitang sabay silang bumana ng sasakyan ni Alfonso.
Ibang ngiti ang iginawad sa kaniya ng mga staff niya. Taas noo lang din siyang naglakad diretso sa kaniyang opisina. Alfonso is behind. Ayaw niya din kasi na masyado silang PDA kaya hayan, pumayag naman ang loko. Basta daw mahatid lang siya.
"We have a date later." Anunsiyo nito. Hindi man lang tinanong kung busy ba siya o hindi. Pero, aayaw ba siya?
"So you planned for this? Alfonso, we're not teen agers anymore para magpaka-sweet. I know you're busy and I am also busy. Okay na ako sa paghatid at sundo mo. Hindi ako demanding tulad ng mga naging girlfriend mo."
"I have time for you, for us. I will always give time for you. Even if you think I'm loaded. And correction, isa lang ang ex girlfriend ko. Magiging dalawa palang." Kumindat pa ito. Bigla siyang nalungkot sa huling tinuran nito. Magiging dalawa. So una ay si Emmie, pangalawa ay siya? Expect na nito na maghihiwalay sila?
Biglang sumikip ang dibdib niya. Hindi pa man nagtatagal ang relasyon nila ay parang gusto na ni Alfonso na maghiwalay sila. "Oh, dalawa. So, you're ready na maghihiwalay din tayo?" Halata sa boses niya ang pagkadismaya.
Umupo na siya sa kaniyang swivel chair at inatupag ang mga folder na nasa desk niya. Pero hindi maman niya mapagtuunan ng pansin ang mga iyon.
Nagulat siya nang bigla siyang itayo ni Alfonso at niyakap. "Magiging ex girlfriend kita kasi soon magiging Misis na kita." Anito na halos madikit ang labi nito sa tenga niya.
Bumilis ang t***k ng puso niya. Ang kaninang inis dito ay napalitan ng magkahalong tuwa at kaba.
Tuwa dahil ramdam niya ang pag-ibig ni Alfonso sa kaniya. Kaba dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Alfonso ang totoo sa pagkatao niya. Dahil ang hinala niya noon na baka alam nito ang totoo at naghihiganti lang ito sa kaniya ay imposible.
Sincere ang mga ipinapakita ni Alfonso sa kaniya. She felt it. At nasasaktan siya sa tuwing naiisip niya ang katotohanan.
"I'll pick you up after your work. Please, don't stress yourself." Anito at saglit siya nitong hinalikan sa labi. Matamis ang ngiting iginawad niya dito. Kung pwede lang habang buhay na silang ganito.
Tanghali na nang mapansin ni Sophia na may tumatawag sa cellphone niya. Isi-nilent niya kasi ito dahil kailangan niyang matapos ang kaniyang trabaho para sa date nila ni Alfonso mamaya. Pero kumunot ang noo niya nang matandaan niya ang numerong nakarehistro.
Ayaw sana niyang sagutin pero magmumukha lang siyang umiiwas dito kapag hindi niya sinagot ang tawag nito.
"Let's meet." Anito na ikinabigla niya. Ang una kasi nitong sinabi ay idedeposit nalang ang pera sa account na isesend nito sa kaniya na hanggang ngayon ay wala pa rin. Ngayon naman ay nais nitong magkita sila? Who is this, anyway?
"Care to tell me how big is your benefit from this? Money is just money but to think that you have to do this? Blackmailing me? Do you really know who are you talking to?"
"Kilala kita. Kaya nga alam ko lahat ang tungkol sayo. Pati na ang tungkol sa inyo ni Alfonso." Here you go again. Ang puso niya ay nagsimula na namang tumibok ng mabilis. Bakit pilit nitong isinasama ang pangalan ni Alfonso?
"C'mon. Hindi mo kailangang mandamay ng ibang tao. If you have problem with me, just me. Huwag mong idadamay ang iba." Aniya pero sa totoo lang ay kinakabahan na siya. Stalker ba ito at bakit lahat yata ng tungkol sa kaniya ay alam nito?
"Kaya nga kailangan mong makipagkita sa akin. I'll text you the address. Be there on time tomorrow night. Do not bring anyone. Just you and me." Iyon lang at nawala na ito sa linya.
Nakakapagtaka talaga. Even when she found out the truth, no one dared to blackmail her. Even those who are in jail. Maybe... no way...is it Larry's family? Her family? Pero bakit parang mas focus ito kay Alfonso?
Mabilis niyang tinawagan si Almira.
"Tumawag siya at gusto niyang magkita kami." Aniya dito.
"I have a feeling it's not safe to go alone." Komento naman ni Almira.
"Pero sinabi niyang dapat ay ako lang. Almira, just know who owns the number I sent you. Please I just want to know before I'll go and meet him."
Hindi siya kinakabahan para sa sarili. All she cares about is her family. Kapag nabunyag sa media ang sekreto tungkol sa kaniya, siguradong masasaktan ang kaniyang mga magulang lalo na ang kaniyang Mommy. She endured it for a long time. Ngayon at medyo nababawasan na ang sakit na nararamdaman nito sa nakaraan ay parang hindi niya kakayanin na makitang labis na masasaktan ang kaniyang Mommy.
Okay lang na siya ang masaktan. Sanay na siya doon. Pero ang magulang niya? She will not allow it.
Napansin ni Alfonso ang malalim niyang pag-iisip habang kumakain sila. Nagpa-reserve ito sa restaurant kung saan siya nag-take out ng dinner nila ni Almira kagabi. Ibang menu naman ang in-order niya pero parang wala siyang gana. Iniisip pa rin niya kung sino ang taong bukod sa mga magulang niya, kay Larry at kay Almira, sino pa ang nakakaalam ng sekreto niya?
Larry had a family before she was born. May kapatid siya pero ang alam niya ay babae at hindi lalaki.
Nagulat pa siya nang hawakan ni Alfonso ang kamay niya. Napatingin siya dito at nakita niya ang nag-aalalang mga mata nito. "Are you okay?"
Pilit siyang ngumiti dito. "Yeah, medyo napagod lang siguro ako. Tinapos ko kasi lahat ng dapat tapusin, eh."
Pinisil nito ang kaniyang kamay. "Kumain ka muna then we'll go home. I'll let you rest. I'm sorry if you felt pressured because of me. Just please, eat." Anito at kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nito.
Ngumiti nalang siya dito. She was blessed to have Alfonso. And she love him so much. "Thank you, Alfonso." Pagkasabi non ay bigla nalang tumulo ang luha niya. Hindi na niya napigilan kaya naman pinalis na lamang niya.
"If you're not yet ready to tell me, I'll wait. I know I need to earn your trust first. But please, huwag mong hayaan ang sarili mo." Mas lalong tumulo ang luha niya.
"Alfonso stop it." Marahas niyang pinunasan ang kaniyang luha.
Matapos silang kumain ni Alfonso ay totoong hinatid na agad siya nito pauwi. Paanong ang dati niyang kaaway ay kasintahan at minamahal na ngayon? Hanggang saan sila dadalhin ng kanilang pag-ibig?
"Rest. Please do not stress yourself. I'll fetch you again tomorrow. Hindi na surprise." Ngumiti ito.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Alfonso. "I love you, Alfonso." Parang ngayon lang yata niya ito sinabihan ng I love you?
Kitang-kita niya ang saya sa mukha ni Alfonso pagkasabi niya non. Indeed Alfonso was waiting for her. Walang duda. Mabilis siyang niyakap nito ng mahigpit. "I love you more..." anito na parang ayaw na siyang pakawalan pa sa mga bisig nito. Napakasarap sa pakiramdam ng mga yakap nito. She felt secured and okay. Iyong walang ibang iniisip na problema.
"Bakit?" Bigla niyang nasabi dito. Bigla itong lumayo sa kaniya pero hawak pa din ang magkabilang balikat niya. Nagtatanong ang mga matang nakatitig ito sa kaniya.
"Anong bakit? Para saan ang tanong na 'yan?" Naguguluhang balik-tanong ni Alfonso sa kaniya.
Umiling siya. "Bakit mo ako minahal?"
Ngumiti ito. Nagkibit ng balikat. "I also don't know. Ang alam ko lang..." kinuha nito ang kamay niya at itinapat sa dibdib nito. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok nito. "You feel that? Ikaw ang tinitibok niyan at walang ibang dahilan kundi ang mahal ka ng puso ko. Hindi ko kailangan ng ibang dahilan para mahalin ka nito. And don't ever say that you don't deserve my love kasi gasgas na linya na ang ganun. Because everyone deserve to be loved. And I won't ask you why you love me. I feel your love. No more questions."
Mahigpit siyang yumakap dito. Nawawala siya sa pagiging maldita niya kapag si Alfonso ang kasama niya. Damn! She's fragile when she's with Alfonso.
"Please rest. I'll be here tomorrow." Ngumiti si Alfonso at mabilis siya nitong hinalikan sa labi.
"I will. Thank you, Alfonso. Please, take care. Call me when you're home."
Tulala si Sophia sa kaniyang kwarto. Alfonso called when he's home. Sandali pa silang nag-usap at nagpaalam agad si Alfonso dahil naroon daw ang Papa nito pero heto at tulala pa rin siya. Almira also informed her that the number she gave her isn't active. Para sana ma-track nila.
"Damn it. Who are you?" Nasabi nalang niya at na-receive na din niya ang text message nito. It was a warehouse. An abandoned warehouse. Bigla talaga siyang kinabahan. Kung noong una ay kampante pa siya pero ngayon at nalaman niya ang lugar kung saan siya pinapapunta ng blackmailer niya parang nanghina siya.
Hindi siya makatulog. Si Almira lang ang nakakaalam ng problema niya at alam niyang gagawa ito ng paraan para sa kaniya. So hindi na dapat siya kinakabahan. Pero saan nga ba siya natatakot? She had a hint who is his blackmailer. Pero parang ayaw niyang isipin.
Nagulat si Alfonso nang pagdating niya sa kaniyang condo ay naroon ang kaniyang Papa. Kaya naman mabilisan lang ang usapan nila ni Sophia kahit ang balak niya ay hanggat hindi nakakatulog si Sophia ay hindi niya ibababa ang tawag pero dahil naroon ang
Papa at naghihintay sa kaniya ay nagpaalam na din siya agad.
"Pa, what brought you here? Such a surprised. Ako ang laging pumupunta sa bahay. Why the sudden visit?" Inabutan niya ng beer ang kaniyang Papa. Kumain na din naman daw ito.
"I just missed my son. Since your Mama left us, I always feel alone. And I thank you, Son because you are always by my side. Hindi mo ako iniwan agad. Mahirap ang pinagdaanan natin na halos bumigay na ako, pero ikaw ang alaala ng Mama mo. And now, you're making me proud. Hindi mo binigo ang Mama mo at tinupad mo ang pangarap niya para sayo. I hope you're not just pressured by me."
Every time na dumadalaw siya sa Papa niya ay ganito ito. Nami-miss na naman nito ang kaniya Mama. Sabagay, siya nga ay palagi niyang naaalala ang kaniyang Mama. Ayaw niyang makalimutan ang mukha nito dahil bata pa siya nang mawala ito at sa mismo harapan niya pa mismo ito nawala. That man, he took his Mom away. At hindi niya mapapatawad ang lalaking iyon.
"I heard Larry was given a parole. He's outside the jail now. I want him to rot in jail but the government let him out. I will make sure he'll be back in jail."
Nagulat siya sa sinabi nito. His mother's killer was out of the jail? How was that possible? Patong-patong ang kaso nito, ah? "Have you talk to uncle already?" Uncle niya ang chief of police kaya imposible na hindi nito alam o kilala si Larry Andrade. Kung siya ay maari pa dahil bata pa siya noon pero ngayon? Ano ang dahilan at nabigyan ito ng parole?
"Yes." Tipid na sagot ng Papa niya. Kumunot ang kaniyang noo. Mabilis itong tumungga ang beer.
So ayaw ng banggitin ng Papa niya kung bakit? Now he wants to know the answer. Kakausapin niya ang uncle niya kung ayaw ng Papa niyang sabihin sa kaniya ang totoong dahilan.
"And I also heard about you and Sophia. Hindi na kayo magkaaway?" Bigla iba nito ng usapan.
"Pa, I'm sorry if I didn't told you about it. Actually I am planning a visit. And I am bringing her but now that you know already, yes, Sophia is my girlfriend."
Pagkasabi niya noon ay biglang itinapon ng Papa niya ang bote ng beer. Nagulat siya naging reaksyon nito. Bakit? Hindi ba niya gusto si Sophia? And he doesn't remember his Father talking about her back when they were in highschool.
"Stop seeing her. You don't know her." Biglang sabi nito. Seryoso ito at makikita niya ang galit sa mga mata ng Papa niya.
"Why? Give me reason, Papa. Hindi yon dahil sinabi mo lang na hindi ko siya kilala ay susundin ko na ang sinasabi mo. I love her and I want to sp..." naputol ang sinasabi niyang nang magmura ang Papa niya.
"Bullshit! You should stop loving her. Kung ayaw mo siyang labis na masaktan, ngayon palang ay iwan mo na siya." Again, no explanation why. Bakit nagkakaganito ang kaniyang Papa?
"Give me reason, Papa. Why are you against her? And even if you don't like her for me, I would still love her." Matigas na sambit niya. Kahit kailan ay hindi sila nagkaroon ng matinding hindi pagkakaunawaan ng Papa niya pero mukhang heto ang una.
Sarkastikong tumawa ito. "Ask her the reason why. Alam ni Sophia ang rason bakit ako nagkakagnito ngayon. Hindi siya ang babaeng para sayo, Alfonso. Go back to Emmie. She's..." nasabunot ni Alfonso ang kaniyang buhok.
"Pa, stop it. I love Sophia so much and yes, I will talk to her. But do not expect me that after we talked, my feelings for her will change like the way you wanted it."
Pagkasabi non ay iniwan niya ang kaniyang Papa. Dumiretso na lang siya sa kaniyang silid. Now this is bothering him. What secret of Sophia could affect their relationship? Is it that big? Bakit ang Papa niya ay masyadong apektado?