NANLILISIK ang mga titig ni Jae, hindi nga lang sigurado kung para iyon kay Khlar o sa babaeng kasayaw nito.
Parte iyon ng PE nila, alright? Pero twing titiningnan niya ang dalawa para bang may kung ano siyang nararamdaman kahit alam niyang hindi naman dapat.
Ang mga hawak na iyon ni Khlar sa kaasayaw ay maaaring hawak din ni Khlar sakanya. Hindi niya maintindihan! Bakit ito nagagalit sa nakikita?
"Si Khlar 'yun ah!" Mabuti't sumingit na agad si Red, kapagkuwan ay inabutan siya ng pagkain. Si Red at Vivianne lang kasi ang bumaba para bumili pagkatapos ay siya ang nanatili sa Grandstand para magbantay ng mga gamit nila.
Samantalang si Khlar naman at ang mga kaklase nito ay nasa grounds, nag eensayo para sa gagawing graded presentation sa P.E.
"Hindi rin siya marunong sumayaw! Yey! I'm not alone." Nagtawanan at nag apir pa ang dalawa niyang kaibigan pero nanatili siyang walang imik.
Kumakain pero hindi nagsasalita.
"Luh? What happened?" Itinanong pa rin iyon ni Red kahit alam na niya ang posibleng nangyayari sa kaibigan. Kaya lang, ayaw niya na itong pangunahan dahil baka masyadong seryoso sakanya ang bagay na iyon.
Siguradong magsasabi naman 'yan kung mayroon na.
Nang hindi nasagot ni Jae, si Vivianne nalang ang kinausap nito at hinayaan na munang magmuni muni ang kaibigan.
Noong naging mag isa dahil kailangan nang magpunta sa kanya kanyang klase ay mas lalo lang tuloy nababahala si Jae. Mas lalo lang nadadagdagan ang galit nang maalala nito ang napag usapan ng dalawang araw na ang nagdaan.
"Do you..like me?" Gusto niyang matawa sa sarili, hindi maintindihan kung bakit siya pa ang kailangang unang magtanong. She wanna back out! Pero siya naman ang nagsimula ng usapan kaya bakit niya pa iyon titigilan? Alam niyang pagkatapos ng gabing ito ay pupwede na siyang malinawan. Hindi na nito papalagpasin pa ang pagkakataon.
"Jae." Sa panimula ni Khlar ay hindi na niya napigilan ang pagbuntong hininga, kinakabahan ng kaonti sa kung ano ang pupwedeng malaman. "I really like you."
Naisandal niya ang sarili sa upuan, pinoprosesa ang bawat naririnig. I like him too. Pero bakit ganon?
"Pero I don't want to pressure you. Alam kong mahirap sa'yong magsimula ulit para sa panibagong relasyon, hindi biro ang lokohin. Kaibigan ko pa. Kaya, kung ano muna ang mayron tayo ngayon mas okay na. Ayokong biglain ka." Malulungkot ang mga mata ni Khlar nang bumaling itong muli sakanya.
"Alam kong mahirap 'yun kalimutan, mahirap kalimutan si Raizen kaya hindi ako titigil bigyan ka ng oras. Maghihintay lang ako." Gaano man kagustong tutulan ni Jae ang sinabing iyon ng lalaking kaharap ay nanatili nalang itong tahimik. Ang totoo, hindi na nito naiisip pa si Raizen. Matagal nang nawala sa isip niya ang manlolokong iyon.
Hindi lang din niya siguro mapigilan ang lungkot dahil sa naging pahayag nito.
"Jae!" Agad na nalukot na naman ang mukha niya, nakakapagtaka dahil maghapong sira ang mood niya dahil lang sa nakita kaninang umaga. Hindi niya mapigilang isipin na baka kaya ayaw pa ni Khlar na pumasok sa isang relasyon dahil ayaw nitong mapagpabawalan lalo na sa babae.
Pero imposible, kilala nito si Khlar.
Kaya bakit naman siya magagalit? Ano naman kung may kasayaw si Khlar? Para naman iyon sa subject nila. Tiningnan niya nalang ang papadating, paminsan minsa'y magpapakawala ng irap.
"Pwede pa ba tayong kumain?" Matatalim lang ang tingin niya sa kaharap, nabibingi—hindi na gaanong naririnig ang kung ano pa mang sinasabi nito.
"Jae.." Hinawakan na ni Khlar ang baba para dumeretso na sakanya ang tingin ni Jae. "Anong problema?"
"Let's go home." Maliwanag pa sa daan at isa lang ang ibig sabihon non, mataas ang posibilidad na abutan pa niya ang mga magulang. Pero ayaw niya rin namang mapagbuntungan pa ng sama ng loob ang lalaking nasa harapan!
"Why? May problema ba? Are you tired? Pinag antay ba kita? I'm sorry, Jae nahirapan lang akong sumakay papunta dito—"
"I feel lousy, K. Uwi na tayo." Natahimik doon si Khlar, pinipilit obserbahan ang dalaga. Hindi ba talaga ito okay? Bakit may nararamdaman siyang iba?
Winala nito ang iniisip pagkatapos ay mabilis na kinuha ang bag ng dalaga, inayos ang hawak sa iilan pa nitong bitbit bago tumayo. "Sige, uuwi na tayo."
Kumbinsido na siya, baka talagang masama ang pakiramdam ng dalaga. Ayaw na niyang kulitin pa ito dahil baka mas mapalala niya lang. "Tara na, Jae. Can walk? Pwede naman kitang buhatin—"
Hindi na nito pinatapos ang sinasabi ni Khlar, agad na itong tumayo at nauna pang maglakad. Ngayon naman sobra na siyang naiirita, papauwiin nalang talaga siya ni Khlar? Hindi niya na ba ako kukuliting magsabi? It is obviously the weirdest feeling! Hindi niya maintindihan ang nangyayari sakanya lalo pa't hindi maalis dito ang litrato ni Khlar at ang kasayaw nito na nakuhanan ng kanyang isip.
Sa likod ni Jae, mabibilang na kung ilang guhit na ang naroon sa pagkunot ng noo ni Khlar. Hindi rin nito maintindihan ang dalaga. Kanina, gusto na nitong umuwi. Ngayon namang sinang ayunan niya na ito, parang ayaw na?
Sobrang moody.. baka naman kasi..
Dahil iyon ang unang pumasok sa isip niya, iyon na rin ang una niyang pinaniwalaan. Iyon ang pinakaunang rason kung bakit magkakaganoon ang isang babae, iyon bang iritado kahit wala namang rason.
"Jae! Wait." Pagtawag niya pero hindi man lang nakatanggap ng reaksyon mula sa dalaga. Napabuntong hininga nalang si Khlar habang mabibilis ang lakad sa pagsunod. Kailangan kong intindihin, maybe she's suffering dysmenorrhea. Baka nasasaktan siya ngayon.
Nang tuluyang makalabas sa gate 2, huminto rin siya Jae. Kanina niya pa tinitiis na huwag pansinin si Khlar. Naiinis siya! Tuwing nakikita niya kasi ang binata, naaalala niya lang yung nakita niya kaninang umaga. Pakiramdam niya tuloy ang OA OA niya.
"Jae, can you wait for me? Dyan lang ako sa 7/11.." Sinundan niya ang pagturo ni Khlar sa tapat, hindi naman siya matatagalan panigurado dahil tatawid lang naman ang binata. "Be right back."
Hindi nga siya nagkamali dahil mabilis ding nakabalik si Khlar, bitbit ang may kalakihang paper bag. Ano naman kaya ang binili niya doon?
Nang sumilay muli ang malawak na ngiti ng binata, nagsimula na ring bumalik ang pagkainis niya. "Tara na, Jae."
Hindi na sila nahirapang magcommute ngayon kumpara noong mga nakaraang araw, kaya lang ng malapit na ay hindi naman matawaran ang traffic. Taimtim na nagpasalamat doon si Jae. Madilim na, ibig sabihin ay nakaalis na sigurado ang mga magulang niya doon.
"Para sa'yo 'to.." Tiningnan niya muna ang paperbag na kanina pa hawak ni Khlar bago kunin sa mga kamay nito. Wala paring nabago, naiinis pa rin siya sa binata.
"Sino 'yung babaeng kasayaw mo kanina?" Naglalakad papasok sa subdivision ang dalawa ng hindi na mapigilan ni Jae ang sarili. Hindi nito forte ang pagtatago ng iniisip, sanay siyang sinasabi ang mga iyon kaya naiintindihan niya rin ang sarili kung bakit nilaglag niya mismo si Jae. Natawa nalang siya sa likod ng utak.
"Si Mady. Kablock ko, why?" Sinikap ni Khlar na ayusin ang pagsasalita kahit hindi nito mapigilan ang pagngiti. Bakit niya iyon natanong? Is she.. Okay, ayoko namang paasahin ang sarili.
"Wala."
Natahimik ulit sa paglalakad ang dalawa. Hindi na rin halos mapakali si Khlar, gusto nitong malaman! Bakit mukhang galit si Jae simula kanina? Dahil ba doon?
"Anong problema kay Mady, Jae? Kaya ka ba nagagalit kasi—"
"No! Hell, no! Hindi ako nagseselos! Bakit ako magseselos? Eh hindi nga tayo." Gulat man sa sariling sinabi, hindi na niya pupwedeng bawiin pa ang mga iyon. Kinuha niya ang bag niyang bitbit ni Khlar at inilagay sa kaliwang braso—ang kanang kamay ang may bitbit nung paperbag na bigay ni Khlar pagkatapos ay umamba paalis doon.
"Puntahan mo na iyong Mady mo!"
Pagkasabi ay hindi niya na inantay pa ang sasabihin ni Khlar, tumakbo na ito papasok sa bahay. Malaki ang pasasalamat na hindi na tuluyang naabutan pa ang mga magulang doon. Naiirita pa rin siya!
Pagkatapos ng madaliang pagligo at pagpapalit ng damit ay doon niya lang naalala ang paperbag na ibinigay ni Khlar. Ano naman kaya iyon? Ano naman kaya ang bibilhin noon sa 7/11?
Nakakunot ang noo niyang binuksan iyon bago tumambad sa paningin ang sandamakmak na pads na halos iba iba pa ng brand. Mariin nitong ipinikit ang mga mata bago sundan ang mga iyon ng malakas na sigaw ng mas lalo pang pagkainis.