Parang wala sa sarili si Sophia nang bitawan ni Alfonso ang kaniyang mga labi. It was like the first time when she was the one who kissed him. Na umasta pa siyang akala mo ay wala lang sa kaniya noon ang ginawa niyang paghalik dito ngunit simula noon ay naging parang lagi na siyang kabado kapag nakikita niya ito. Magaling siyang umarte dahil wala sinuman sa mga kaibigan niya ang nakahalata ng totoong nararamdaman niya para kay Alfonso.
Muntik pa siyang mabuko ni Almira noon nang minsang makakasalubong niya ito sa pathway ng school at iiwasan sana niya nang bigla nalang sumulpot sa kung saan si Almira at inaabangan yata kung anong pakulo ang gagawin niya para mapansin siya ni Alfonso. Imbes na gawin ang planong pag-iwas ay kunwari nalang natapilok siya ng medyo malapit na siya kay Alfonso at bumagsak siya mismo sa mga bisig nito. She didn't expect that Alfonso would even do that dahil alam niyang galit ito sa kaniya. Then she felt it again, her stomach was like rumbling. Na parang gusto niyang tumakbo sa bathroom. Then she remembered, it was all for the dare. Walang ibang dahilan kung bakit niya ito ginagawa. At kung ano man ang kakaibang nararamdaman niya para kay Alfonso ay kailangan niyang kalimutan at ignorahin.
Pero ganoon nalang ba iyon kadali? That everytime they had an encounter, she always feel something for Alfonso. To the point that when she saw him and Emmie talking together, she felt pain in her chest. Why? Kaya hindi na niya napigilan ang sarili noong prom night nila na nagresulta pa sa pagkakawatak-watak nilang grupo. Yes, she's at fault. At hindi niya iyon maitatanggi. Pero nagbago na siya. Hindi na siya katulad ng dating Sophia na hindi muna iniisip ang gagawin kung ano ang magiging resulta. She's mature now. Or that's what she thought.
"Now, do you really want to walk away from me again and not talk about it?" Seryosong sambit ni Alfonso sa kaniya. Napakalapit pa rin ng mukha nito sa mukha niya.
"Can we talk in somewhere?" Analang niya. Mukhang desidido itong makapag-usap sila.
Ngumiti ito. A genuine smile na ngayon lang yata niya nakita. "Finally! I know a place." Anito at pinagbuksan na siya ng pinto ng kaniyang kotse. Then she wondered. How about his car?
Nang makasakay ito sa driver's seat ay hindi na niya pinigilan pa ang sariling hindi magtanong. "Uh, how 'bout your car?"
Hindi ito sumagot bagkus ay inilahad nito ang kamay sa kaniya. Hindi pa niya na-gets noong una pero kalaunan ay nakuha din niya. Susi nga pala.
She awkwardly chuckled. "S-sorry."
"I'll just text Clint about my car, don't worry." Anito nang makuha sa kaniya ang susi kasunod ng pag-start nito ng engine.
Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin pero hindi naman siya makaramdam ng kaba. Ang tanging nararamdaman niya ay ang bilis ng pintig ng puso niya dahil sa excitement or what pero hindi dahil sa nag-aalala siya.
"How's Almira and the rest of the gang?" Biglang naitanong nito na ikinanganga niya. Ni hindi niya naisip na pwede nilang pag-usapan ang grupo niya.
"I think alam mo naman na dahil sa kagagahan ko noong high-school ay nagkahiwa-hiwalay kaming grupo? I know it's my fault. Madami na akong natanggap na galit sa ibang tao dahil sa ginawa ko..." Isa ka na doon pero sayo ko naramdaman ang pagkapahiya... Hindi na niya naisatinig pa ang huling pangungusap.
Nagkibit ito ng balikat. "Well, yes your group was broke but I think, you and Almira are still friends."
Mukhang wala nga itong alam sa totoong nangyari sa grupo niya. Sabagay, kahit siya ay wala na ding balita sa El Gwapitos kung sila-sila pa rin ba sa grupo o hindi na na sinabi naman ni Alfonso na hindi pa naman daw nabubuwag ang grupo nila. It's just that he was more productive in performing kaya dalawa na ang banda nito.
"Sorry, if you don't want to..." she cut him off. Hindi naman siya umiiwas. Besides, she's okay with the other girls now. Maliban sa ex ni Alfonso na si Angel Emmie.
"We're okay. I actually ask for their forgiveness. It's a long overdue but still, I tried." Biglang parang may dumaan na anghel sa pagitan nila dahil sa sinabi niya. She cleared her throat. "I-I also want to say sorry, Alfonso." Aniya nang hindi niya ito tinitingnan. Ramdam niya na napalingon ito sa kaniya.
Sorry not just for what happened between them in the past but because of what happened to his mother. Wala siyang kasalanan pero isa siyang alaala ng pangit na nakaraan. Kahit na hindi alam ni Alfonso, hihingi pa rin siya ng sorry. In time, she will have the courage to tell him the truth. Kung sino talaga siya.
Wala siyang narinig na salita mula kay Alfonso. That's the time she face him. Seryoso ang mukha nitong naka-focus sa daan. Akala niya ay hindi na ito kikibo pero nagulat siya nang bigla itong magsalita.
"I don't know what's gotten into you why you became that brat. Ang natatandaan ko kasing Sophie ay sweet and jolly. Remember those days when we were little? Sa park? Na kapag nakita tayo ng Mommy mo na naglalaro bigla nalang siyang nagagalit at nilalayo ka niya sa akin that I don't know why."
Bigla tuloy bumalik sa kaniyang alaala noong mga panahong hindi pa niya masyadong iniinda ang pambabalewala ng Daddy niya sa kaniya. At kapag ipinapasyal siya ng yaya niya sa park ay nakikipaglaro siya sa mga tulad niyang bata roon. Kasama na si Alfonso na siyang palagi niyang kalaro. At doon palang, pilit na siyang inilalayo ng Mommy niya dito. That explains why her parents send her to different school.
Natawa siya. She remember how pathetic she was before. Sweet, huh? "I am not sweet, Alfonso. I just need some company kasi bored ako sa bahay." Kaila niya. She wants to maintain her maldita image now.
"Whatever you say, I know you very well, Sophia."
Napatitig siya dito. 'No, Alfonso. You don't know anything about me. And I don't think you have to know it now.' Nasabi na lamang niya sa sarili. Nalungkot siya sa isiping iyon.
"Really, huh? I don't think so, Alfonso. Akala mo lang kilala mo na ako, pero hindi."
"Try me, then." Anito. Napansin niya medyo mabagal na ang takbo ng sasakyan.
Napatingin muna siya sa labas at natanto niya kung nasaan sila. They were at St. Louis Academy. Its been ages since she visit the school. Wait! Are they allowed to enter the campus?
"Manong Medi is still the guard here. So don't worry, he'll let us in." Tila nabasa naman nito ang nasa isip niya.
"Why here?" Tanong niya dito na hindi naman nito sinagot. Tumahimik nalang din siya at hinayaan na imaniobra ang sasakyan. Nakita nga niya si Manong Medi, ibinaba ni Alfonso ang bintana para makita sila ng matandang guwardiya at sinaluduhan pa ito ni Alfonso. Ngumiti ang matanda sa kanila at tumango. Mukhang plinano na ni Alfonso ito. Or, was she just imagining things?
Pagka-park ni Alfonso mg kotse ay agad itong lumabas at mabilis siyang pinagbuksan. Naglahad ito ng kamay pero hindi niya kinuha. She's feeling something strange. Pinagti-tripan ba siya ng lalaking ito?
"I can manage." Sabi pa niya dito na ikinatawa nito. She rolled her eyes at him. Pagkababa ay huminga siya ng malalim at hinarap niya ito. "What's your plan? Pinagti-tripan mo ba ako? Bakit dito? Bakit hindi nalang sa restaurant o kahit sa isang convenience store or kahit sa park nalang? Ano'ng meron at bakit dito?"
"Dahil dito sa lugar na ito muli kong nasilayan ang dati kong kaibigan na si Sophie. Na kahit na kapit-bahay kita sa village ay hindi kita nakikita. Then you transferred. I never thought you'd form a group like that. The sweet little Sophie is now grown up. At marunong ng mambully. You know what? I don't know if you need to know this but, I always remember you for your sweet gesture. Na kahit noong inis na ako dahil masyado ng malayo ang kaibigan kong Sophie noon sa Sophie na member ng El Fashionista ay pilit ko pa rin iniisp na baka may dahilan. Na baka part lang ng pag-mature natin. And then, you became the reason why Emmie broke up with me and then she joined your group."
Wait! What!? Parang anggulo. Naintindihan niya ang mga naunang sinabi nito pero ang huling pangungusap nito? Bigla muling bumilis ang t***k ng puso niya. Ano ang ginawa niya at siya ang naging dahilan ng break up ng dalawa? Na siya din ang dahilan kaya sumali si Emmie sa El Fashionista? Why? Break na sila noong maisip nila ang dare at member na ng El Fashionista noon si Emmie bago pa ang Dare. What on earth?!
"Alfonso, ano'ng pinagsasabi mo? Anong trip 'to? Bumabawi ka ba sa ginawa namin noon? Kaya ka ba nagtatanong tungkol sa nakaraan? Kaya ba pilit mong ibinabalik ang matagal ng tapos na?" Hindi na niya napigilan ang inis niya.
Gustong hawakan ni Alfonso ang kamay niya pero hindi niya iyon pinayagan. Naghintay siya ng sagot mula dito. "Fine! Franco asked me to do this. Naikwento ko kasi sa kaniya na nagkita tayo. And that I invited you to watch my gig. Pero hindi ko naman ginawa ang sinabi niya. At ang sinabi ko tungkol sa amin ni Emmie at sayo ay totoo. Hindi..." pinutol na niya ito. That explains everything at tama na. Tama lang na pinigilan niya ang damdamin niya para dito.
"See? I knew it! Ramdam kong may mali at hindi ang isang Alfonso ang bigla nalang lalapit sa akin. Ano'ng connect ng school sa ating dalawa? C'mon, hindi kayo magaling gumawa ng kuwento, Alfonso."
"I told you, totoo ang mga sinabi ko. Hindi ko sinunod ang sinabi ni Franco na bolahin ka. Tanging ang sinabi niyang makipagkita ako ng madalas sayo ang sinunod ko dahil iyon din naman ang gusto kong mangyari." Paliwanag nito.
"Huh? Alfonso, don't you have your own decision now? Bakit ka susunod lang sa gusto ng iba?"
"You don't really get it, Sophie. Do you?"
"Paano ko maiintindihan kung magulo ka kausap?" Napalakas yata ang boses na ikinagulat ni Alfonso maging siya ay nagulat sa pagtataas ng boses.
"Franco knew that I like you. And the rest of the band." Anito saka parang nahihiyang nagyuko. She even noticed him licking his lips.
Muling bumilis ang tahip ng kaniyang puso. Si Alfonso lang talaga ang nakakagawa nito sa kaniya. Na halos gustihin na niyang ilabas ang puso para lang mapakalma sa pagtibok. Muli itong tumingin sa kaniya. Mas intense na ngayon ang titig niya. Na parang sakop na nito ang buong kaluluwa niya.
"They knew! And you won. Panalo ka sa Dare niyo. You make me fall for your wicked tricks. That the mischievous chic, Sophie captured me. How's that, huh? Didn't you even noticed it?"
Ngayon, parang umurong ang dila niya. How did they end up like this? Alfonso expressing his feelings for her? How sincere he was? And even if he's sincere, she doesn't have to entertain it. Dahil kapag nalaman ni Alfonso ang totoo niyang pagkatao, siguradong pareho lamang silang masasaktan.
"Cut your tongue?" Nakuha pa niyong magbiro.
"Alfonso, I think it was all in the past. I'm sure, nag-iba na ang nararamdaman mo ngayon para sa akin. At hindi rin naman natuloy ang dare namin dahil sa nangyari." Pilit niyang binabalewala ang binata. They need this. She needs to push him away.
"But I remember the days when I wasn't aware that you're just seducing me because of your damn dare. At hindi rin ako aware sa sarili ko na hinahanap-hanap ko na ang mga ginagawa mo para lang mapansin kita. Na kahit hindi ka na nagpapapansin, ikaw na lang lagi ang napapansin ko." Then it hit her again.
Iyong sakit na parang pinipiga ang puso niya. How does Alfonso do it to her? Ang mga iba-ibang feelings na nararamdaman niya para dito.
"Alfonso, stop bringing back the past. Tapos na iyon. Nakaraan na. Move on na tayo sa mga buhay matin ngayon. And besides, I don't really care if you fall for me then. It's all for fun. So stop it now!" Analang niya para tumigil na ito. She needs to bring back the maldita Sophia para mainis si Alfonso sa kaniya at tigilan na ang pinagsasabi nito.
Naptulala lang lalo siya nang magsalita ito.
"Don't worry. I won't bother you anymore after this. Gusto ko lang naman sabihin sayo ang totoong nararamdaman ko. And, it's not just in the past, Sophia. Dahil habang lumilipas ang araw at taon, mas lalo kong napagtanto na lumalalim lalo ang nararamdaman ko para sayo. I even stalk your social media." Napanganga na siya lalo sa huling sinabi nito.
She awkwardly laugh at his sentence. "Alfonso, hindi mo na ako kailangang bolahin. Okay, I forgive you. If that's what you want to hear. Pero, let's halt here. You are successful now and so I am. You can even do your hobby. Kaya tama na. Tigilan na natin 'to. Okay?"
Gusto niyang palakpakan ang kaniyang sarili dahil diretso niyang nasabi ang mga salita. Ito ang tama.
"Gagawin ko kung ano ang gusto mo. Just let me tell you what I really feel for you. Hindi ito dare tulad ng iniisip mo pero hindi kita pipiliting maniwala. Let me love you even just for tonight, Sophia."
Heto na naman ang sakit sa dibdib niya. Paulit-ulit niyang nararamdaman. "Alfonso..." then he caress her face. Hindi niya tuloy napigilan na hindi ipikit ang kaniyang mga mata at damhin ang pagdampi ng balay nito sa balat niya.
Ramdam niyang lumapit pa ito sa kaniya dahil langhap na niya ang paghinga nito. Nang mamgmulat siya ay titig na titig ito sa kaniya. She can feel his breath on her face but she is more aware of his intense stare. Punong-puno ito ng emosyon. Love. Yes. It is love. Pero hindi niya pwedeng pagbigyan ang sarili. Pareho lamang silang masasaktan kapag nalaman nito ang totoo niyang pagkatao.
"Please..." halos maiyak na siya. Hindi niya alam kung ano ang ipinapakiusap niya dito. Pero malungkot itong ngumiti.
"I just realize something in the past that Emmie was right all along. I was always comparing you to her. That I just court her because I miss the old Sophie. Damn! I am such a jerk!" Pagkasabi niyon ay hinapit siya nito sa beywang at mahigpit siyang niyakap. She can hear their heartbeat. It's like, they have the same rhythm. The music of love.
Kung sana ay hindi nangyari ang nakaraan. Kung sana ay anak siya ng Daddy niya. Sana, sana hindi namatay ang Mama ni Alfonso.