Nine: She who wants peace

1584 Words
GUMISING si Jae sa ibang kama at kwarto. Pero hindi katulad ng mga nagdaang araw, gumising siya dahil sa alarm ng cellphone nito hindi sa sigawan ng mga magulang. Naninibago man ay natutuwa pa rin siya. Ito ay ang peace na matagal na niyang hinihiling. Hindi pa natigil doon ang paninibagong naramdaman, kumpleto ang mga tao sa mesa pagkalabas niya palang. Lahat ng iyon ay nakaligo at nakapagbihis na rin katulad niya. "Good morning, ate!" "Jae 'nak, kain kana. Baka malate kayo ni Khlar." Ganon pala ang pakiramdam noon, ganon pala ang pakiramdam ng may buong pamilya. Umupo agad si Jae, nagsimulang kumain at piniling makipagkwentuhan sa maliliit na kapatid ni Khlar. Mga bibo ang mga iyon, medyo malayo sa pagiging seryoso ng kuya. Mahina siyang natawa sa sarili. "Uhm, si Khlar po ba?" Bumaling na siya ngayon kay Lara, ang mama ni Khlar na busy na din sa pag aayos ng sarili at pagkain. "Yun nga iha eh, pwede bang ikaw na ang tumingin? Baka nakatulog ulit iyon, mahuhuli na kayo." Sa naisip na pupwede nga silang mahuli, agad na tinakbo ni Jae ang distansya dining area at ang hinihinalang kwarto ni Khlar. Bukas iyon kaya hindi na siya nagdalawang isip na pumasok. "Khlar—oh my gosh!" Malakas ang pagkakasarado niya sa naunang binuksang pintuan. Paano ba naman kasing hindi nagsasara ng pinto ang lalaking iyon? Padabog naglakad si Jae pabalik pero umayos din agad nung natanaw ang mama ni Khlar. "Papunta na daw po siya rito." Nauna nang matapos si Jae sa paghahanda at dumerecho na sa kotseng gagamitin nila ni Khlar papasok. Tatlo ang kotse nilang naroon, higit na marami para kay Khlar at sa mama niya. Doon niya palang naisip kung nasaan ang papa ni Khlar, nasa ibang bansa kaya? "Kayo lang?" Hindi na napigilan ni Jae ang magtanong, nasa daan na sila papasok. "Kami lang ang ano?" Habang nagmamaneho, hindi mawala sa isipan ni Khlar ang nakita ng dalaga noong nagbibibis pa lamang siya. Paminsan minsa'y natatawa ito, naalala ang reaksyon ni Jae. Nag ayos muna nang pagkakaupo si Jae bago sunod na nagsalita, "Ang papa mo, asan siya?" Binalingan naman agad ito ni Khlar, kapagkuwan ay dumerechong muli ng tingin sa daan. "Patay na si Papa." Oh my! Dapat ay hindi ko na tinanong. Halos mabatukan ni Jae ang sarili, how can I be so insensitive? Ako na nga ang nakikitira, ako pa itong tsismosa. "I'm sorry.." "It's fine." Derecho parin ang tingin ni Khlar sa daan, pinipilit ang sariling huwag nang maapektuhan. Ang sagot naman na iyon ni Khlar ang nagpatigil kay Jae, dapat talaga'y hindi na siya nagtanong. Ngayon tuloy mas curious pa siya sa kung anong nangyari. Dumating ang lunch at ang mga kaibigan ni Jae ang kasama niya, ani Red ay kailangan niya daw magkwento—iyon daw ang utang niya. "Go na, ano na ngang nangyari?" Talagang madalian nilang tinapos ang tanghalian para makapag kwentuhan kaya naman hindi na niya binitin ang mga kaibigan. Agad niya ring sinimulan ang pagkukwento, doon sa pagkauwi niya hanggang sa madaanan ito ni Khlar. "That's too much! Pupwede namang ireport ang mga 'yan!" Kahit si Red hindi maitago ang inis, totoo naman kasi. Sinasaktan na nga si Jae ng mga magulang, pinalayas pa ito! "Red, alam mo namang hindi ko kayang gawin iyon sa mga magulang ko." Iyon naman talaga ang totoo, marami na siyang naging pagkakataon noon para makapagsumbong pero mas pinili pa rin nitong manahimik. Hindi dahil iyon ang tamang gawin kundi dahil hindi niya kayang isumbong ang mga magulang niya. "Jae," si Vivianne na ang nagsimulang magsalita. "Basta kung ano man magiging desisyon mo, we will support you. Huwag kang matatakot kasi andito naman kami." Agad na nagyakapan ang dalawa, si Red naman ay ngumiti lang. Hindi pa rin talaga handang makipagyakapan. Mabilis na natapos ang oras at isa lang ang ibig sabihin non, uwian na naman. Nagkita pa sila ng magkakaibigan pero pinauna na niyang umuwi ang mga ito. Aantayin niya nalang kasi si Khlar at sabay nang uuwi sa bahay nila. Biyernes ngayon, kaya nagsisimula ng mag isip si Jae kung paano makakatulong sa weekend. "Axl?" Dahil walang kasama, hindi na siya nagdalawang isip tabihan sa upuan ang lalaki. "Mag isa ka?" Tumango lang ito at dumerecho sa pagkain. Nakakapagtaka, hindi siya madaldal? "Ayos ka lang ba?" Ilang beses niyang tinitigan ng mabuti ang katabi, sigurado naman siyang si Axl iyon. "Ayos. Napagod lang kaya eto, pahinga." Ngayong nakita ang binata, sumagi na naman sa isip nito ang pagiging kuryuso sa nangyari sa tatay ni Khlar. Posibleng may alam si Axl, pupwede naman sigurong magtanong? "Uh, Axl." Nag aalangan niya pang sabi. Buti nalang agad ding lumingon ang binata kaya hindi na nagtagal ang kabang nararamdaman nito. "You're friends with Khlar, diba? A-Anong nangyari sa papa niya? Alam mo ba?" Matiim lang muna siyang tiningnan ni Axl, inaanalisa kung seryoso ba si Jae sa tanong nito. "Curious lang ako. I've met his mother, hindi ko nakita ang papa niya doon kaya naisip ko—" "Car accident, Jae." Kung nagulat na siya sa pahayag ni Khlar na wala na ang ama nito ay mas nagulat siya ngayon. "Car accident kasama si Khlar." Walang lumabas na salita, nanlalamig na mga kamay at panlalaki ng mga mata lang ang naisagot ni Jae doon. "Actually, iyon ang rason kung bakit hindi nagdadala si Khlar ng sasakyan. Naalala niya lang yung nangyari. Parang natrauma siya." Pero nagmaneho si Khlar ng sasakyan kanina. Hindi ba? Kaya pala hindi ito nakakaimik. Kaya pala pakiramdam niya hindi ito okay. "A-Anong nangyari?" Pasalamat siya't nagawa niya nang makapagsalita pagkatapos ng ilang minutong pagkabigla. Nakita nitong bumuntong hininga si Axl, parang nahihirapan ding magsalita. Nalulungkot para sa dinanas ng kaibigan. "Si Khlar ang nagmamaneho ng sasakyan, ihahatid niya that time si Tito Karl sa bahay ng mga kaibigan nito. Ang alam ko, si Tito mismo ang nag utos kay Khlar na ipagmaneho siya. Gusto raw kasi nitong makapagpractice si Khlar dahil nag aaral palang magmaneho non ang kaibigan ko pero ayun yung nangyari. Hindi agad nakabig ni Khlar ang manibela noong sinubukang mag overtake pagkatapos, nabangga ng dump truck. Halos mayupi ang sasakyan nila Khlar and parehas silang naging kritikal. Mabuti nagawang makasurvive ni Khlar pero si Tito, hindi." Hindi pinigilan ni Axl ang sarili sa pagkukwento, naisip niyang kailangan ding malaman ni Jae ang lahat para tuluyan niyang matanggap ang kaibigan. Alam niya kung gaano ka seryoso si Khlar kay Jae, hindi man direktang sinabi ng kaibigan ay nararamdaman pa rin naman niya. Mayamaya, sinulyapan niyang muli si Jae, nanunubig na ang mga mata. "Khlar have suffered a lot. Nalaman iyon sa buong highschool kaya may alam din ako, kumalat yun sa buong eskwelahan. Hindi ko lang maimagine kung paano nakacope up si Khlar pero alam kong pinaghirapan niya yun." Tuluyan niya ng hinarap ang babae, "Kaya Jae, if you want Khlar in your life as well ingatan mo rin siya. Hindi ko alam kung paano nun kinakaya pero kasi andami na niyang napagdaanan. Bilang kaibigan niya, ayaw ko na ring madagdagan pa ang mga yun." Ilang beses pang nagpakurap kurap Jae, hindi makapaniwala sa mga sinabi ng lalaking nasa harapan. Si Axl ba talaga ang kausap niya? Akmang magsasalita na si Jae nang makita ang sasakyang paparating, si Khlar na iyon sigurado siya. "Axl, andyan na si Khlar. Wag mo nalang sasabihin na magtanong ako sa'yo pwede? Saka wag kang mag alala, I'll give my best para magawa yung sinasabi mo. Thank you so much." Tinanguan nalang siya ng binata at saka bumalik sa pagkain, iyon na rin ang senyales na kailangan na niyang puntahan si Khlar. Pagkasakay sa sasakyan, agad pumasok sa isip niya ang mga kinuwento ni Axl. Ano kaya ang nararadaman ngayon ni Khlar? Ayos lang kaya siya? "Nag antay ka ba ng matagal?" Ngumiti ito sa binata, pagkatapos ay malawak na nginitian. "Uuwi na tayo?" Sa narinig ay dalawang beses pa siyang binalingan ni Khlar, tsinek kung si Jae ba iyon dahil ito ang unang beses niyang magtanong tungkol sa bagay na iyon. He immediately cleared his throat. Pinipigilan ang pagsilay ng ngiti. "Inaantay tayo nila mama. Sa labas nalang daw tayo kakain, Jae." Tumango si Jae, pagkatapos ay nanahimik na. Inabot tuloy siya ng antok dahil na rin sa mabagal na pag usapd ng mga sasakyan. Rush hour din kasi kaya posibleng isang oras pa bago sila makarating sa lugar. Hindi nga siya nagkamali tungkol doon, tinawagan na sila ng mama ni Khlar at mag aantay na raw ang mga ito doon pero naipit pa rin sila sa traffic. Madilim na noong makarating sila, nahirapan din sa paghahanap ng parking lot. Buong byahe ay hindi nito makausap ng maayos si Khlar na naintindihan niya naman. Baka may kinalaman pa iyon sa nangyari noon. Nang makababa ay doon lang naramdaman ni Jae ang p*******t ng pwet dahil sa matagal na pagkakaupo. Tinawanan niya nalang ang sarili pagkatapos ay bumaling kay Khlar na kakatapos lang ding magdouble check ng mga pinto ng sasakyang ginamit. "K!" Agad itong bumaling sakanya, nawala na halos ang kabang dulot ng pagmamaneho kanina. Nilapitan iyon ni Jae at saka nilapat ang labi sa pisngi ni Khlar na halos hindi na makahinga ngayon. Ginulat ito ng dalaga, iyon ang unang beses na ganon ito kalapit sakanya. Iyon ang unang beses na hinalikan siya nito kahit sa pisngi lang. Para na siyang nanalo sa lotto. "Dali, nag aantay na sila." Nangingiti pang sabi ni Jae bago ipagsalikop ang mga kamay nilang kanina pa magkalapit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD