[Trish's POV] "Ako nalang bibili ng ice cream." pagprisinta ko sakanila. Nasa may park pa rin kami at nagpapasahan ng utos ngayon dahil ayaw nilang tumayo at pumunta sa convenience store. "Ang bait naman. Yey!" sigaw ni Leigh "Tsk. Sinunod ko nalang para tapos na." sagot ko naman Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at pinagpag ang suot kong pants. "Samahan na kita." pagkatapos ng gabing yun, ngayon nalang niya ako kinausap. Napatango nalang ako. Syempre gusto ko naman siyang kasama eh. Although nasaktan ako nung gabing yun. Habang naglalakad kami ang awkward lang kasi tahimik kami at walang umiimik ni isa samin. Pero siya na ang bumasag ng katahimikan. "I'm sorry." napatingin naman ako sakanya. Bakit siya nagsosorry? "Why are you saying sorry?" tanong ko naman sakanya. Naguguluhan ako

