[Keith's POV] "Wow! Gusto ko tong damit na to oh!" sigaw niya. Ang lakas talaga ng boses ng babaeng to. She really reminds me of Daph. Baka siya yun? Don't be silly Keith alam mong hindi siya yun. Nasa likod lang nila ako naglalakad. Wala naman akong gana na mamili at hindi ko style yun. Nasa may souvenir street kasi kami. Kahit san ka tumingin sa street na to ay puro souvenir shop ang makikita mo. Alam niyo yung time na nainis na ako sakanya? Yung sa sobrang inis ko hindi ko na napigilan ang sarili ko at nahigpitan ko ang hawak ko sakanya. Sobra akong nakonsensya nun kasi akala ko si Daph yung nasaktan ko, kasi nga nakikita ko sakanya yung babaeng yun. Tapos hindi niya pa ako nilaglag dun sa nurse, gumawa siya ng kwento tungkol sa sugat niya pero siya, siya pa ang umamin sa kasalanan n

