CHAPTER 4

2223 Words
PATAGILID siyang nakahiga sa malambot na kama at nakadantay ang isang paa sa unan. Gising na ang kanyang diwa ngunit sadyang mabigat lang ang talukap ng kanyang mga mata kaya hindi niya magawang dumilat. Nakarinig siya ng pagpihit ng doorknob at mga yabag papalapit sa kanya kaya nagkunwari siyang tulog. Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang mga kamay na tumatapik sa kanyang pisngi at kumakalabit sa kanyang puwetan. "Litse ka, Trixie! Bubuhusan na talaga kita ng mainit na tubig kapag hindi ka pa d'yan bumangon!" banta ng isang babae. Hindi niya pa man ito nakikita pero sa paraan ng pananalita, kilala niya na kung sino ito. Iisa lang naman lang kilala niyang palamura at iyon ay si Lea. "Ano? Hindi ka pa ba babangon?" ulit nitong sabi. Ipinagpatuloy niya ang pagtulog-tulugan para mainis ito dahil ang usapan nila magkasama sila sa iisang kwarto doon sa hotel. Pero ang ginawa nito isinama ang asawa na wala man lang pasabi at nagmukha siyang tanga doon sa reception area kanina. "Hoy! Tulog na tulog ang g*ga! Gising na punyetang babae ka!" iritableng sigaw ni Lea na may kasamang malulutong na mura nito. Bigla siyang pinatihaya ni Lea at binuksan pa nito ang kanyang mga mata pero hindi siya nagpatinag. Hanggang sa hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa nito. Hinila nito ang suot niyang t-back kaya siya napabangon bigla para pigilan ito. Subalit huli na ang lahat at sa pagbangon niya humiwalay ang kanyang mga hita. Tumambad sa harapan ng kaibigan ang kanyang kepyas na kakafull-shaved niya lang kagabi. "Kalbo na kalbo, Trix ah! May deforestation ba riyan?" natatawang tanong ni Lea habang pinapaikot nito sa daliri ang pulang t-back niya. "Ibigay mo na sa 'kin 'yan!" singhal niya rito. Ibinigay naman ito ni Lea sa kanya at pinatalikod niya ito para makapagbihis siya. "Bingi ka ba, Lee? Sabi ko tumalikod ka muna magbibihis lang ako!" "Ang arte mo naman, Trix! Ako lang naman 'to! Marami na akong nakitang pèkpék kaya balewala na 'yan sa akin!" Tiningnan niya ito ng masama kaya napilitan itong sumunod. "Bakit hindi ka man lang nagtext sa'kin na kasama mo ang husband mo?" tanong niya habang nagsusuot ng damit. "I told Blake to call to you dahil naubusan ako ng load. Hindi ka ba niya natawagan?" narinig niyang wika nito. Natigilan siya nang marinig iyon. Napagtanto niyang wala pang kaalam-alam si Lea sa ginawa niya kay Blake at sa isang eksena na iniwan niya roon sa kompanya ng binata. "Bakit na tahimik ka? Hindi ka ba natawagan kanina ni Blake?" boses ni Lea na nagpanumbalik sa kanyang lumilipad na isip. "Naka-off kasi ang cellphone ko kanina." pagsisinungaling niya para takpan na rin si Blake dahil makakatikim ito ng maanghang na salita ni Lea kapag sinabi niya ang totoo. "Maiwan na kita, Trix ha.. Kita-kits na lang doon sa dining area ng hotel mamaya." paalam sa kanya ni Lea at inihatid niya naman ito sa pintuan. NAGSIMULA na siyang mag-ayos ng kanyang damit na susuotin para sa party mamaya nang mahagip ng mata ang kanyang cellphone. "Hindi talaga ako tinawagan ng lalaking iyon!" Kinonek niya ang cellphone sa free wifi ng bungalow house at maya't-maya ang pagpasok ng kanyang mga notifications mula sa kanyang mga social media accounts. Inuna niyang binuksan ang messenger para tingnan kung sino-sino ang mga nakaalala sa kanya. Gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang makita niya ang 5 missed video chat niya kay Blake. "Is this real? Hindi na kaya siya galit?" Sa nakita parang naibsan ang kaba niya sa dibdib para sa nakaamba nilang pagkikita ni Blake mamaya. Sinubukan niya itong tawagan ngunit 'ringing' lang ito. Sinulyapan niya ang oras sa kanyang relo at mag-aalas sais na ng gabi. Tinungo niya ang bathroom para simulan sa pamamagitan ng pagligo ang pag-aayos niya ng kanyang sarili. Pink smocked maxi dress ang napili niyang suotin. Kahit sleeveless ang dress hindi naman labas ang kanyang cleavage. Ngayong gabi susubukan niyang magdamit ng hindi malaswa sa paningin ng lahat. Patapos na at nag-iispray na lang siya ng kanyang signature perfume, nang may kumatok sa pinto. Inilapag niya perfume na hawak sabay kuha ng kanyang cellphone at nagmamadaling tinungo ang pinto. "Hi! You're so beautiful tonight, Trix!" Vince sweetly said. Sabay kuha nito ng kanyang kamay at hinalikan iyon. Sana'y na siyang ginagawa iyon sa kanya ni Vince. After all, kissing the woman's hand shows a sign of respect. Ngumiti siya ng matamis rito. Nakita niya si Blake na naglalakad papunta sa kanaroroonan nilang dalawa ni Vince. "Dude!" dinig niyang wika ni Blake sabay tapik nito sa balikat ni Vince. Papalit-palit ang tingin niya sa dalawa. Nakita na siya ni Blake pero hindi siya nito pinansin. Ni hindi man lang siya tiningnan nito. "Shall we?" tanong ni Vince. Mga marahang tango lang ang kanilang naging tugon. Naunang sumakay si Blake sa sightseeing type resort car at siya ang susunod. Laking gulat niya nang ilahad ni Blake ang kamay nito para alalayan siyang makaakyat. Wala namang pag-aatubili na hinawakan niya ang kamay ng binata at nagpasalamat. Ginantihan naman iyon ni Blake ng isang ngiti na ikinapanatag niya. PAGDATING nila sa hotel ay agad nilang pinuntahan ang dining area. Maraming tao na sa loob ng sila'y makapasok at halos karamihan ay pamilya ng mga Monteverde. Inikot niya ang paningin sa kabuuan upang hanapin si Lea kung saan ito nakaupo para makita nila ang mesang nakareserved para sa kanilang mga ninong at ninang ni Alexandra. "There they are!" wika ni Blake sabay turo sa unahan. Nakaupo si Lea katabi ang asawa nito. Kasama rin nito si Samantha at ang asawa nitong si Christian na kapatid ni Vince. Nakita niyang kumaway si Samantha at Lea nang makita sila kaya hinawakan ni Vince ang kanyang kamay. Iginiya siya papalapit sa kinaroroonan ni Lea habang sa likod nilang dalawa tahimik lang na nakasunod si Blake. "Trix, anong nakain? Himala, nakatago ngayon ang dalawang melon mo ah!" puna ni Lea na siniko naman ng asawa nito. "Hi, Trix! I miss you so much!" malambing na tinig ni Samantha at yumakap sa kanya. "I miss you too, Ate Sam!" Hinalikan niya ito sa pisngi. Pinaupo siya ni Samantha sa tabi nito. Bali napagitnaan siya ni Samantha at ni Vince at kaharap niya naman si Blake. Maya-maya pa ay dumating na rin si Evan at umupo ito sa gitna nina Blake at Vince. Princess theme ang birthday ni Alexandra kaya halos lahat ng kababaihan na naroon shades of pink ang suot at white naman ang mga kalalakihan. Ilang sandali pa ay lumabas na ang birthday celebrant at naupo na ito sa kanyang mala-tronong upuan. "Naiyak ako. This is the first birthday celebration ni Alexandra na complete family siya." ani ni Samantha. Hinagod naman ng asawa nito ang kanyang likod. "Hoy, Ate Sam.. Huwag kang umiyak hindi pa tayo nakapagpicture nagkalat na ang mascara mo." sita ni Lea. "Ito na pupunasan ko na." sabay kuha ng tissue ni Samantha. Ilang sandali pa ay tinawag sila para sa picture taking. Lahat silang mga ninong and ninang ng bata. "The parents of the celebrant wants to say thank you for the perfect attendance of ninangs and ninongs." pabirong wika ng emcee na ikinatawa naman ng lahat na naroon. NAGING maayos ang takbo ng gabi. Masaya silang kumain nang magkakasama, nagkukuwentuhan at nagtawanan. Lumalim pa ang gabi at nag-inuman na ang magkakaibigan. Sa una, masaya pa silang nagbibiruan hanggang sa nagpaalam na sina Samantha at Christian na umakyat na sa kanilang silid. Nagpaalam na rin si Lea na ihatid nito muna ang asawa sa kanilang silid at babalik rin kaagad. Lumapit si Dylan at si Kathy sa kanilang mesa at nakipag-inuman rin nang magsabi sina Maurice at Jean na sila na ang bahala kay Alexandra. "Let's cheers!" sabay angat ni Dylan ng basong may lamang brandy. "Teka lang! Sali ako!" wika ni Lea habang papalapit. "Hindi ka kasali rito, Reyes!" biro ni Dylan. "'Di huwag! Siguraduhin mo lang na kapag mamaga muli ang pépé ng asawa mo hindi mo ako tatawagan!" mataray na saad ni Lea na ikinayuko ng ulo ni Kathy. "Joke lang. Let's cheers again, guys! Isali natin itong mabait nating kaibigan!" ngising turan ni Dylan. NAMUMUNGAY na ang kanyang mga mata at ramdam na ramdam niya ang pag-init ng katawan dahil sa tama ng alak. Simula nang makasama nila sa inoman sina Vince, Evan at Blake, kinalimutan na nila ni Lea ang lasa ng ladies drink. Si Kathy na lang ang umiinom ng ladies drink sa kanilang magkakaibigan dahil hindi nito kaya ang tapang ng brandy at hindi rin pinapayagan ni Dylan. "Can I joined?" Sabay-sabay silang napaangat ng mukha nang makarinig ng babaeng nagsalita. "Ate Sam? Iinom ka?" tanong ni Lea at inalok ito ng upuan. "Nope! Makikisali lang ako sa usapan." nakangiting sagot nito. "Lasing ka na ba, Trix?" baling ni Samantha sa kanya. "May tama na, pero kaya ko pa!" sagot niya. "Ano? May tama na? Saan ba? Sa puso mo?" sunod-sunod na tanong ni Lea. "Tama ng alak, Lee!" nakabusangot niyang sagot. "Ah okay! Pero maiba lang ha... Sa ating apat ikaw na lang ang wala pang-asawa.. So, what's the plan? Kailan ka ba mag-aasawa? Aba'y bilis-bilisan mo na, malapit nang mawala sa kalendaryo ang edad mo!" malakas na boses ni Lea na para bang nanay niya ito. "Mag-aasawa din ako. Antay ka lang!" "Kailan pa, Trix? Baka mamaya 18th birthday na ni Alexandra, single ka parin. Naku, nakakahiya nang maghain ng pépé kapag makunat na!" dagdag na pahayag ni Lea. "Hindi pa tapos mga kapatid ko eh!" depensa niya. "Puwede mo namang tulungan ang mga kapatid mo kahit may asawa ka na. Mas maganda pa nga 'yon dahil may katuwang ka! Pumili ka lang ng tamang lalaki, pero the choice is yours parin buhay mo naman 'yan eh..." singit ni Samantha. "Hayaan mo na Lea si Trix. It's better to wait long than marry wrong!" wika naman ni Kathy. "Hay, naku Trix... Bahala ka! Kung matikman mo lang, kung gaano kasarap ang luto ng langit. Sinasabi ko sayo makakalimutan mo ang pangalan mo, manginginig ang katawan mo at titirik pa ang dalawang mata mo. Ganito 'yon..." Tumayo pa si Lea at denimonstrate pa para makita niya. Umalingawngaw ang kanilang tawanan sa ginawa ni Lea. Panaka-naka na rin lang ang tao sa dining area kaya kahit pa nakatawag ng pansin ang kaguluhang nangyayari sa kanilang mesa wala silang pakialam. Ipinagpatuloy pa rin ni Lea ang ginagawa. Mabuti na lang at tulog na ang asawa nito, kung hindi binatukan na ito. Mas triple ang pagiging madaldal at pagkawalang-hiya ni Lea kapag nakainom. Malas niya lang talaga dahil ngayon gabi siya ang nakitang pagtripan nito. Para matigil si Lea sa ginagawa at pang-aasar nito sa kanya may naisip siyang gawin. Hinarap niya si Blake at hinawakan ito sa braso. "Blake, pawarak naman ng pépé kahit isang gabi lang!" pabirong sambit niya sa sobrang kalasingan. Napaupo naman si Lea sa nakita at narinig. "Dude, did you hear that? Pagbigyan mo na kaya si Trixie... I think she's begging." natatawang dugtong ni Evan. Nakita niyang ngumisi si Blake at nahalata niyang tutugon ito sa biro niya. Ang biro na iyon ay isa na ring pain niya para malaman niya kung may galit pa ba si Blake sa kanya o talagang wala na. "Pwede naman! Pero ang tanong, may wawasakin pa ba? Baka naman maluwag na!" wika ni Blake na ikinatawa ng mga kaibigan. Biglang nagpanting ang kanyang tainga sa narinig. "Nagsisimula kang mang-asar? Pwes! Hindi kita uurungan!" "Natahimik, malamang totoo!" dagdag pa ni Blake at tumawa pa ng malakas. "Hoy! Masikip pa ito, Blake! Ang problema lang hindi mo talaga mawawasak 'to lalo na kung mala-bulate lang kalaki iyang karagada mo!" walang preno niyang wika at nagpasiklab ng iyon nang mas malakas na tawanan. Nakita niyang napatungga ng alak si Blake nang marinig ang sinabi niya. Napansin niya rin ang pamumula nito. "Eh di try natin Trixie nang malaman mo! Be prepared lang baka hindi mo kayanin at ikahimatay mo!" resbak ni Blake na umiba na ang tono ng pananalita. "Talaga ba? Baka hanggang salita lang 'yan! Hindi kasi halata." Ngumisi pa siya. Natahimik ang lahat at naramdaman niya sa ilalim ng mesa ang mga daliri sa paa ni Lea na kinurot ang kanyang hita. Alam niyang warning na iyon na dapat tigilan na niya ang pang-aasar kay Blake ngunit hindi siya nakinig. "Siguraduhin mo lang Blake na hindi scam 'yan. Baka makapagpost ako ng expectation vs. reality!" pagpapatuloy niya pa. Tumikhim si Vince para kumalma ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Blake. "Change topic, guys!" wika naman ni Dylan. "Let's enjoy the night! Cheers!" wika ni Samantha at itinaas nito ang baso na gatas ang laman. Tumunog bigla ang cellphone ni Blake at nagpaalam itong sagutin muna. Tumayo rin siya upang sundan ito para humingi sana ng pasensiya ngunit hinila siya ni Vince para pigilan at nawalan siya ng balanse. Nadumihan at nabasa ang kanyang damit. Pinunasan naman iyon ni Kathy ngunit hindi na siya komportable kaya nagdesisyon na lang siyang umuwi na lang sa bungalow house. Bago lumabas ng dining area ay nagpaalam na siyang hindi na babalik at ihingi na lang siya ng pasensiya kay Blake na noo'y hindi pa bumabalik. Inihatid siya ni Kathy at Samantha sa labas ng hotel at hinintay na makasakay siya sa resort car, bago bumalik ang mga ito sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD