CHAPTER 7

1929 Words
PASADO alas dos ng hapon siya nakarating sa Tinagong Dagat Mountain Resort, lulan ng private chopper ni Dylan. Naiintindihan niya na kung bakit tinawag itong Tinagong Dagat dahil sa lawa na animo'y itinago sa gitna ng mayabong na kagubatan at napapaligiran ng kabundukan. Hindi niya pa alam kung crater lake ito, isa lang ang sigurado siya, fresh water at malinis ang tubig sa lawa. Maliban sa lawa ay mayroong apat na swimming pool ang mountain resort. May native cottages malapit sa pool at may mga floating cottages sa lawa. Maraming water activities ang puweding gawin, ngunit ang sabi sa kanya ni Dylan mas dinarayo ng mga turista rito ay ang bonfire and camping hanggang mag-umaga. Pakiramdam niya napadpad siya sa isang napakaganda at tahimik na paraiso. Sa lugar na ito aaliwin niya ang sarili at kakalimutan ang lahat para pagbalik niya sa Maynila makapagfucos na siya sa trabaho. “Laban lang, Trixie! Kaya mo ‘to.” pampalakas niya ng loob. Isang babaeng nakauniporme na may logo ng resort ang lumapit sa kanya. “Ma’am, good afternoon. Ikaw ba si Ms. Trixie Marie Santibañez?” tanong nito sa kanya. “Ah, yes! Ako nga.” “I'm Christine, ako ang manager ng resort na ito. Mahigpit na inihabilin sa akin ng may-ari nitong resort na asikasuhin ka namin pagdating mo." May pinasuot sa kanyang wristband na kulay gold, reflectorize at waterproof iyon. "Follow me, ma'am." dagdag pa nito. Walang kibo siyang sumunod sa nagpakilalang manager. Dinala siya nito sa isang modern bahay-kubo na nasa mataas na parte ng resort at nilibot nilang dalawa ang loob. Napakalaki at napakagara ng modern bahay-kubo na nereserved para sa kanya. Isang two-storey bahay-kubo na sala at kitchenette na may four seater dining table ang nasa ibaba. King-sized bedroom at bathroom na may jacuzzi naman ang nasa itaas. Walang bintana sa bedroom ngunit may malapad na sliding door malapit sa kama. Iyon ang nagsisilbing bintana na kapag hinawi ang makapal na kurtina at binuksan, may balcony kung saan makikita ang ganda at kabuuan ng lawa. "Napakalaki naman yata nito. Ako lang naman mag-isa." aniya. "We just want to give the best for you, ma'am. So that you will enjoy yourself while you are staying here. And here is my office telephone number, don't hesitate to call me sakaling may kailangan ka, ma'am." nakangiting wika nito at iniwan siya nito sa loob ng bedroom. Naiwan siyang mag-isa. Sinimulan niyang ilapat sa wardrobe na naroon ang kanyang mga damit mula sa kanyang suitcase. Mabuti na lang nagkataon na marami siyang damit na dinala sa Isla Monteverde at bihis-laba ang ginawa niya kaya hindi siya mauubusan ng damit na maisusuot. PAGSAPIT ng dapit-hapon dumungaw siya sa balcony. Hindi na mainit at may mga tao na malapit sa lawa. Nagpipicnic ang mga ito at ang iba nama'y naglalatag na ng tent. Pumanhik siya at isinara ang sliding door. Balak niya ngayong bumaba at magkape sa coffee shop na may mga sementadong mesa at bench malapit sa lawa. "One cup of cappucino, please." wika niya sa barista nang makarating sa coffee shop. Napansin niya ang mga nakadisplay na muffins and cakes sa loob ng coffee shop. Alam niyang galing iyon sa Alexandra's Cakes and Muffins na negosyo ni Kathy. "Coffee lang ba ang order niyo, ma'am?" tanong sa kanya ng babaeng coffee shop attendant. "Pa-add ako ng dalawang blueberry muffins." Kumuha naman kaagad ang babae at inilagay sa tray kasama ang kanyang kape. "How much?" tanong niya habang binubuksan ang wallet. "Ma'am, may I see your wristband." wika ng babae agad niya namang ipinakita ito. "Ay, wala kayong babayaran." natarantang turan ng babae. Nahihiya pa itong inabot sa kanya ang tray. "Huh, bakit naman?" naitanong niya. "Kapag ganyan kasi ang kulay ng wristband, ibig sabihin family member or family friend ng mga Monteverde ang guest. Kaya wala kang babayaran, lahat po ay free." paliwanag ng babae. "Ah, ganoon ba? Sige, salamat." Kinuha na niya ang tray at lumabas. Umupo siya sa sementadong bench na naroon at inilapag niya sa mesa ang hawak na tray. MALALAKAS at masasayang tawanan ang kanyang narinig na umagaw ng kanyang atensiyon. Nanggagaling iyon sa isang pamilya na nagpipicnic sa di kalayuan. Nakaramdam siya ng inggit lalo na't hindi niya iyon naranasan. Lima silang magkakapatid at siya ang panganay. Simula nang makapagtapos siya ng pag-aaral at nakapagtrabaho, sa kanya na inatang ang responsibilidad na pag-aralin ang kanyang mga kapatid. Nagtrabaho muna siya bilang saleslady sa mall at nang matapos ang kanyang kontrata, naisipan niyang lumuwas ng Maynila. Nag-aalinlangan man, para sa inaasam na malaking sahod ay nilakasan niya ang kanyang loob. Mabuti na lang at nakiayon din sa kanya ang swerte. Nakapasok siya sa kompanya kung saan malaki ang sweldo, mabait pa ang boss at kanyang katrabaho. Nagtrabaho siya ng maayos at nagtuloy-tuloy ang kanyang swerte hanggang naging sekretarya siya ni Dylan. Kumayod siya para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kapatid at sinikap niyang mabigyan ng kabuhayan ang kanyang magulang. Ibinigay niya ang lahat higit pa sa pangangailangan ng mga kapatid pati na rin ng kanyang mga magulang. Masakit lang isipin na kahit anong gawin niya, sinasabihan parin siya na wala siyang kwenta, walang silbi at walang utang na loob. “Hey, beautiful lady! Are you okay? Why are you crying?” narinig niyang boses ng lalaki. Hindi niya ito pinansin kahit na umupo ito sa kanyang tabi at inabot sa kanya ang isang box ng tissue. “Why are you crying, Ms.?” ulit na tanong ng lalaki. “Bakit? Bawal ba?” masungit niya ring tanong habang nakayuko. “Hindi naman. I’m worried lang, mukhang hindi kasi biro ang bigat ng problemang dinadala mo.” malumanay na boses ng lalaki. "I'm sorry!" hinging paumanhin niya. Nakayuko siyang kumuha ng tissue at pinunasan niya ang kanyang mata, pisngi at ilong. “By the way, I’m Brent. Nice to meet you.” Nakita niyang inilahad ng lalaki ang kamay nito. “I’m Trixie. Nice to meet you too.” Walang pag-atubiling nakipagshake hands siya at nag-angat ng mukha para makita ang estranghero. Natigilan siya at napatitig sa mukha ng lalaki. Ilang beses pa siyang kumurap para masigurado na hindi siya namamalikmata. Nakikita niya si Blake sa mukha ng lalaki, ewan niya kung kahawig ba talaga o hallucinations niya lang. "May dumi ba ako sa mukha?" tanong nito na nagpanumbalik sa kanyang ulirat. Umiling siya rito. Binitawan niya ang kamay ni Brent na kanina niya pa hawak-hawak. Kung hindi niya lang alam na kaisa-isahang anak lang si Blake, mapagkakamalan niyang kapatid o nawawalang kakambal ni Blake ang lalaki. Mula sa mukha, height at pananalita magkapareho. Halata rin sa pananamit at kilos na mayaman ito. Inaasahan niya naman na mga mayayaman ang makakasalamuha niya sa mountain resort na ito. Maliban kasi sa mahirap itong puntahan, hindi rin biro ang halagang ilalabas, makapagstay lang dito ng isang gabi. Kung hindi lang ito libre ni Dylan hindi niya papangarapin na magawi sa lugar na ito. Ang isang gabing stay niya rito ay katumbas na ng tatlong buwan niyang sahod. "May mabigat ka bang problema? Puwede mong sabihin sa'kin 'yan, handa akong makinig." saad ni Brent. "Thanks but no thanks." tanggi niya kahit ang totoo ay kailangan niya talaga ngayon ng mahingaan ng sama ng loob. "Okay, hindi naman kita mapipilit. Can I joined you here, Trix?" "Sure, Brent. Why not?" "Baka kasi may kasama ka o baka naman may hinihintay ka rito." nakangiting wika ni Brent. "Wala naman." aniya sabay iling. "Okay, wait lang ha. Kukunin ko lang sa loob ang order ko, Trix." Sinundan niya ito ng tingin. Sa palagay niya mabait naman si Brent. Sa paraan ng pakikitungo nito para itong si Vince, pero kung titingnan sa mukha kahawig ito ni Blake. Habang nasa loob ng coffee shop si Brent, pumasok sa isipan niya si Blake. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, dati wala siyang naramdaman na pagmamahal sa binata, ni hindi niya ito crush. Subalit, nang may nangyari sa kanila kagabi, wala na siyang ibang hihilingin kundi ang makita ito. "Am I in love with him? Kung may love at first sight, may love at first s*x din ba? No, hindi na ito tama! Dapat ko na siyang kalimutan, wala na siya, tinakasan na niya ako. Kukunsintihin ko lang ang sarili kong kahibangan kung patuloy akong umaasa na babalikan niya ako." "Ang lalim ng iniisip." boses ni Brent. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Brent at nakaupo na ito ngayon sa harapan niya. "Andiyan ka na pala." tanging nasambit niya. "Kanina pa, Trix. Ano ba kasi iyang bumabagabag sa isipan mo? Sabihin mo iyan sa'kin baka sakaling makatulong ako." sabay higop ng kape ni Brent. "Bukas na lang, Brent. Kilalanin muna kita ng maigi." "Okay, Trix. No problem." "Bakit ka pala narito?" naitanong niya sa binata. "Para magmove on, para makalimot sa sakit at pagkabigo." malungkot nitong sagot. "Broken hearted ka?" Marahan itong tumango. "Kaya nga kita nilapitan kita kanina nang makita kitang umiiyak. Sa tingin ko kasi mukhang nakahanap ako dito ng karamay." "Bukas pag-usapan natin 'yan, Brent. Kanya-kanya tayong labas ng sama ng loob at sabay-sabay nating patawarin at iwaglit sa puso't isipan natin ang mga taong nanakit ng damdamin natin. Iyon lang ang susi para makapagsimula tayong muli." "Asahan ko 'yan, Trix ha." "Sure Brent. Maiwan na kita ha malapit na kasing dumilim." Tumayo na siya upang bumalik sa native house. "Okay, Trix. Thanks for your time. See you again tomorrow." nakangiting wika ni Brent at kumakaway pa ito habang papalayo siya. PAGBALIK niya sa loob ng native house ay binuksan niya ang lahat ng ilaw. Paakyat na sana siya sa kwarto nang makarinig ng tunog ng doorbell. "Ma'am, good evening." Si Christine ang manager ng resort. "Good evening." aniya at pinapasok niya ito. "How are you here, ma'am? Hindi ka ba rito nabored?" "Actually, kakabalik ko lang dito. Nagkape ako doon sa coffee shop malapit sa lake." "Mabuti naman kung gano'n. Ah, ma'am, for your dinner pala. May menu book sa dining table pumili na kayo para maorder ko na at maipadala rito." "Sanay kasi akong hindi kumakain kapag gabi. Fresh milk or brandy before bedtime is enough for me." natatawang turan niya na ikinangiwi ng babae. "Brandy? Nakakaya niyong uminom no'n?" tila di makapaniwalang tanong ng babae. "Yup! Pero hindi naman palagian, kapag may mga okasyon lang." "Ah okay, feeling ko ang sarap niyong kabonding. Napakabait niyo kasi, ma'am." "Nasasabi mo lang 'yan kasi kakakilala mo pa lang sa'kin. Antayin mo lang lalabas din ang tunay ko na kulay. Baka maririndi ka na sa bunganga ko." "It's okay, ma'am-- "Hep! Hep! Huwag mo na akong tawaging ma'am. 'TRIX' na lang." "Sige, Trix. Basta ha tawagan mo ako kung may mga kailangan ka. Lagot ako kay Sir Daniel kapag makarating sa kanya na pinabayaan kita. Puntahan na lang kita rito kapag may free time ako." wika ni Christine at nagpaalam ito. PAGKAALIS ni Christine at nang mapag-isa ay inilock na niya ang pinto at umakyat sa kwarto. Nais na niyang magpahinga ng maaga kaya binalak na niyang magshower para maging komportable sa kanyang pagtulog. Kumuha siya ng kanyang damit pantulog at pumasok na sa loob ng banyo. Hinubad niya ang kanyang suot na damit para malabhan. "Sh*t! May blood spot parin sa panty ko. Bakit kasi anlaki ng ari ng lalaking iyon? Normal pa kaya iyon? Yay! Kahit kailan hindi ko na papangarapin na makapasok ulit sa'kin iyon." sa isip niya habang kinukusot ang kanyang damit. Matapos niyang magshower at magbihis, pinatay niya ang aircon. Binuksan niya ang sliding door at hinayaan na pumasok ang sariwang hangin para makatulog siya ng mahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD