PAGKA-GRADUATE ng high school, sinubukang umuwi ni Santino sa San Pioquinto hanggang sa maaari. Hindi naging madali dahil bukod sa nag-aaral siya noon ay nagtatrabaho rin. Ang huling uwi niya ay noong nakipaghiwalay siya kay Aurora. Hindi na siya lumingon mula noon.
Hindi sigurado si Santino kung paano siya nagpasyang umuwi sa munting bayan sa norte na limang oras ang biyahe mula sa Maynila. Siguro ay nais niyang pagbigyan si Teresa. Marahil ay ang sarili niya ang nais niyang pagbigyan. Nais niyang makita si Aurora at makumusta. Nais niyang sabihin na masaya siya para sa dating nobya. Nais din marahil niyang malaman kung napatawad na siya.
Nadismaya siya sa nalaman na ikakasal na si Aurora ngunit kaagad ding nabatid ni Santino na wala siyang karapatang makaramdam ng kahit na ano maliban sa kaligayahan. Matagal na siyang hindi kasali sa buhay ni Aurora. Hindi naman siguro niya inaasahan na patuloy siya nitong mamahalin magpakailanman. Nagpakasal siya sa ibang babae. At magpapakasal na ito sa ibang lalaki.
Kahapon, natagpuan ni Santino ang sarili na iniipon ang lahat ng kanyang naaalala tungkol kay Diosdado Macapagal, ang mapapangasawa ni Aurora. Hindi niya maalala na naging malapit silang magkaibigan ng lalaki. Santino was a transfer and Diosdado had been with the other guys since elementary. Nagkakalaro sila ng basketball ngunit hindi talaga nakapagkuwentuhan o nagkapalagayan ng loob. Hindi yata niya nalaman kung saang baranggay nakatira ang lalaki.
Naalala ni Santino na palaging magkatabi sa seating arrangement sina Diosdado at Aurora. They were good friends.
“Alam mo, conincidence lang talaga minsan... o parati. Basta mula noong elementary, eh, magkatabi na kami ni Dado sa mga seating arrangement. Minsan nasa harapan, minsan nasa likuran. Hindi kami nagkakalayo. Ako lang ang nakakaintindi ng penmanship niyang mukhang penmanship ng doktor kaya ako lang ang nakakakopya sa kanya. Ako lang din ang humihiram ng notebook niya.”
Nailalarawan niya sa kanyang diwa si Aurora na ikinukuwento sa mga anak ang paraan ng pagkakakilala nito sa napangasawa.
“Mga anak, hindi kailanman nawala sa tabi ko ang tatay n’yo...”
Napangiwi si Santino sa naging takbo ng kanyang imahinasyon. From what he remembered, Diosdado was a good man. Tiningnan ni Santino ang f*******: profile ng lalaki. Mukhang naging mabait din ang buhay para sa lalaki. Isang seaman si Diosdado. Maraming larawan si Aurora sa albums. Isang partikular na larawan ang kinopya niya. She was on a scooter. Suot ni Aurora ang teacher’s uniform nito. She looked so cute and so adorable.
Aurora seemed happy and content.
Hindi naman planong sirain ni Santino ang kaligayahan na iyon. Wala rin siyang planong pigilan ang nakatakdang kasal. Baka nga hindi siya lumapit o magpakita sa dating nobya. Wala talaga siyang plano nang mapagpasyahan niyang umalis ng madaling araw upang magtungo ng San Pioquinto.
Pagpasok pa lang ng sasakyan ni Santino sa arko, kaagad niyang napansin na marami na ang nagbago sa simpleng bayan na naging tahanan para sa kanya sa loob ng tatlong taon. Mas malaki at mas maganda na ang public elementary school. Base sa nabasa niya, hindi na lang iyon eskuwelahan para sa mga elementarya. Mas maganda na rin ang plaza. Wala na ang mga lumang palaruan. Mayroon ng bus station. Ang palengke ay mas lumawak at gumanda. Mayroon ng grocery story at maliit na department store. Mayroon na ring resort at maliit na hotel. Wala pang fastfood at bangko ngunit magkakaroon din marahil.
Alam ni Santino na sampung taon na ang nakalipas ngunit namangha pa rin siya sa napakaraming pagbabago sa bayan. He had always thought San Pioquinto as a gray and monotonous town. Laking-Maynila talaga siya kaya naman namamangha siya sa tuwing napapadpad sa San Pioquinto.
Noong high school siya, maituturing na mahirap na pamayanan ang San Pioquinto. Mangilan-ngilan lang ang maituturing na may kaya. Ngunit malawak-lawak ang sakahan. Halos lahat ng tatay sa komunidad ay pagsasaka ang ikinabubuhay. Hindi kailanman nakita ni Santino ang sarili na nabubuhay sa pagsasaka. May munting sakahan noon ang Tiyo Rodel niya ngunit iba ang nagtatanim at nangangalaga dahil may puwesto noon sa palengke ang tiyuhin at tiyahin. Sa puwesto nakatuon ang lahat ng atensiyon at panahon ng pamilya. Naipagbili ang maliit na lupa na iyon noong magkasakit ang matanda.
Dahil araw ng Linggo, maraming tao ang nagsisimba. Malaki na rin ang ipinagbago ng simbahan. Mas matayog at mas marangya na iyon kaysa sa naaalala niya. May magandang hardin sa may gilid at palaruan. Bago pumasok sa side entrance ay nakita pa ni Santino ang pagparada ng isang puting bridal car. Hindi tinted ang sasakyan kaya nakita niya ang bride sa may back seat. Hindi napagmasdan ni Santino ang mukha ni Aurora dahil ibinaba na ng kasama nito sa sasakyan ang belo. Sigurado si Santino na si Aurora iyon gayunpaman. Bumilis nang bahagya ang t***k ng kanyang puso.
Bahagya rin siyang natakot kaya pumasok na siya at naupo sa may gilid. Sinikap niyang kalmahin ang sarili bago magmartsa ang bride. Palabas na ang mga taong nagsimba. Sinimulan na ang paghahanda para sa gaganaping kasal. Walang nakapansin sa kanya, abala ang lahat para sa kasal.
Ipinikit ni Santino ang mga mata at hindi niya napigilan ang pagdagsa ng alaala.
“Bongga ang gusto kong kasal. Destination wedding?” Umiling-iling si Aurora. Nasa simbahan sila nang Linggo na iyon. Tapos na silang mag-misa ngunit hiniling nitong panoorin muna nila ang pagmamartsa ng mga ikakasal sa susunod na misa bago umuwi. “Okay `yon pero mas gusto ko yata ng church wedding. Sasakalin ako nina nanay at tatay kung hindi mababasbasan ng simbahan ang kasal ko sa simbahan. Gusto ko maraming sariwang bulaklak sa loob ng simbahan. Puti tsaka pink. At red. Basta maraming kulay. Gusto kong maglakad sa rose petals.”
May mga sariwang bulaklak sa simbahan ngunit nakulangan si Santino. Red carpet ang nasa sahig, walang anumang rose petals. Puro puti ang mga bulaklak. Maganda naman ang pagkakaayos ng simbahan, hindi lamang ganoon ang naimahe ni Santino sa kasal ni Aurora. Alam niyang sampung taon na ang nakalipas at marami na ang nagbago. When you’re young, you’re a little naive and ideal. Things don’t turn out the way you want them to be. Ngunit may malaking bahagi pa rin kay Santino ang naiinis dahil hindi napuno ng sariwang bulaklak na iba-iba ang kulay ang buong simbahan. Kahit na hindi na siya sigurado sa mga gusto ni Aurora, hindi niya mapahupa ang inis.
Mula sa distansiya, nakita ni Santino ang groom. He was wearing a suit. A cheap one. Santino had loads of custom-made suits. He was immediately disgusted with himself. The groom looked good. Sa pamantayan marahil ng karaniwang tao, hindi mumurahin ang suit na iyon. He had been poor most of his life. Hindi niya maaaring matahin ang suit ni Diosdado.
“Barong ang isusuot mo. Ayoko ng amerikana o tuxedo. Parang stiff kasi. Mas magandang tingnan kung Barong. Hindi pamburol na barong. Iyong sosyalin na Barong na may magandang burda. Tapos naka-brush up ng ganito ang buhok mo.” Pumaloob ang mga daliri nito sa kanyang buhok at hinawi ang mga buhok na bahagyang tumatabing sa kanyang noo. “Siguradong poging-pogi ka sa kasal natin, Santi.”
“Wala ba akong magiging opinyon sa susuutin ko at magiging hitsura pagdating ng kasal natin?” nakangiting tanong ni Santino. Waring lomolobo ang kanyang puso sa labis na pagmamahal at kaligayahan. Mas lumilinaw sa balintanaw niya ang mga sinasabi ni Aurora. Magiging perpekto ang kanilang kasal pagdating ng panahon.
“Wala,” ang nakangising tugon nito. “Magiging under ka sa akin mula sa araw na mag-propose ka.”
Noong mga panahon na iyon, kumbinsido silang dalawa na sila ang magkakatuluyan. Sila ang nakalaan para sa isa’t isa. Hindi nila kayang tanggapin ang ibang posibilidad, ang ibang bukas.
Nagsimula na ang seremonya. Naunang nagmartsa si Diosdado kasama ang mga magulang nito. Pamilyar sa kanya ang ilan sa wedding entourage. Nakilala ni Santino ang mga nakababatang kapatid ni Aurora na sina Aisa at Anabelle. Parehong bridesmaid ang dalawa. Hindi man niya maalala ang pangalan, namukhaan niya ang ilang kaklase noong high school. Maid of honor si Soleng.
“Si Soleng siyempre ang maid of honor. Usapan namin iyon noon pa. Kahit na ano ang mangyari, kahit na magtampo ang dalawang kapatid ko, maid of honor si Soleng.”
Natutuwa siyang malaman na hanggang sa ngayon ay mukhang walang gaanong nagbago sa pagkakaibigan nina Aurora at Soleng.
Isang malamyos na tinig ang pumailanlang sa buong simbahan. Tiningala ni Santino ang balcony kung saan naroon ang isang babae at isang lalaking nakapuwesto sa antigong piano. Naiba na ang musikang tinutugtog ng pianista at naghanda na sa pagkanta ang babae.
“Gusto ko ng wedding singer. Kahit na hindi na sikat na singer, basta maganda ang boses.”
Wala pang naiisip na wedding song noon si Aurora ngunit nagustuhan niya ang pinili nito para sa espesyal na araw na iyon. Ibinuka ng wedding singer ang bibig at pumailanlang ang maganda nitong tinig sa loob ng simbahan.
“At last... My love has come along. My lonely days are over. And life is like a song... Oh, at last.”
Aurora walked on the aisle. Natigil sa paghinga si Santino. Aurora was the most beautiful bride. Breathtaking. Kahit na natatakpan ng belo ang mukha nito, nakikita pa rin niya ang ngiti sa mga labi nito. Her parents were giving her away. Ngiting-ngiti ang ina nito. Waring naiiyak naman ang ama nito.
She walked like a dream. Hindi alam ni Santino ang ibig sabihin ng salaysay na iyon hanggang nang mga sandaling iyon. Produkto marahil ng imahinasyon ni Santino at siya lamang ang nakakakita ngunit waring kumikinang si Aurora. Parang napaka-magical ng paraan ng pagsinag ng liwanag sa bride. They were walking slowly. She was walking toward her groom.
“Ikaw, ano ang plano mo sa traje mo?” tanong ni Santino habang pinapanood si Aurora na pinapanood ang paglalakad ng bride sa aisle. Bahagyang nakaawang mga labi nito sa pagkamangha. Napakaganda ng kanyang nobya. Sa kanyang isipan, ipinapangako na niya sa sarili na tutuparin niya ang dream wedding ni Aurora balang-araw. Ibibigay niya ang pinakaperpektong kasal para sa pinakamamahal na nobya.
Pinanood muna ni Aurora ang bride na makarating sa altar bago siya nito nilingon, nakangiti. Kung wala lang sila sa simbahan ay malamang na nahagkan na niya ang malalim na dimple sa kanang pisngi nito. “Wala pa talaga. Hindi ko pa ma-imagine nang malinaw pero may mga ideya na ako. Sigurado na ako sa mga gusto ko. Gusto ko ng simple at elegante. Ayoko ng may malalim na cleavage. Ayokong masyadong ma-expose ang likod ko. Gusto ko ng malambot na tela. Iyong makakahinga ako at makakagalaw nang komportable. Ayoko ng stiff. Ayoko rin na masyadong malaki o mabigat ang palda. Ayoko ng pagkahaba-habang buntot. Ayokong masyadong makinang. Ayoko rin ng masyadong puti.”
Aurora had her perfect gown now. It was simple, elegant and very lovely. It was a sleeveless ankle length wedding gown. The skirt was made of soft fabric and it moved ever so elegantly with each step. Hindi gaanong makinang ang gown ngunit may mangilan-ngilang palamuti sa bodice. Her hair was in a neat bun. She was holding a lovely bouquet of flowers. Iba-iba ang kulay.
Naramdaman ni Santino ang paninikip ng kanyang lalamunan. Bahagyang namasa ang kanyang mga mata. Bahagya siyang nagulat sa naging reaksiyon. Hindi kasi niya gaanong maipaliwanag ang nadarama. May bahagi sa kanya ang nanghihinayang at nalulungkot. Nahiling niyang sana ay inagahan niya ang pagbabalik. Inisip niya na baka nagkaroon pa siya ng pag-asa. Ngunit talaga bang kaya niyang bumalik nang mas maaga? Hindi niya iyon kayang sagutin.
At may bahagi kay Santino ang totoong masaya para kay Aurora. She seemed happy and content. Wala siyang karapatang guluhin iyon pagkatapos ng ginawa niyang pagtalikod maraming taon na ang nakakaraan. She deserved this happiness. She deserved this love. She deserved all the wonderful things in this world.
Santino was genuinely happy he had come and witnessed her wedding. Because he realized he loved her. He would always, always love her. Aurora Mendez owned a piece of his heart. She would always own a piece of his heart.
“And here we are in heaven. For you were mine at last...”
Nakarating na sa altar sina Aurora na niyakap at hinagkan ang mga magulang bago hinarap si Diosdado. Dahil nakatuon lang kay Aurora ang mga mata at atensiyon ni Santino, hindi niya nakita ang kakaibang ekspresyon ng mukha ng groom. Ekspresyon na malayo sa pagiging masaya na ikasal sa pinakamagandang bride.
Nagsimula na ang pari sa seremonya. “Ladies and gentlemen. Friends and loved ones of Aurora and Diosdado...” Tumayo na si Santino. Hindi na marahil niya kailangang masaksihan ang buong seremonya. He had found and seen what he came here for. Oras na upang balikan ang kanyang malungkot na buhay sa siyudad. Dalangin niyang huwag na sana siyang dalawin ni Teresa sa panaginip.
“If anyone here knows of any reasons why these two shouldn’t be married, speak now or...”
Isang hakbang na lang at nasa labas na ng simbahan si Santino nang marinig niya ang malakas na pagsinghap ng ilang tao sa simbahan. Halos wala sa loob na lumingin siya upang alamin kung ano ang nangyayari. Hindi kaagad niya nabatid kung ano ang nagaganap. Nakatayo si Aisa, ang kapatid na sumunod kay Aurora. Nakatingin ang ikinakasal kay Aisa. Namumutla ang mukha ni Diosdado. Itinaas ni Aurora ang nakatabing na belo sa mukha nito, kunot na kunot ang noo.
Sa loob ng ilang sandali, hinayaan ni Santino ang sarili na pakatitigan ang napakagandang mukha ng dating nobya. Natauhan lamang siya nang biglang bumaba si Diosdado sa altar, iniwan si Aurora at nilapitan si Aisa. Kaagad nang naiproseso ng kanyang isipan ang nangyayari ngunit hindi pa rin niya magawang mapaniwalaan.
This kind of thing—drama does not happen in a small town like San Pioquinto. Ni hindi nangyayari ang ganoon sa totoong buhay, sa mga palabas lang sa telebisyon at pelikula. Hindi posible. Hindi maaaring mangyari lalong-lalo na kay Aurora.
Namutla si Aurora nang hawakan ni Diosdado ang kamay ng nakababata nitong kapatid. Katulad niya, alam na rin nito ang nangyayari ngunit hindi pa rin nito matanggap. Napailing-iling ang bride.
Tahimik na tahimik ang buong simbahan. Waring hindi malaman ng lahat ang gagawin o sasabihin. Maging ang mga bata na karaniwang makulit at maingay sa gaanong seremonya ay gulat na gulat at hindi makagalaw sa kinauupuan. Tumikhim ang pari, sinubukang magsalita ngunit hindi nagtagumpay kaya muling tumikhim na lamang. Iyon marahil ang unang pagkakataon na nangyari ang ganoon.
“I’m sorry, Aurora,” wika ni Diosdado sa basag na tinig. “H-hindi... H-hindi...”
Si Aisa ang tumapos ng nais sabihin ni Diosdado. “Hindi ka niya mapapakasalan dahil ako ang talagang mahal niya.”
Hindi nakaligtas kay Santino ang yabang at pagmamalaki sa tinig ng nakababatang kapatid ni Aurora. Mas namutla si Aurora. He couldn’t imagine what she had been feeling at that moment. Wala sa loob na napahakbang siya pabalik sa loob ng simbahin, palapit sa kinaroroonan ni Aurora.
“Eh, walanghiya ka pala, eh!” ang galit na bulalas ni Soleng. Nakalimutan na ng matalik na kaibigan ni Aurora na nasa simbahan sila.
Mas binilisan ni Santino ang paghakbang palapit. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na ganito ang kinahantungan ng lahat.
Nagkagulo na sa loob ng simbahan. Narinig na ni Santino ang samu’t-saring tunog. Mukhang handa nang sugurin ni Soleng sina Diosdado at Aisa base sa mga singhal nito. Nakarinig siya ng iyakan. May ilang nagmumura na at pilit na pinaalalahanan ng pari ang lahat na kumalma at alalahaning nasa tahanan sila ng Panginoon.
Walang nakatingin kay Aurora bukod kay Santino. Walang lumalapit at yumayakap. Ang atensiyon ng karamihan ay na kina Aisa at Diosdado.
“Auring,” ang usal ni Santino nang makalapit siya.
Wala sa loob na nilingon ni Aurora ang lalakig tumawag sa pangalan nito. Nakita ni Santino base sa bahagyang pangungunot ng noo nito na hindi siya nito nakilala. Hindi naman niya masisisi ang dating nobya. Ibinaon na marahil siya nito sa limot. Idagdag pa ang kaguluhang nangyayari sa simbahan, sa seremonya mismo ng kasal nito. Pinanood niya ang unti-unting pagbalatay ng rekognasyon sa mga mata nito.