[Trish's POV] Christmas na later!!! Excited na akooooo!! Naghahanda na rin ng Noche Buena sa bahay namin. Nandito pa rin si Kuya Kris. Syempre alangan namang umalis pa siya eh christmas naman. Kami kami lang naman dito, wala sila Fiona. May sariling Noche Buena sa bahay nila eh. Syempre, may sariling pamilya. HAHAHAHA! Mga 7 pm na rin naman. At amoy na amoy ko na ang masarap na luto ni Mama. "Bango niyan ma ah." sabi ko habang nilalanghap ang niluluto niya. "Nako. Naubos na kakasinghot mo sa amoy." sabi naman ni Kuya Kris bigla. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya natawa siya sakin. "Hay nako kuya. Kainis naman to eh." "Christmas naman." sabi niya at tumawa pa. Pumunta nanaman kaming dalawa sa sala at nanood lang ng TV habang iniintay na matapos ang niluluto ni mama. Si Papa nama

