NAHIHIRAPAN din si Jae lalo pa't hindi iyon ang naging huli nilang pagkikita ni Khlar. Simula pa lang pala iyon dahil kinabukasan ay hindi na ito natigil.
Naroon si Khlar twing nanaisin niyang magpunta sa foodcourt, andoon si Khlar sa gate at madalas na nag aabang sa pag uwi niya. Andoon si Khlar sa madalas na lugar niya twing nag aabang ng masasakyan pauwi.
At hindi rin naging madali para sakanya na paulit ulit tanggihan at paalisin ang binata.
Mahal niya si Khlar. Alam niyang matagal na iyong naroon pero nito niya lang nagawang aminin sa sarili.
Mahal niya ang binata kaya ganon na lang rin ang hirap na nararamdaman niya twing pinipilit niya itong lumayo. Hindi niya iyon ginusto, pero tiyak na kailangan niyang gawin.
Isa pa, para kay Khlar din naman ang mga iyon.
"—congrats, Jae!"
Nagpalinga linga siya, sa mismong harapan ng mga nakangiti niyang kaklase.
"H-Huh?"
Sa mga nagdaang araw, hindi na nito mahagilap ang sarili.
"Jae! Ikaw yung highest sa exam! Congrats." Napatango tango pa siya kahit hindi halos pumapasok sa sistema ang sinasabi ng kaklase.
"Salamat," palagi ang sagot at sinasabayan niya pa ng ngiti. Natatawa siya sa sarili, noon kasing kinulong ito ng ama ay wala itong ibang ginawa kundi magbasa ng iilang modules sa klase—cover to cover pa.
Kung hindi pa pala siya makukulong ay hindi niya pa magagawa ang mga 'yun. Pasimple siyang natawa sa sarili. Ginagawang pasayahin ito para kahit ganon ay makalimutan ang mga problema pang naiisip.
Simula ng magkagulo, hindi pa nito nakakausap si Mama Lara ng matino. Gaano man nito gustuhin ay hindi na niya halos alam kung paano lalo pa't pinangungunahan siya ng kaba.
"Jae, please. Help yourself, hindi pupwedeng maging ganyan ka lang araw araw." Pagkukumbinsi ni Red dito, hapon at inuubos ang oras sa Gracianas.
"Totoo, Jae. Naiintindihan namin kung malulungkot ka pero ikaw at ikaw lang rin ang makakaahon sa sarili mo. Andito lang kami parati, pero dapat andyan din palagi ang sarili mo sayo."
Naririnig nito ang mga kaibigan pero hindi siya sigurado kung pumapasok iyon sa sistema niya.
Isa lang ang nasa isip nito: Khlar Romero.
"PERO bud, napag usapan na natin to ng mga kaibigan niya diba? Hindi kaya mapahamak naman niyan si Jae sa pinaplano mo?" Agad na umiling si Khlar sa sinabi ni Axl. Ginugol niya ang buong gabi para makapag isip at maayos ang pinaplano, hindi na siya pwedeng magback out ngayon.
Saka kung hindi talaga magagawan ng paraan, ipinangako na niya sa sariling huli na iyon.
Huli na.
"I love Jae, Ax. Kung titigil ako ngayon at hindi ito gagawin, hindi ba parang naging mababaw lang ang pagmamahal na 'yun?" Sa pagkakataong iyon, si Axl naman ang napailing.
Kilala niya si Khlar, alam niyang wala nang makapipigil sa kaibigan.
"Aalis kayo?" Hindi naman makapaniwalang tumawa si Neil, hindi na mawari kung ano ang nangyayari sa kaibigan. "Bud! Nag aaral si Jae! Marami rin yung gustong tuparin para sa sarili niya. Magiging selfish ka kung uunahin mo pa 'yan."
Nag iinit na ang ulo niya, hindi siya nakakuha ng maayos na tulog para pag isipan ang lahat ng ito pagkatapos ay makakakuha pa siya ng ganyang komento galing sa kaibigan?
"Neil, I am trying to save her!—"
"No, you are trying to make her suffer more!"
Naipikit niya ang mata sa narinig. Hindi na niya maintindihan ang nangyayari. Paanong dadagdag si Neil sa mga naiisip niya?
"Gagawin ko ang sa tingin kong tama. Gawin mo rin ang iyo." Tinapunan niya ng masamang tingin ang dalawang kaibigang naroon bago umalis.
Mainit ang ulo niya, okay? Napapagod na rin siya kakaisip ng iba pang paraan para makausap at makasamang muli ang dalaga.
Ilang araw na siyang hanggang sunod lang dito, at hindi na niya hahayaang maulit pa iyon sa ngayon.
He'll take Jae, bahala na kung anong maging resulta nun sa ngayon basta magawa niyang maalis si Jae sa puder ng ama.
Pagod na siyang makitaan ang dalaga ng mga panibagong pasa twing may pagkakataong mababalingan niya ito.
Alas kwatro ng hapon, sinakto nitong uwian ng dalaga para mag abang siya sa tapat ng Gate 2. Hindi naman naging matagal ang pag aantay niya dahil agad ding lumabas doon si Jae.
Doon palang siya nakaramdam ng kaba sa naiplanong gagawin. Kung ano man ang mangyari, ang mahalaga ay ginawan niya ng paraan. At ipinangako niyang huli na ito kung hindi pa rin siya mabibigyan ng tsansa.
"Jae!" Hindi na niya inantay magsalita ang dalaga, agad agad niya iyong hinila papasok muli sa campus. "Khlar, ano ba!"
May iilang estudyanteng tumitingin pero hindi iyon pinansin ni Khlar. Deretso lang ang mga lakad habang hinihila si Jae. Sinigurado naman niyang hindi iyon maano o masasaktan.
Nang makarating sila sa gilid ng BU grounds, doon niya palang nagawang bitawan ang nanggagalaiting dalaga.
Katulad ng nasa plano, kailangan niya munang tanungin ang dalaga tungkol sa estado nila pagkatapos ay itutuloy niya ang binabalak. He needs to clear things. Kailangang malinaw muna kung ano silang dalawa ni Jae bago niya ito ilayo.
"What the hell is your problem, K?"
K.. ah, he missed that.
Hindi na napigilan ang pagngiti. "Dinala mo ko rito para panoorin kang ngumiti?"
Nalukot tuloy ang mukha niya sa pagkakataong iyon. Kapagkuwan ay nag ayos ng sarili para makapagpatuloy.
"Jae, why? Bakit mo ko iniiwasan?"
Matagal na niya iyong gustong itanong, unang una sa lahat. Gusto niyang malaman kung galit ba ito sakanya o kaya siya iniiwasan dahil sa banta ng ama nito.
Gusto niyang kumpirmahin ni Jae iyon sa harap niya mismo.
Walang naging sagot si Jae pero alam niyang hindi ito mapakali dahil sa hindi mapirmi nitong tingin. "Jae.. please. I've been reaching out these past few days, gusto kong malaman kung bakit? Kung anong nagawa ko?"
Bumuntong hininga muna si Jae bago sumagot. Ito na nga ang kinatatakutan niyang mangyari. Ayaw niyang dumating ang puntong katulad nito dahil paniguradong hindi nito magagawang aminin ang totoo.
Takot na takot siya, hindi man makumpirma pero may hinala na siyang pinasusundan siya ng ama nito kaya siguradong magkakagulo kapag nalaman nito ang nangyayari ngayon.
Paano siya makakalusot sa tanong ni Khlar?
"Kailangan. Kaya please, tigilan mo na ako. Hindi na ako pupwede. Wala namang mawawala dahil hindi naman tayo." Mabibigat ang pagkakasabi niya noon, hirap na hirap siya. Hindi niya kayang mabigkas ang bawat salitang nakapaloob doon. Alam niya kung gaanong kumokontra ang puso niya sa pagpapapaalis kay Khlar sa buhay niya.
Ilang buwan lang niya iyong nakasama pero kay Khlar, nakakalimutan nito ang mga problema. Kay Khlar, malaya siyang gawin ang kung anong gusto niya. Kay Khlar, natutunan niya ang ibig sabihin ng pamilya. Naranasan niya kung gaano kasaya iyon.
Palaging si Khlar ang naging andyan.
Mahirap mang maintindihan kung bakit kailangan niya pa itong iwasan, tinutuldukan iyon ng salitang 'kailangan'.
Kaya desidido na siya, kung ano man ang mangyayari sa mga susunod na araw ay alam na nito ang gusto—iyon ay ang panatilihing ligtas ang lalaking mahal.
Marami pa namang pagkakataon para sakanila.
Khlar is the right person, in a wrong time.
"What if I wanna ask you now? Jae, I love you. Can you be my girlfriend? For real. Gusto kong malaman ang isasagot mo." Onti onting nauubos ang pag asang inipon niya dahil sa reaksyong nakikita niya sa dalaga simula pa kanina.
Para bang tapos na itong magdesisyon para sakanilang dalawa. Parang isinusuko na siya nito.
"No."
Matagal na minuto siyang hindi pinagalaw ng isang salita na iyon. Hindi siya makapaniwala.
"Why?" He managed to speak kahit pa kinakapos na rin siya ng hininga.
Isang malamig na titig mula kay Jae ang nakadagdag sakanya ng panginginig.
"Hindi kita mahal."
Pagkatapos ng mga salitang iyon ay agad na tumakbo si Jae paalis—palayo sakanya kasabay ng pagkabingi ni Khlar sa sunod sunod na pagkabasag ng kung ano sa loob niya.